Ikatlong Kabanata

1.7K 25 0
                                    

KEVIN'S POV

Bumalik ako sa kaharian. Kailangan kong komprontahin si Gail. 

Bakit nya kasama si Isha? 
Bakit sila mag-kakilala? 

Pagpasok ko sa palasyo nadatnan kong pababa ng hagdan sila Ama at Ina. 

Yumuko ako bilang pag-galang. Umupo kami sa isang long table. 

Ng makaupo kami, nagtaka kami na wala si Gail. 

"Kevin nasan ang kapatid mo?" Ama
"Patawad ama pero hindi ko po alam" 
"Dati rati hindi naman sya ganito. Nauuna pa syang bumaba para tumulong mag-handa ng pagkain" ina
"Yun nga ang ipinagtataka ko Ama, Ina! Ni hindi ko sya mahanap kapag nawawala sya. Hindi ko rin makita ang mga pinaggagawa nya!" Sabi ko habang nakapikit. Pinipilit ko paring hanapin si Gail. 

"Ano kayang nangyayari kay Gail?" Ama 
"Aalamin ko po Ama!" Sabi ko
"Mag-iingat ka Kevin. Dahil ang alam ko Black witch lang ang nakakaharang sa kapangyarihan mo!" Ama
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Ina kay Ama
"Hindi pa ako sigurado dito, Lucia. Pero mukhang may kakaiba kay Gail. Nabalitaan kong nakakahawak sya ng tao na kailanman hindi kayang gawin ng mga kagaya nating espirito!" 

Napaangat ako ng tingin. 

"Kevin, iho! Gawin mo lahat ng makakaya mo para malaman ang nangyayari sa kapatid mo. Kung kailangan mo ng tulong galing sa mga nakakatandang ermitanyo, pinapayagan kita!" 
"Masusunod po Ina!" Tumayo ako at yumuko. 
"Aalis na po ako, Ina, Ama!" 

Sabi ko at tumalikod. 

"Gusto mo ba sya?" Ama

Napatigil ako sa paglalakad at napaharap kay Ama. 

"Ama?" Takang tanong ko
"Gusto mo ba ang babaeng tao yun?" 

Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong nakayuko. 

"Kevin, anak al-----" ina
"Alam ko po Ina. Pero-----" 
"Hindi mo mapigilan? Anak wag mong pigilan ang nararamdaman mo. Hayaan mo, gagawa tayo ng paraan para magkasama kayo. Basta wag ka munang magpapahawak sa kanya para Hindi ka mawala." Nakangiting sambit ni Ina. 
"Pero Ina, Pano ang trono? Nakasaad na hindi ako pwedeng magasawa ng hindi maharlika" 
"Pwede mong tuldukan ang nakasaad dun. Wala namang makakapigil kung ang nakatakdang maging hari at iibig ng tao!" Sabi ni Ama. 

Agad akong tumakbo papunta sa kanila at niyakap sila. 

"Maraming salamat Ama, Ina" 
"Lumakad ka na at puntahan mo sya. Hinahanap ka nya" 

Ngumiti ako at muling yumuko sabay takbo. 

ISHA'S POV

Ng makaalis si Kevin, Naglakad lakad ako sa tabing gubat. Hinahanap ko sya. Habang naglalakad ako nakaramdam akong may sumusunod sakin. Tiningnan ko ang orasan ko at 8 o'clock na ng gabi. Binilisan ko ang paglalakad. Ayaw pain nyang tumigil sa pagsunod. 

"Ahhhhhh!"

"Ano ba miss wag kang maingay!"
"sino ka?''

Napatingin ako sa kanya. Matangkad at gwapo ito.

"shh! wag kang maingay. Baka makita nila ako!"
"layo!layo!" sabi ko sa kanya dahil halos magkadikit na kami.

Tumawa sya at lumayo ng konti. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.

"miss rela------"

Bigla syang tumalsik.

Napatingin ako sa side ko ng may makita akong lalaking nakatayo sa may puno.

"Kevin?"
"Wag na wag mo syang lalapitan!" sabi nya dun sa lalaki.

Galit ang tono nito 

"Easy pare hindi ko sasaktan yung babae nagtago lang naman ako sandali" sabi nung lalaki habang tumatayo at hawak ang tagiliran.

"Kevin hindi naman nya ako si-----"
"Sumunod ka sakin!" 

Natahimik ako. Bat ba sya ganun?

GAIL's POV
Pag karating kong palasyo nagmamadali akong lumakad paakyat ng hagdan habang tinatakpan ang braso ko. Nangungulubot na ito. Kailangan ko ng kumain.

Pumasok ako sa kwarto ko at lumapit sa isang pader. Binulong ko ang isang black magic spell kaya lumitaw ang isang pinto dun.

Binuksan ko yun at pumasok. Nadatnan ko ang isang maganda at maputing babae na nakakadena at punit punit na ang damit.

"hoyy gail tumayo ka dyan.Nangungulubot na ang balat ko.Kailangan ko ng pagkain!"

"Lindsy! H-hinang hina na a-ako.B-baka hindi na kita kayang mabigyan ng hinihingi mo!"
"wala akong pakialam kahit mamatay ka dyan.Kailangan ko ng lakas at kapangyarihan mo.Nakikita mo ba tong braso ko ha? nangungulubot na.Kailangan ko ng humigop ng lakas mo" sabi ko sa kanya at hinawakan ang baba nya.
"P-para mo nang a-awa Lindsy. Nhihirapan na ko".
"wala akong paki Gail. Ibigay mo na saakin ang gusto ko!"

Sigaw ko at nararamdaman kong kumukulubot na din ang mukha ko.

Binitawan ko sya at humarap ako sa salamin. Unti unti na ngang kumukulubot ang mukha ko. Hindi ko naman pwedeng pwersahang higupin ang lakas at kapangyarihan ni Gail dahil ako din ang mapapahamak.

Lumingon ako sa kabilang parte ng kwarto at nakita ko ang tatlong babaeng bihag ko. Nasailalim sila ng spell ko kaya makukuha ko ang gusto ko kahit ayaw nila.

isa isa kong hinigop ang lakas nila hanggang mangitim sila na parang patay.

Humarap uli ako sa salamin.Pero konti pa lang ang natatakpan.

"Gail, ano ba? Ibigay mo na ang hinihingi ko" sigaw ko sakanya at pinanlisikan sya ng mata.

"O-oo na i-ito na!" sabi nya at unti unti kong hinigop ang lakas nya.

Hindi ko sya pwedeng patayin sangayon dahil kailangan ko pa sya.

Naramdaman kong unti unti ng bumabalik ang itsura ko ng may narinig akong katok.

Dali dali akong lumabas ng secret room na yun at dali dali ko din iyong sinara.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko dun ang aking ina. Hindi ang mahal na reyna kundi ang tunay kong ina.

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon