Huling Kabanata: Ikalawang Bahagi

756 19 0
                                    

3rd PERSON's POV

Yumanig ng malakas ang paligid.

Sandaling nag-agaw ang kakaibang puti't abong liwanag. Ang kidlat ay mas tumalim at bumagsik. Nag simula na ring umikot ng malaki ang hangin, ipo-ipo.

Lumutang ang bultong katawan ni Isha. Kulay itim at lila (violet) ang aurang bumabalot sa kanya.

Mas lalong umapoy ang kanyang mga mata.

Ang asul at puti nyang kasuotan ay napitan ng itim, pula at lilang kulay.

"Terus hegas iper hegum Gracea, et heri!"

(A/n: Kalapastangang patayin si Gracea, hangal!)

Dumagungdong ang malalim at nakakakilabot nyang boses sa buong paligid.

Hindi makapagsalita si Dyosa Gleondria dahil sa kanyang nasaksihan.

Wala pa syang nakikitang ganitong pangyayari sa loob ng apat na daang libong taon nyang pamumuhay. Wala pa kahit isa.

"Reperi erum!" Bulong nya

(A/n: Masama ito!)

Napahakbang sya paatras.

Pilit nyang ginagamit ang kanyang kakayahang maglaho ngunit tila walang pwersa ang lumalabas sa kanyang katawan.

Napatingala sya ng may maramdaman syang kakaibang nakatusok sa likod nya.

Isang lilang liwanag na tila humihigop sa kanyang lakas nya.

"Reperi erum!" May kalakasang sabi nya at pinilit makatakas sa liwanag.

Nilingon nya ang paligid nya upang humingi ng tulong.

Nanlaki ang mga mata nya na may abong liwanag sa mga ulo nito na unti-unting gumagapang sa katawan ng sinoman. At bawar daan ng liwanag na iyon ay nagiging bato.

Ultimo sina Hydra at Hydro ay hindi makapaniwala sa nangyayari.

Sinubukan nilang manlaban. Binabato nila ng itim na bolang apoy si Isha pati na rin ang latigo ni Hydra ay pilit nyang inaabot mahampas si Isha ngunit bumabanda lang ito at sa kanila tumatama.

"ARGGGGGH!"

Sa inis ni Hydra ay napasigaw ito.

Sa pag-sigaw nya ay unti-unting tumubo ang anim na ulo ng dragon sa kanyang balikat.

Hindi na nagulat si Isha na mapapalabas ito ni Hydra sa pagkakataong ito.

Tinitigan lamang nya ang anim na ulo. Mula sa kanyang mga mata ay lumabas ang apoy na nagsimulang tumupok sa anim na ulo.

Sa una ay kinakain lamang ng mga ito ang apoy ngunit habang tumatagal, habang kinakain nila ang apoy...

Umilaw ng kulay asul ng tyan ni Hydra.

"H-Hydra!" Sinalo ni Hydro ang kakambal ng bigla itong matumba.

Napatulala lang si Hydra sa mukha ni Hydro. Unti-unting lumalabas ang dugo sa mata, ilong at bibig ni Hydra.

"Kung ayaw mong mapagod, kailangang pumatay ka mula sa loob!" Sabi ni Isha

Sa pagkakataong iyon, inuluwa ni Hydra ang pitong iba't-ibang kulay na bato. Ang buhay nya ay isinuka na nya.

"Walang hiya ka!" Sigaw ni Hydro at nagpalit ng anyo.

Nagsilbi syang malaking aso na sinlaki ng isang ordinaryong puno ng mangga.

Tinalon nya si Isha at pilit na pinagkakalmot. Sinalo lang iyon ni Isha.

Sa ikalimang kalmot ni Hydro ay tumigil ito at tinahulan si Isha.

Isang nakakabinging tawa ang pinakawalan ni Isha. Itinaas nya ang kamay nya at pinahid ang dumudugong pisngi nya. Tiningnan nya ang kamay nya at tinikman ang sariling dugo bago tumawa ng malakas.

-

"Maghanda ang lahat! Kailangan nating magmadali!" Malakas at matikas na utos ni Haring Geden.

"Mauuna na ako sa inyo, Ama. Kailangan kong mapuntahan kaagad si Isha, mapanganib para sa kanya!"

Taranta na ang kalooban ni Kevin.

"Mag-iingat ka, anak. Alalahanin mo lahat ng bilin ni Hevas!"

Tumango si Kevin at tiningnan ang ibon. Bumalik sa kanyang alaala ang sandaling nagpadala ng mensahe si Hevas sa pamamagitan ng ibon.

*FLASHBACK

Pagkaalis ni Dyosa Gracea ay hindi agad nakakilos ang lahat.

Maliban kay Kevin na patuloy na nagtataboy sa mga paru-parong dumadapo sa bulaklak na may lamang bunga nila.

Hindi pa man nakakabawi ang lahat ay isang ginintuang liwanag na nagmula sa kalangitan ang sumilaw sa kanila.

Panandalian nawala ang mga paru-paro ng isang ibon ang bumababa mula sa gitna ng gintong liwanag na iyon.

Dumapo ang ibon sa paanan ng kama ni Kevin at naglaho ang liwanag.

"Isa akong sugo ni Hevas!"

Isang batang tinig mula sa ibon ang nagpagulat sa kanila.

"Pinadala nya ang mensahe ito patungkol kay Prinsesa Aleisha!"

"Sugo, pakiusap, anong nagyari sa aking anak?" Tila humahangos na tanong ni Reyna Azul.

"Isang mahalagang buhay ang magwawakas na magtutulak sa prinsesa na maging ibang nilalang. Hihigop sya ng mga kapangyarihan, kikitil ng buhay, gagawing bato ang sinomang naisin ny, ngunit sa sandaling sumobra ang pag-gamit nya sa iba nyang katauhan ay ikasasama nya iyon."

"Anong mangyayari sa kanya pagnagkataon?" Tanong ni Prinsesa Gail

"Ipagpaumanhin, ngunit kapag sumobra ay asahan nyong nyebeng katawan na lamang ang iuuwi nyo dito na kapag nasinagan ng asul na buwan ay kusang malulusaw kasabay ng pagkalusaw ng lahat patungkol sa mga espirito."

"K-Kung gayon ay anong gagawin namin?"

"Ikaw, Prinsipe Kevin, na syang nakatakdang maging kabiyak nya sa panahon ng inyong pamumuhay ay dapat kitilin ang iba nyang katauhan!"

"K-Kitilin? Papatayin ko si Isha?"

"Ang ibang katauhan lamang nya ang iyong kikitilin. Gamitin mo ang sandatang iaabot ko sa iyo upang gawin iyon."

Lumiwanag ang harap ng ibon at lumabas ang isang gintong ergum.

(A/n: Ergum- espada)

"Hindi ko ba sya masasaktan?"

END OF FLASHBACK

Napatingin si Kevin sa ergum na hawak nya.

Hindi na sumagot ang ibon sa huling tanong nya.

Ngunit batid nya, alam nyang hindi nya masasaktan si Isha lalo na't galing kay Hevas ang mga bagay-bagay.

"Kailangan mo nang umalis. Baka sumobra si Isha sa paggamit ng kanyang ibang katauhan. Ayaw kong maiuwi ang kaibigan ko na isa nang nyebeng katawan!" Asik ni Lindsy

Ang patungkol sa nyebeng katawan na malulusaw sa sinag ng buwan ay nangyayari lamang sa mataas na mga maharlika.

At dahil kabilang si Prinsesa Aleisha sa matataas na maharlika ay ganun ang mangyayari sa kanya sa sandaling sumobra sya.

----
Epilogue na po ang next.

Thank you for making up, up to here.

Lablab, mylabss!

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon