Ika-Dalawampu't-Tatlong Kabanata

881 17 0
                                    

3RD PERSON's POV

Hindi pa tuluyang napapahatid ni Isha ang kanyang desisyon ay agad umihip ng hangin ang Dyosa ng Maalab na Pag-ibig at Pagkalimot.

Nagising ang lahat ng hindi pa nila nalalaman ang desisyon ni Aleisha

Dahil nag-umpisa nang sumugod ang Kaharian ng Ilalim ng Lupa.

Nagkagulo ang lahat.

Ang pag-papaulan ng malaking bola ng tubig ni Isha at ng kanyang mga magulang ay ang nag-udyok sa mga kalaban upang lumusob at magpasimula ng kaguluhan.

Handa naman ang mga kawal ng kahiraan kaya malakas ang kanilang depensa.

Tumawag na rin si Haring Sandro at Reyna Azul ng mga kawal mula sa kaharian nila na Great Lightning and Thunder para tumulong.

Maging si Zuel na prinsipe ng kaharian ng Blood and Fire ay nagpadala na din ng tulong para mas maging malakas ang depensa nila laban sa kalaban.

Ayos na sana ang lahat. Malakas ang depensa ng kampo nila Haring Geden at ng ibang kaharian ngunit dumating din ang isang hindi inaasahang kalaban.

Umihip ng malakas at mainit na hangin na sadyang naging paso para sa mga immortal.

Dumating na ang kinakatakutan ng mga hari at reyna.

Dumating na ang Dyosa ng Panibugho at Panganib.

Nakalutang ito sa ere habang itim at pulang apoy ang nasa ilalim ng mga paa nito. Kapansin-pansin ang malalaking baluktot na sungay nito. Suot nito ang kasuotan nito ng mamamatay ito. Ang itim at makintab na kasuotan.

Agad lumutang ang papel at nagpaikot ikot bago tuluyang lumabas ang Dyosa ng Maalab na Pag-ibig at Pagkalimot. Sa pagkakataong ito, hindi na lang mukha nito ang lumabas.

Lumabas ang buong katawan nito. Nakasuot ito ng makintab na kombinasyon ng asul at puti. Kapansin-pansin din ang iba't ibang kulay nang dyamante na nakabaon sa mga balat nito. Hawak-hawak nya ang isang ergum na kulay asul at bahagyang may puti sa gilid.

Ergum- isang uri ng espada na tanging matataas na immortal lamang ang mayroon.
(Ayon sa diksyonaryo ni Author '__' )

"Itigil mo ito, Gleondria!" Malakas na sabi ng Dyosa ng Maalab na Pag-ibig at Pagkalimot.

Sa unang pagkakataon ay narinig ng lahat ang totoong pangala ng Dyosa ng Panibugho at Panganib

Gleondria- pangalan ng isang masamang dyosa na ang ibig sabihin ay Kadiliman at Panganib
(Ayon sa diksyonaryo ni Author '__' )

"Wag mo akong pigilan, Gracea!" Malalim ang boses ni Gleondria na tila hinugot mula sa ilalim ng lupa.

Gracea- pangalan na ang ibig sabihin ay Biyaya, Kasiyahan at Pag-ibig na tanging maharlika at mataas na tao lamang ang pwedeng bagayan ng pangalang ito
(Ayon sa diksyonaryo ni Author '__' )

Pinalabas ni Gleondria ang mahaba, itim at nag-babaga nyang Ergum.

Dali-daling nagpalit ng anyo sila Zuel, Gail, Haron, Kevin at ang kambal na sila Gwen at Zildian ng mga kasuotang pandigma nila.

Tumakbo sila sa gilid ni Gracea at hinanda ang iba't iba nilang Ergum na may taglay na iba't ibang lakas at kapangyarihan. Nai-iba lang ang dala ni Gwen dahil isang Treup ang dala nito

Treup- isang uri ng pana na umaapoy at tanging ang batang maharlika na may dugong bughaw lamang ang pwedeng mag may-ari at makahawak.

Umalingaw-ngaw sa kaharian ang tawa ni Gleondria. Isang tawa na nagdala ng kakaibang kilabot sa kanila.

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon