Ikalabing-tatlong Kabanata

1.1K 21 0
                                    


MELISSA's POV (Sya yung pinsan ni Isha sa mundo ng mga tao, kung natatandaan nyo)

"Dad, ano wala pa din ba?" Tanong ko kay dad na kakapasok lang ng bahay.

3 araw na syang nawawala at kahit anong bakas nya wala kaming makita.

Napatingin ako sa langit ng biglang kumulog at kumidlat.

"Melissa, may bagyo ba?" Dad

Kinarga ko ang kapatid ko na umiiyak dahil sa kulog at kidlat

"Ang sabi sa balita, wala po at napakalinaw ng langit kani kanina!"

Tok*tok

Napatingin kami sa pinto.

Binuksan iyon ni Daddy at nagulat kami sa bumulaga.

Napatumba sya at napayakap kay Daddy.

Punit punit ang maganda nitong damit at puro itim ang katawan nito.

Para syang nasabugan ng bomba.

Binuhat sya ni Daddy sa couch at inihiga. Inilapag ko din ang kapatid ko sa stoller nito.

"Melissa kumuha ka ng basang tuwalya at linisan mo sya!"

Muli kong pinasadahan sya ng tingin.

Ngayon ko lang napansin ang tiera na nakasuot sa kanya.

Nilapitan ko sya at hinawakan ang buhok ngunit nagulat ako ng makuryente ako kaya napaatras ako.

"Bakit?"
"Dad nakuryente ako sa buhok nya!"
"Ano, imposible?!"

Nilapitan sya ni Daddy at hinawakan ang buhok pero katulad ng nangyari, nakuryente din sya.

Sinubukan nyang hawakan ang kamay nya .

"Buhok lang nya ang may kuryente!"

Tumaas na ako at kumuha ng bimbo.

Ano bang nangyari sayo? San ka ba galing, Isha?

KEVIN's POV

Lumutang ako ng nakapikit dahil ayokong makita ang gagawin ko sa kanya.

Pinalabas ko ang yelong espada ko at inihampas sa kanya pero wala akong nabanggang katawan.

Napamulat ako at nagulat ako sa nakita ko.

Wala na sya sa harap ni Ate Gail.

Unti unti ay bumaba ang katawan ni Ate Gail kaya bumaba na din ako 

"Asan sya Kevin?" Salubong sakin ni Lindsy.

Napailing ako.

"Naglaho sya?" 

Napatingin ako kay Zuel na inihihiga na si Ate Gail sa kandungan nya.

"Naglaho?" Lindsy
"Ng hahampasin ko na sya bigla syang nawala!"sabi ko at napaupo 

Naramdaman ko na lang na may maliit na kamy na pumatong sa balikat ko.

" Prinsipe, mahal mo ba ang gumamot kay Ina?"

Anak pala ito ni Ate. 

Tumango ako.

Bigla nyang inilahad ang kamay nya at may kung ano syang ikinumpas, lumabas sa kamay nya ang isang bulaklak na nagyeyelo.

Namana nya ata iyon kay Zuel dahil naalala ko na nagawa na nya ito kaso umaapoy na bulaklak ang ginawa nya.

"Prisipe, kunin mo ito at ibulong mo sa kanya kung gano mo sya kamahal!"

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon