Ikalabing-Pitong Kabanata

967 20 0
                                    

ISHA's POV

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Yelo? Galing sa kamay ni Kevin?

Ano ba sya maligno? 

Tumatakbo ako ngayon dahil hinahabol ako ni Kevin

"Binibini sandali lamang!" Sabi pa nya.

Ng makarating ako sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto at nagkulong.

"Binibini, pakiusap ako'y iyong kausapin!" 

Dinig kong sabi nya habang kumakatok.

Huminga ako ng malalim.

"Aleisha, hindi totoo yun, namamalikmata ka lang!" Sabi ko sa sarili ko.

Naglakad ako pabalik balik habang kagat kagat ko ang kuko ko.

Napangiti ako ng may pumasok na ideya sa isip ko. Tama magagamit ko iyon para makaganti sa kanya.

Ng tumahimik sa labas ng pinto ay sumilip ako doon.

Wala na sya.

Lumabas ako at pumuntang kusina.

Kaso nagulat ako na nandoon sya at may niluluto na kulay green na parang suka.

"Hoy anong ginagawa mo dyan?" Sigaw ko kaya naman nagulat sya at naihagis nya ang sandok sa binti ko

"AHHHH!" sigaw ko.

Ang init ng sandok. Huhuhu.

"Aleisha paumanh---"
"WAG KANG LALAPIT!" Sigaw ko

Ang sakettttttttt!

"Tao po!" Napatingin ako sa may pinto at nakita ko ang isang lalaki.

Teka, parang kilala ko sya ah!

"Binibini, ang bi---"
"Wag mo kong kausapin!" Singhal ko sa kanya at naglakad papuntang pinto.

"Hi, Isha!" Nakangiting sabi nung lalaki
"Sino ka nga uli?" Sabi ko dahil ang hapdi ng binti ko.

"Denver! Ako yung nadun sa may gubat na nakita mo. Tanda mo pa ba?"
"Huh?"
"Yung hinawakan ko yung balikat mo tapos nagpupumiglas ka?"

Ayy oo tapos bigla syang tumalisik dahil kay----

Sino yung taong yun bat malabo ang mukha nya.

"Halika pasok ka!" Sabi ko at naunang lumakad kaso muntikan na akong matumba buti na lang nasalo ako ni Denver.
."okay ka lang? Buhatin na kita sa sofa!"

Tumango na lang ako.

Pagbaba sakin ni Denver ay nakita kong nakasilip si Kevin sa hagdan at parang may iba sa mukha nya.

Parang nag-seselos? Yuckkkk

Don't tell me may gusto sya sakin. No way.

GAIL's POV

Ilang araw na ang lumipas simula ng magpakita saamin ang diwata ng pag-ibig at pagkalimot at hanggang ngayon ay hindi pa din bumabalik si Isha at Kevin.

Pabalik balik dito sila Haring Sandro at Reyna Azul. Puno ng panibugho ang kanilang mga mata. Gustong gusto na nilang mahanap si Isha.

"Mahal anong iniisip mo?" 

Napatingin ako kay Zuel. Nandito kami sa kwarto ko sa kaharian namin. Kahit naman hindi pa sila ayos nila Ama at Ina ay hinayaan naman nila kaming manatili muna dito hanggat hindi pa bumabalik sila Kevin.

Tulog ang mga bata at ako namay nakadungaw sa bintana.

Naramdaman ko ang mainit na yakap galing sa aking likuran.

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon