Ika-Dalawampung Kabanata

879 19 0
                                    

KEVIN's POV

Hinawakan ko ang kamay ni Isha ng akmang ilalapit na nya ito kay Ina.

Isang luha ang kumawala sa mga mata ko ng matingnan ko ang mata nya.

"Wag kang mag-alala sa akin, Kevin. Gagawin ko ang lahat upang hindi ako mawala sa sarili."

Niyakap ko sya at bumulong.

"Isha! Mag-iingat ka! Ayoko ng mawala ka uli!"

Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang isang hikbing kumawala sa bibig nya.

Kumalas na sya sa yakap at hinawakan ang kamay ni Ina.

Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Reyna Azul sa balikat ko.

Lumiwanag ang paligid at lumutang si Isha at si Ina. Binitawan ni Isha ang kamay ni Ina na ngayon ay nababalutan na ng kidlat.

Dumilim ang kapaligiran at nag-umpisang kumidlat ng matatalim.

Panay hiyawan at iyakan ang naririnig ko kasabay ng matatalim na tunog ng kidlat. Lahat ng nakapalibot sa amin ay nakatingala at nag-aabang ng susunod na mangyayari.

Nagulat ako ng biglang sumulpot ang Dyosa ng Pag-ibig at Pagkalimot sa gilid ko.

"Kevin, sundan mo sa itaas si Isha at hawakan ang kanyang kamay. Makakatulong ang inyong pag-iibigan upang hindi sya mawala sa kanyang sarili. Kaya naman sumunod ka na sa itaas, nag-uumpisa na syang manggamot!"

Pagkasabi nya noon ay naglaho na uli sya.

Agad akong tumingala at lumutang para lapitan si Isha.

"KEVIN!" dinig kong sigaw ni Ama.

Unti unting napupunit ang suot kong damit habang papalapit sa kanya. Dumugo ang braso ko na parang nahihiwa.

Inabot ko ang kamay ni Isha na ngayon ay unti-unti ng nawawala sa sarili. 

Asul na kidlat na lamang nasa mata nya at bumubulong ng ilang salita.

Dumugo na ng tuluyan ang iba't ibang parte ng katawan ko dahil sa kakaibang pwersa na parang sumusugat sa akin pero wala akong nararamdamang sakit.

Maya maya pa ay unti-unting kumalma ang mga kidlat. Unti unti ding nagliwanag ang paligid na kanina ay sobrang dilim. 

Bumaba na ang katawan ni Ina na balot parin ng kidlat ngunit si Isha ay hindi pa bumababa. 

Napabitaw ako sa kanya dahil bigla akong nanghina.

Bumagsak ako sa lupa at doon ko naramdaman ang lahat ng sakit.

Nakayuko parin sa itaas si Isha at hindi gumagalaw.

"Isha, Anak!" Sigaw ni Haring Sandro pero wala paring kibo si Isha.

Hinawakan ako ng Healer at unti unting ginamot ang mga sugat ko.

Kahit bumibigat ang talukap ng aking mata ay hindi ako pumikit. Dahil nais kong bago ako pumikit ay makita kong maayos si Isha.

Lumutang na din pataas si Haring Sandro, Reyna Azul at ang Healer.

Nilingon ko si Ina na hanggang ngayon ay napapalibutan pa rin ng kidlat kaya walang makalapit.

Nakita kong tumakbo papalapit sa akin si Ate Gail at Zuel.

Si Ama naman ay hindi maalis ang lumuluhang mata kay Ina.

Tumingin uli ako kay Isha na ngayon ay hinihila pababa ng ilang kawal at ni Haring Sandro.

Umiiyak naman habang nakatakip ng bibig si Reyna Azul.

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon