Ikalabing apat na Kabanata

918 21 0
                                    

GAIL's POV

"Zildian, anak!"
"Ano po iyon Ina?"
"Ano pala yung binigay mo kay Kevin?"

Nakita kong tumingin sya kay Zuel. Tinanguan lang sya ni Zuel

"Ina iyon po ang bulaklak ng maalab na pag-ibig at pagkalimot!"

"P-Para saan iyon?"

Kinakabahan kong tanong. Sana mali ang nasa isip ko.

"Gail, mahal! Tayo na lang ang mag-usap. Hayaan na natin ang mga anak natin na magpahinga!"

Napabuntong hininga ako at kinarga si Zildian.

"Matulog ka na anak. Tabihan mo na si Gwen. Mag-uusap lang kami ng iyong ama."

"Tatabihin nyo kami ni Ama mamaya ha!"

Tinanguan ko lang sya.

Lumabas kami ng kwarto ng mga anak namin at pumunta sa kwarto ni Zuel.

Apoy ang desinyo ng kwarto nya kaya medyo nailang akong pumasok.

"Paumanhin!" Sabi ni Zuel at ikinumpas ang kamay nya.

Sa ilang sandali nagbago ang desinyo noon.

Naging larawan namin iyon ng mga bata na para bang masayang naglalaro sa isang madamong lugar.

"Ang ganda!" Sabi ko
"Salamat at nagustuhan mo!"

Pinaupo nya ako sa kama nya.

"Ano ang tungkol sa bulaklak na iyon, Zuel?"

"Ang bulaklak na iyon ay ang bulaklak ng maalab na pag-ibig at pagkalimot!"

Tumingin sya sa akin.

"Sa sandaling mag-sabi ka ng iyong maalab na pag-ibig sa bulaklak na iyon, mapupunta ka sa lugar na kung saan naroon ang iyong pag-ibig. Ngunit sa sandaling mapadpad ka sa lugar na iyon, makakalimutan mo at ng iyong pag-ibig ang tungkol sa inyong dalawa"

Napasinghap ako.

"Ibig sabihin makakalimutan nila ang isa't isa?"

Ngumiti si Zuel

"Hindi lang iyon. Kung nasaang lugar ang pag-ibig mo magiging katulad ka ng mga nilalang na nakatira sa kaharian o mundo na iyon!"

"Hindi kita maintindihan!"
Kunot noong sabi ko

"Bibigyan kita ng halimbawa mahal ko!"

Sabi nya at tumabi sa akin.

"Halimbawa, ang pag-ibig mo ay napunta sa mundo ng mga mortal, ibig sabihin noon magiging mortal ka din. Walang kapangyarihan at mapupuno ang alaala mo ng ibang alaala. Kung baga buhay ka pero iba na ang alaala na nasa utak mo!"

"Paano si Isha at si Kevin?" 

Sa pakiramdam ko ako'y namumutla na.

"Wag kang mag-alala mahal. Ang utak lang ang mapapalitan ng alaala!"

Tinuro nya ang dibdib ko

"Pero ang puso.. Hindi!"

"Anong mangyayari sa kanila?"
"Makakalimutan nila ang isa't isa pero gagawa ng paraan ang bulaklak na iyon para magtagpo silang muli. Hindi man katulad ng dati ngunit sa bagong paraan!"

Sabi nya at hinila ako pahiga.

"Matulog ka na, Mahal ko!"

Sabi nya at hinalikan ako sa noo.

HARING GEDEN's POV

"ASAN ANG PRINSIPE?" 

Dumagungdong ang boses ko sa buong kaharian.

"Patawad, Mahal na Hari ngunit walang kaming nakitang lumabas sa kwarto nya!"

"Geden! Anong nangyari?" Reyna Lucia
"Mahal, nawawala si Kevin!"

Napasubsob ang mukha ko sa mga palad ko.

"Nawawal pa din hanggang ngayon si Gail pagkatapos ay ito pa ang susunod. Si Kevin naman ang nawawala!"

Pumasok sa kwarto ni Kevin si Lucia

Tiningnan nya ang buong paligid at napatigil ang tingin nya sa kama nito.

Binuklat nya ang kumot na nakatakip sa kama.

Mula doon ay lumutang ang isang blangkong papel.

Nilapitan ni Lucia iyon at bigla itong lumiwanag.

Lumutang ang isang magandang mukha.

Ang diwata ng pag-ibig at pagkalimot.

"Magandang umaga sa iyo." Nakangiting bati nya sa amin.
"Magandang umaga din, Mahal na Diwata. Ano pong inyong sadya?" Magalang na tanong ko

Ngumiti ito na dnaging dahilan ng paglamig ng sobra ng paligid.

"Ang dalawang taong nag-iibigan ay makakalimutan ang isa't isa ngunit dahil sa tunay nilang pag-ibig sila'y pagtatagpuing muli. Sa sandaling maglapat ang kanilang mga labi doon lamang nila malalaman ang buong katotohanan at ang kanilang nakaraan!" 

Nakangiting sabi ng Diwata.

"Anong ibig ninyong sabihin? At sino ang tinutukoy ninyo mahal na diwata?" Lucia

"Kung sino ang nawawala sya ang sinasabi sa propesiya. Paalam sainyo!"

At pagkasabi nya noon ay bigla syang naglaho pati na ang papel.

Puro sikreto at lohika ang sinabi sa amin ng Diwata.

Anong ibig nyang sabihin?

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon