Ika-Tatlumpu't Isang Kabanata

679 16 0
                                    

DYOSA GLEONDRIA's POV

Napangisi ako ng makita ang buwan. Malapit na ang oras.

Mag-sisimula na ang gulo.

Mapapabagsak ko na ang mahal kong kapatid sa pagkakataong ito. Hindi na ako papayag na muling malagak sa isang baul at kalimutan sa paglipas ng panahon.

Sandaling oras na lang. Sisiklab na ang pinakaaasam kong pagbagsak ng mga maharlika. At sisiguraduhin kong hindi na sila muling makakabangon.

Nagulat ako ng lumitaw ang batang prinsipe sa harap ko. Naalerto ang aking mga kaanib sa biglaan nyang pagpapakita.

"Hindi ako naparito para sa gulo." Sabi nya

Maganda ang tatas ng dila ng batang ito. Isa syang maharlika, naamoy ko ang dugo nya.

"Naparito lang ako dahil sa kanya." Sabi nya at napalabas ng isang papel.

Umikot-ikot iyon sa ere at lumabas ang mahal kong kapatid.

Napatawa tuloy ako ng malakas. 

"G-Gleondria, paki usap. Huwag mo ng ituloy ang muling pakikianib sa masama."

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nya. Napaiwas ako ng tingin.

Kahit noon ay ganyan sya. Masyadong mabait at maaalalahin. Lahat ay sya ang napapansin

Samantalang ako, kahit ano ng aking gawin, wala pa ring nakakapansin sakin. Maliban sa kanya na kapatid ko.

"Wag mo akong idaan sa ganyan, Kapatid. Hindi mo ako madadala."

Nakita ko ang pagtulo ng mg luha nya at ang pagpugnaw ng kulay ng mga dyamanteng nakabaon sa katawan nya.

Umiling sya at pinunasan ang mga luha nya.

"Gleondria, maaari ka pang umatras habang hindi pa sumisilay ng umaapoy buwan. Handa kitang tanggaping muli kung iyong tatalikuran ang kahariang ito. Hihintayin ko ang iyong pasya. Sa dating tagpuan, sa kaparehong oras."

Pagkasabi nya noon ay pumasok na uli sya sa papel na agad tinago ng batang prinsipe. Tiningnan muna nya ako ng masama bago naglaho.

"Iwan nyo mula ako." Utos ko sa mga nakapalibot sa akin.

Agad naman silang umalis.

"Bakit ka ganon, kapatid. Kahit gawan ka hindi maganda ay nagagawa mo pa ring mag-alala? Bakit?"

Bulong ko sa hangin.

KEVIN's POV

Pag-kagaling namin sa mundo ng mga mortal ay umuwi na kami sa aming kaharian.

Sina Ina, Ama, Ate Gail at Zuel ay umuwi na sa aming kaharian. 

Si Haring Sandro at Reyna Azul ay umuwi na din muna sa kanilang kaharian kasama kami ni Isha.

Nandito kami sa kanyang silid at nakaupo sa malaking bintana.

Nahaharangan ito ng isang makintab na bakal na may iba't ibang desinyo.

Magkaharap kami at magkadikit ang aming mga paa. Parehas kaming nakatanaw sa buwan. Unti-unti nang pumupugnaw ang pagiging asul nito.

"Sandaling oras na lang pala, Mahal ko at mag-uumpisa na ang digmaan."

Napangiti sya ng pilit at sinulyapan ang Mobyed na nakasabit sa kanyang leeg.

"Oo nga, sandali na lang." Malungkot na sabi nya.

"May gusto ka bang sabihin sa akin, Mahal ko?"

Hinawakan ko ang kamay nya at tinitigan sya sa mga mata. Kitang kita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Nanginginig ito pati ang kanyang mga labi. Nagsimulang tumulo ang mga luha nya.

"Shh, tahan na mahal ko. Alam ko na ang lahat, gusto ko lang ng kumpirmasyon galing sayo. Pagkatapos ba ng digmaan ay kailangan mo na muling lumisan?"

Napapikit sya at humagulgol. Hinila ko sya at niyakap.

Ayoko ng ganito. Ayokong nakikita syang umiiyak.

"Y-Yun ang sabi ni Hevas, Kevin. H-Hindi pa daw ito ang tamang oras." Umiiyak na sabi nya.

Napatingala ako at pinigilan ang luha ko.

Hinarap ko sya sa akin at pinunasan ang mga luha nya.

Ilang ulit kong hinalikan ang noo at ilong nya. 

"Tahan na, Mahal ko. Ayos lang yan. Panatilihin nating masaya ang oras na naririto ka. Basta't wag ka nang maglilihim sa akin ha? Kung nais mo ng taga-pahid ng iyong mga luha ay naririto ako. Kung nais mo ng balikat ay narito ang saakin. Kung pagod ka na, narito ako para saluhin ka. Narito ako palagi para sa iyo, Mahal ko."

"Natatakot akong muling malayo sayo, Mahal ko! Natatakot ako!"

"Huwag kang matakot, Isha." Hinalikan ko ang noo nya at ngumiti. "Nandito lang ako sa tabi mo. At sa sandaling maubos ang pansamantalang oras mo dito, wag kang mag-alala. Mag-hihintay ako kahit gaano katagal. Maghihintay ako kung kailan buo na ang oras mong manatili sa aking tabi."

Napangiti naman sya.

"Aasahan ko iyan, Mahal ko."

Tinitigan ko ang mukha nya.

"Sa pagdating nang panahong iyon, Isha, nais ko ng dalawang anak!"

Natawa naman sya at hinampas ako ng bahagya sa dibdib.

"Wala pang kasal anak agad ang nasa isip mo!"

Hinalikan kong muli ang dulo ng ilong nya.

Nagkatitigan kami hanggang sa nagpadala kami sa hiling ng aming mga labi.

Napapikit kaming parehas ng mga sandaling iyon. 

Nararapat na pahalagahan namin ang mga oras na kasama namin ang isa't isa.

"Mahal na mahal kita, Aleisha!"
"Ganun din ako sayo. Mahal na mahal din kita, Kevin!"

--

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon