Ikalabing-isang Kabanata

1K 24 0
                                    

GAIL's POV

Abala ang lahat

Naghahanda sila para sa plano nila

Tumingin ako sa paligid.

Kahit medyo nanghihina at pumikit ako at inisip ang kaharian nila Zuel

Maya maya naramdaman ko na ang init

Nandito na ako

"Asan si Zuel?" Tanong nya sa taong apoy na nakatayo sa entrada ng kahariang iyon

"Sandali!"

Sabi nito at bumato ng bolang apoy papunta sa isang tore

Maya maya ay biglang lumitaw si Zuel

"Gail"
"Andito na ako, Zuel. Sasama na ako sayo, pakawalan mo na ang tatlo iyon!"

Lalapitan nya sana ako ng umatras ako

"Gail!"
"Tumupad ka sa usapan, Zuel. Hindi na ako aalis sa tabi mo kapalit ang buhay at pagbabalik ng alaala ng tatlo."

Nakita kong bumuntong hininga sya at tumungo

Nag-alisan ang mga taong apoy at naiwan kami

"Isa lang naman ang gusto ko Gail kaya ko nagawa ang mga bagay na iyon!"

Nanatili akong malayo sa kanya

"Gusto ko lang naman na mahalin at tanggapin mo ko. Yun lang Gail. Yun lang!"

Nag-angat sya ng tingin at nakita ko ang pader sa kaharian ay unti unting may umaagos na dugo.

Nilapitan ko sya at hinawakan ang mukha sabay pahid ng papatak pa lang na luha nya

Oo alam kong niloko nya ako, pero hindi ko kayang makakita ng taong umiiyak

"Gail, patawarin mo ako, pero hindi ko sila papakawalan hanggat hindi ako nakakasigurado na hindi mo na ako iiwan.... Kami ng mga anak mo"

HARING GEDEN's POV

"Kawal tawagin mo na si Prisesa Gail. Kailangan na nating umalis!" Sabi ko at agad na tinalikuran

"Haring Geden, kailangan na nating umalis. Unyi unti nang nalalanta ang bulaklak!" Reyna Azul

"Ilang sandali lang Reyna. Si Gail na lang ang kul----"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang may tumakbong kawal papalapit s kinatatayuan namin.

"Mahal na Hari, wala po ang prinsesa sa kwarto nya!" Hingal na sabi ng kawal

"ANO?" 
"Mahal kumalma ka!" Pangaalo ko sa asawa ko
"Hahanapin ko sya!" Sabi naman ni Reyna Azul at pumikit

Ilang sandali pa ay nangunot ang kanyang noo at namiss.

"Azul anong nangyayari?" Haring Sandro

Umiiling si Reyna Azul maya maya pa ay kumidlat at napaupo sya

"Azul anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Haring Sandro

"Impossible!" Nakatulalang sabi nya
"Anong nakita mo Azul?" Tanong ko

Muli na namang kumidlat kasabay noon ay ang pagtulo ng crystal na luha ni Reyna Azul

"Ngayon ko lang ito naranasan. Ilang kataga ang nakita ko at hindi ko sya mahanap."

Tumingin sya samin at nagsalita

"Kanyang sarili ay inalay upang apoy ay mawala. Tatlong maharlika ay lalaya sa kamay ng dugong pula!"

ALEISHA/ ISHA's POV

Napangiti ako ng makita kong nasa tabi kong muli ang mga kaibigan ko

"Asan ba tayo?" Sabi ni Lindsy at nilibot ang tingin sa paligid

"Hindi ko din alam!" 

Sabay naming sabi ni Kevin.

Nagkatinginan kami

"Oy kayo ha!" Nangaasar na sabi ni Lindsy 

Agad akong umiwas ng tingin at dinampot ang dalawang kahoy na nakita ko

"Anong gagawin mo dyan?" Kevin

"Gagawa ng apoy!" 

Napatigil naman ako sa sinabi ko.

San galing yun? 

"Marunong ka?" Lindsy
"H... Hindi ko din alam!"

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nila

"Saan bang parte ng utak ko iyon nanggaling?" Tanong ko sa kawalan

Narinig ko namang nagtawanan sina Kevin at Lindsy

"Aleisha ano bang pinagsasabi mo? Galing sa bibig mo iyon! Gawa na lang tayo ng elixir para mawala ang lamig!" Lindsy

Kami naman ni Kevin ang napatingin kay Lindsy. Nanlaki din ang mata nito
."Anong sabi ko?" Tanong pa nya

"E-Elixir! Ano iyon?" Ako habang nakakunot ang noo

"Elixir?" Napahampas sa noo nya si Lindsy
"Ano iyon? Bat hindi ko masabi kung ano iyon!"

"Oyy Lindsy huwag mo ngang saktan ang sarili mo. Bala ka hindi ako gagawa ng nyebe!" Kevin

Nanlaki na naman ang mga mata namin.

"Ano bang pinagsasabi natin?" Naguguluhan kong tanong

"Bakit parang may kung ano tayong nakalimutan?" Lindsy

"Nyebe? Ano iyon?" Tanong ni Kevin

Biglang may kung anong boses akong narinig

"Ano iyon?" Tanong ko at nagpalingon lingon

Madilim ang buong paligid

"Ang alin?" Sabi naman ni Kevin

"Yung boses!" 

Muli ko na namang narinig ang boses na iyon 
"Anak asan ka?" 

"Anon iyon?" Naguguluhan kong tanong habang nakatakip ang kamay ko sa tenga ko

"Aleisha anong nangyayari?" Lindsy

Napapikit ako ng mariin

Paulit ulit kong naririnig ang boses na iyon

"AHHHH!" sigaw ko pagkatapos ay

Lalong dumilim ang paligid

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon