Ika-Dalawampu't-Apat Na Kabanata

751 15 0
                                    

DYOSA GRACEA's POV

Nakangiti akong bumalik sa aking kaharian. Tiningnan ko ang lahat ng dyamante sa katawan ko.

Umiilaw na silang lahat.

Lumiwanag sa harapan ko at may lumabas na isang pigura. 

Wala syang mukha at katawan tanging anino lang pero kilala ko kung sino sya.

"Sinabi ko na nga ba at babalik ka!"

Narinig ko ang mahina nyang pagtawa.

"Patawad, Dyosa. Pero panandalian lamang ang aking pagbabalik. Hindi pa ako makabalik sa katawan ko!"

Napawi ang ngiti ko.

"Ang iyong ibig sabihin?"
"Kaluluwa na lang ako , Dyosa pero ang aking lakas at kapangyarihan ay mananatiling buhay!"

Pinilit kong hawakan ang mga kamay nya ngunit tumag-os lang to.

"Ano? Pano? Hindi maaari. Kahit kaluluwa ka ay may kakayahan akong mahawakan ka, ngunit bakit hindi?"

"Patawad, Dyosa. Ang sabi ni Hevas ay ako at sya lamang ang makakaalam ng kasunduan namin dahil!"

Hevas- taga pangalaga ng mga Dyosa at matataas na maharlika.
(Ayon sa diksyunaryo ni Author '__' )

Nakita kong lumapit ang anino nya sa akin.

"Dahil sa oras na may makaalam ng kasunduang iyon ay tuluyang mawawala ang katawan ko. Pinayagan nya akpng bumaba kahit wala pa akong desisyon dahil narinig nya ang iyong dalangin!"

"Ngunit paano ang mga mahal mo? Naghihintay sila!"

Narinig ko ang buntong hininga nya.

"Paalam, Dyosa! Hanggang sa muli!"
"Sandali! Isha!"

Ngunit wala na. Huli na bago ko sya napigilang umalis.

"Ecure dyo teramu, Isha!" Bulong ko
(Magbalik ka, Isha!)

DYOSA GLEONDRIA's POV

"AHHHRG!"

Malakas na sigaw ko ang nagpayanig sa buong kaharian ng Ilalim ng Lupa.

Bakit tumulong si Hevas?
Bakit pinababa nya ang isang mataas na maharlika?

"AHHHRG!" sigaw ko pa pagkatapos ay binato ko ang kopitang kahoy na hawak ko.

Hindi ako makakapayag na matalo ako sa labang ito.

Dugo lang naman ng dalawang maharlika ang kailangan ko para lumakas. Kaya sa pagkakataong ito ay gagawin ko ang lahat, wag lang akong mamatay muli.

Ang pagbabalik sa ratayan ng isang namatay na ay hindi na maaari. Hindi na ako makakalabas kung mamamatay uli ako.

"Freystpa hilagte kaser nimbla katerhsa!" Inis kong bulong
(Hindi ako papayag na matalo uli ako)

KEVIN's POV

Napaluhod ako habang nakasalo ang mga palad sa hangin. Ang gintong buhangin ay patuloy na bumabagsak.

"Mga maharlika, tayo'y magtungo sa silid na kinalalagakan ng prinsesa Aleisha, may nangyayaring kakaiba sa katawan nya!" Nagmamadaling sabi ng Healer.

Agad akong pumikit ag pagmulat ko ay nasa kwartong iyon na ako.

Maliwanag ang katawan nya. Wala na ang mga alitaptap, maliliit na asul na nilalang at mga bulaklak.

Anong ibig sabihin nito?

Hindi ko makita halos ang katawan nya.

Ni hindi kami makalapit. 

Anong nangyayari?

"Kamusta mahal ko!"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Isha.

"Isha? Asan ka mahal ko?" Tumulo ang luha ko

"Wag kang umiyak mahal ko, palagi lang akong nasa tabi nyo, inyong pagkakatandaan na kayo'y nasa puso at isip ko na kailanman ay hindi mabubura."

"Asan ka Isha?" Sigaw ko

"Sa puso mo, Kevin. Nasa puso nyo lang ako!"

ISHA's POV

Napangiti ako ng mapait.

Kasiyahan na lang dapat ang nararamdaman ko dahil hawak ako ni Hevas ngayon.

At kapag hawak ka nya, wala kang mararamdamang iba kundi pagmamahal at kasiyahan.

Ng magdedesisyon na ako ay bigla na lang may kung anong humigit sa akin pataas. Pamulat ko ay nasa gitna na ako ng maputing lugar. Puro ulap. Nakatayo sa gitna ang isang gintong palasyo. 

Ito pala ang kaharian ni Hevas.

"Wag mo silang problemahin, Aleisha. Ang boses mo ay patuloy nilang maririnig. Ang presensya mo ay lagi nilang madarama ngunit sa ngayon ay hindi ka muna pwedeng mag-pakita."

Tumingin ako sa kanya.

"Bakit po ganito, Hevas?"

"Si Grouiasus ay magbabalik kapag nakakuha sila ng inyong dugo kaya kailangang mag-ingat kayo ni Kevin."

"Sino po si Grouiasus?"
"Sya ang may hawak sa mga Dyosang masamang namatay ganon na din sa mga ganid at makasariling mga maharlika. Sa oras na makakuha sila kahit patak ng inyong dugo ay sisiklab ang malaking kaguluhan."

"Ngunit, paano po si Kevin?"

"Siya ay nasa pangangalaga ko, Aleisha. Hindi sya matatalaban ng kahit anong armas na nagmula dito sa ating mundo. Ngunit paumanhin, sa oras na maisip nila Gleondria ito at naisip din nila na maaaring kumuha sila ng armas mula sa mundo ng mga tao ay wala na akong magagawa. Iba na ang Taga-pangalaga sa mundo ng mga tao. At wala rin akong kakayahang mapigilan sila kung saka-sakali!"

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Paano po kung nangyari iyon?" Nakayukong sabi ko

Hinawakan nya ang balikat ko.

"Ang pag-ibig nyo ang magiging matibay nyong sandata. Sa oras na muling maglapat ang inyong labi at magkadaupang palad kayo ay magbubunga ito. Mahalaga ang magiging bunga nyong dalawa!"

Napatingin ako sa kanya.

"Mag-kaka-bunga kami?"
"Iyon ay nasa libro ng Tadhana! Ngunit maaaring magbago ito kung may mangyaring hindi maganda."

"Kailan ito mangyayari, Hevas?"

"Haltya erum pretu helas tres!"

Pagkasabi nya noon ay iniwan na nya ako.

Anong ibig nyang sabihin?

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon