Dalawampu't Siyam na Kabanata

677 14 0
                                    

KEVIN's POV

Hindi ko mapigilang ngumiti habang nakikitang kong lumalakad sya papalapit sakin.

Nakangiti sya pero....

May iba sa mata nya.

Niyakap nya ako kaya niyakap ko sya pabalik.

"Buti at nakabalik ka, Isha!" Sabi ko ng iharap ko ang mukha nya sakin.

Bigla syang natigil pero ngumiti din.

"Kamusta ka?" Tanong nya
"Masayang masaya ako dahil kasama kita uli!" Sabi ko sabay halik sa noo nya

ALEISHA's POV

"Masayang masaya ako dahil kasama kita uli!" 

Nabura ang pilit kong ngiti. Napagdesisyunan ko na kapag malapit ng maubos ang oras ko, tsaka ko na lang sasabihin kay Kevin.

"Puntahan ko lang sila Ina at Ama." Paalam ko.
"Samahan na kita!"

Hindi pa ako nakakasagot ng may kawal na lumapit at may binulong kay Kevin.

"Hindi na pala muna kita masasamahan, Isha. May kailangan lang akong tingnan!"

Nginitian ko na lang sya at tipid na tumango. Hindi ko rin naman gusto na samahan nya ako kasi sasabihin ko sa mga hari at reyna ang kalagayan ko.

Pumunta ako sa itaas na bulwagan. Naroon sila at masayang nag-ku-kwentuhan.

"Maaari ko po ba kayong makausap?" Agaw ko sa atensyon nila.

"Isha, ikaw pala. Sige tungkol ba saan?" Tanong ni Reyna Lucia

"Kung maaari po sana ay yung tayong lima lamang!" 

Nagkatinginan silang apat bago nila ako binalingan.

"S-Sige! May pribadong lugar kami dito. Hawakan nyo ang kamay ko at pupunta tayo doon!" Sabi ni Haring Geden.

Tiningnan ako nila Ina at Ama sa mata. Pinipilit nilang pasukin ang utak ko pero hinarang ko agad iyon.

Humawak na kami sa kamay ni Haring Geden at pumikit. Ilang sandali lamang ay nasa tapat na kami ng maliit na pinto. Binuksan nya iyon ay nakayukong pumasok.

Pagpasok namin sa loob ay nagulat ako dahil kung ano ang kinuliit ng pinto ay sya namang kinalaki ng loob.

Pinaupo nila kami sa isang malaking mesa. Ang mga upuan may malalambot na kulay pula at ang sandalan ay gawa sa matibay na kahoy.

"Sige na, anak anong sasabihin mo?" Sabi ni Ina

Dahan-dahan kong inilabas ang Mobyed na nakatago sa ilalim ng puti kong bestida.

Nanlaki ang mga mata nila ng makita nila iyon.

"A-Anak!" Halos sabay na sabi ni Ama at Ina. Kitang-kita ko kung papaano mamuo ang mga luha nila

"I-Isha, iha, b-bakit may ganyan ka?" Utal na tanong ni Haring Geden.

Tulala naman sakin si Reyna Lucia at namumuo na rin ang luha sa mata nya.

"B-Binigay ito sa akin ni H-Hevas. Hindi ko pa daw oras para bumalik dito, n-ngunit kailangan ako sa nalalapit na digmaan." 

Nakayukong sabi ko. Tiningnan ko ang suot kong Mobyed. May kaunting buhangin na sa baba. 

Naramdaman ko na lang ang yakap sakin nila Ama at Ina. Hindi ko na mapigilan ang umiyak.

"A-Anak! Wag ka ng bumalik kay Hevas pag naubos ang oras! Nakikiusap ako!" Umiiyak na sabi ni Ina.

Kahit si Ama ay sobra-sobra na ang pag-iyak at pulang-pula na ang mukha.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Haring Geden at Reyna Lucia. Umiiyak na din si Reyna Lucia.

"Patawad po, p-pero hindi ko magagawa ang gusto nyo. A-Ang sabi sa akin ni Lindsy at Hilda, hindi ordinaryong Mobyed ang binigay ni Hevas sakin."

Humiwalay sila ng yakap pero tiningnan ako.

"A-Anong sabi nila?" Tanong ni Reyna Lucia.

"S-Sabi nila, isa ang Mobyed na ito sa pinaka-mahiwaga. Sa oras daw na maubos ang oras ko ay may kusang pwersa na hahatak sakin pabalik sa itaas."

Yumuko uli ako.

"Katulad din ng nangyari nung bumalika ako dito. M-May pwersa din na humatak sakin pababa!"

Tahimik kaming umiyak sandali.

"Ama, Ina, Haring Geden at Reyna Lucia, maaari po bang huwag na natin muna sabihin ito kay Kevin?"

"B-Bakit iha?" Haring Geden
"Wala ka bang balak sabihin ito sa kanya?" Sabi ni Ama

Tipid akong ngumiti.

"Sasabihin ko po sa kanya pero pagmalapit na pong maubos ang oras."

Alanganin nila akong tiningnan.

"Gusto ko pong habang nandito ako ay parang normal lang. Kagaya ng dati, na parang walang problema. Pagkatapos ng digmaan ay kakausapin ko ng personal si Kevin. Sana ay maunawaan nyo ako! Mahal na mahal ko po si Kevin at ayokong masira ang kasiyahan nya ngayong nakasama nya uli ako." Sabi ko

KEVIN's POV

Napaupo na lang ako sa labas ng maliit na pintuan.

Narinig ko ang lahat. 

Limitado lang ang oras nya. Limitado lang ang pag-babalik nya.

"Tara na, bumalik na tayo sa bulwagan!" Dinig kong sabi ni Haring Sandro.

Dali-dali akong umalis doon at pinahiran ang luha ko.

Dapat ay hindi ko ipahalata na alam ko na ang lahat.

Kanina, akala ko kung anong ipapakita sakin ng kawal. Yun pala ay ang kamang hinihigaan ng katawan ni Isha, dati. Balot lang ito ng makapal na sapot at asul na liwanag.

Agad akong pumikit noon at hinanap ang presensya nila sa buong kaharian at sa pribadong maliit na pintuan ako napunta. Aalis na sana ako noon ng marinig ko ang boses nila Ama, Ina, Haring Sandro, Reyna Azul at ni Isha.

Nakita ko syang ngumiti habang papalapit sa akin. Mugto ang mga mata nya. Agad ko iyong hinawakan at pinalabasan ng malamig na yelo para maampat ang pamamaga ng mata nya.

"U-Umiyak ka ba?" Sabi ko
"Kinausap ko lang sila." Sabi nya sabay tingin kina Ama na nakatingin samin.

Pilit nila akong nginitian.

"Kevin, samahan mo naman ako kila Melissa. Gusto ko lang silang makita!" Pakiusap nya.

Tumango ako at sandaling pumikit.

Hangga't kaya ko...

Pipilitin kong mapasaya sya at maging masaya habang kasama sya.

Habang hindi pa nauubos ang oras nya dito.

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon