Ika-Tatlumpong Kabanata

735 19 0
                                    

ALEISHA/ISHA's POV

"Ina pupunta lamang kami ni Kevin sa..."

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

Nginitian ako ni Ina.

"Sige, na. Matagal na silang naghihintay at nangungulila sayo. Mukhang kailangan mo ng ipaalam sa kanila kung sino ka talaga!" 

"P-Paano p---"

"Hihintayin namin kayo ng iyong Ama sa bahay ng mga taong nag-alaga sayo. Lumakad na kayo. Mag-iingat kayo!"

Ngumiti na lang ako at tumango. Hinawakan ni Kevin ang kamay ko kaya pumikit ako.

Pagmulat ko ay isang pamilyar na hampas ng hangin ang sumalubong sakin. Minulat ko ang mata ko at tiningnan si Kevin.

Nakangiti sya sakin habang nakatitig.

Lumingon sya sa kanan kaya tumingin din ako doon.

Nakita ko si Melissa sa ilalim ng puno. Nakayuko sya at parang umiiyak habang may hawak na picture.

Dahan-dahan kaming lumapit sa kanya.

"Ang panget mo talaga umiyak!" Nakangiti kong sabi.

Mabilis syang nag-angat ng tingin at nanlalaki ang matang nakatingin sakin.

"I-Isha?"
"Melissa?" Pangga-gaya ko sa tono nya.
"Buhay ka!" 

Niyakap nya ako ng mahigpit kaya niyakap ko din sya.

Ilang sandali pa kaming ganun ng bigla nya akong tinulak.

"Hoy, babae! Saan ka nanggaling? Isang taon ka nang nawawala tapos bigla-bigla kang susulpot."
Sabi nya at asar na nakatingin sakin.

Nilingon ko si Kevin na natatawa lang habang nakatingin din samin.

"Teka, bat mo kasama yan? Tsaka bat ganyan ang mga suot nyo!"

Inikot-ikutan pa nya kami.

"Melissa asan si Tito?" Tanong ko.

Tinuro nya ang bintana ng kwarto ni Tito.

"Sinisisi nya ang sarili nya kung bakit ka nawala!"
Nakayukong sabi ni Melissa.

''Tawagin mo sila Mama at Papa, Melissa. Papuntahin mo sila dito!"

"Bakit?"

Hindi na ako nagsalita at nag-tuloy-tuloypapasok. Hawak ko pa ng bahagya ang gitna ng damit ko para itaas dahil maapakan ko ito.

Kumatok ako ng ilang ulit sa pinto ng kwarto nya. Hindi sya sumagot kaya pinihit ko ang door knob.

Nakita ko syang nakayuko sa gilid ng kama.

"Melissa, wag mo muna akong guluhin. Kailangan kong mahanap si Isha!" 

Napangiti na lang ako ng mapait.

"Tama na yan, Tito!" 

Napalingon sya sakin.

"I-Isha!"

Mabilis akong lumakad sakanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Sorry, Tito! Sorry for making you worry and keep you blaming yourself for my lost!" Umiiyak kong sabi.

"Shh, it's okay. Saan ka ba nanggaling? Ang tagal mong nawala!" Hindi nakatakas ang paghikbi ni Tito habang sinasabi nya yun.

"Gusto ko po sanang magkakaharap tayo nila Mama at Papa. Papunta na sila dito. Mamaya ko na lang po ipapaliwanag ang lahat." Sabi ko.

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon