Ikapitong Kabanata

1.3K 22 0
                                    


ISHA's POV

"Isha, baba ka na. Kakain na tayo!" Dinig kong sabi ni Melissa 

Pinahiran ko ang luha ko at nagkunwaring tulog.

"Isha! Hoy! Insan gising!" Niyuyugyog nya na ko.

Lumunok na muna ako ng laway bago magsalita. Baka kasi mahalata na umiiyak ako.

"Kayo na lang Melissa. Hindi naman ako nagugutom eh!" 
"Ahm sige baba ka na lang pag-nagugutom ka ha! Bukas pala sumama ka sakin mag-gagala tayo sa tabing dagat. Maglalangoy na din!"

Okay na din siguro para malibang ako kahit papano.

"Sige gisingin mo na lang ako!"
"Sige good night!"

Pagkasara nya ng pinto tumulo uli ang luha ko. 

Bakit ba kasi hindi na pwede?
Feeling ko parang pinagtatabuyan na nya ko.

Pumikit na lang ako at hinayaan ko na kainin ako ng antok.

"Prinsesa!"

Mula sa isang madilim na kwarto gumuhit ang isang kidlat at lumabas ang isang magandang babae.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya
"Bumalik ka na samin!" Sabi nya habang nakangiti.
"Hindi kita kilala!"

Lumapit sakin ang babae at hinawakan ako sa balikat.

"Parang awa mo na Prinsesa Aleisha kailangan ka ng kaharian!"

Napabangon ako mula sa pagkakahiga.

Panaginip?

Anong ibig sabihin ng panaginip na yun?

KEVIN's POV

"Kevin, anak!" Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Ina.

"Anak bat hindi ka pa kumakain?" Sabi nya umupo sa tabi ng kama
"Wala po akong gana!" Sabi ko at nag-iwas ng tingin.
"Dahil ka kay Isha?"

Automatikong napatingin ako kay Ina. Ngumiti sya at pagkatapos ay bumuntong hininga.

"Gusto mo ba talagang malaman kung sino sya?"

Tumango ako. 

"Halika, sumunod ka sakin!" 

Tumayo si Ina at lumabas.

Bumuntong hininga muna ako bago sumunod sa kanya.

''Ina anong ginagawa natin dito sa Bubble Land?"

Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Dito nagsimula ang lahat. Wala ka bang natatandaan?"

Blanko ang isip kong umiling. Wala akong matandaan sa lugar na to.

Umupo sya sa isang duyang napapalibutan ng baging na namumulaklak habang malayang lumulutang ang mga bula.

"Magkakilala na kayo ni Isha dati pa!"
"Huh?"
"Anim na taong gulang pa lang kayo ng una kayong magkita."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ina. 

Bat wala akong matandaan?

"Sya si Prinsesa Aleisha. Ang prinsesa ng kaharian ng Great Lightning and Thunder! Anak sya nina Reyna Azul at Haring Sandro. Noong una masaya ang lahat. Walang alitan namamagitan sa pagitan ng lahat ng kaharian. Matalik na magkaibigan ang lahat. Lalo na ang kaharian natin at kaharian nina Prinsesa Aleisha. Naging matalik kayong magkaibigan. Ngunit pinagbawalan namin na hawakan nyo ang isa't isa. Nakakapaglaro kayo gamit lang ang mga taglay nyong kapangyarihan. Hanggang sumapit ang ikawalong taong kaarawan ni Prinsesa Aleisha. Doon nagsimula ang kaguluhan."

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon