Ikalawang Kabanata

1.8K 44 0
                                    

GAIL'S POV

Napangisi ako ng mawalan si Isha ng malay. 

Nagtataka siguro kayo kung bakit ko sya nahahawakan. 

Simply because, Hindi ako totoong espirito. I'm a BLACK WITCH! 

Ang totoo din nyan. Hindi ako ang totoong Gail. Ginagamit ko lang ang katauhan nya para mapalapit sa trono. 

Naalala ko tuloy kung pano ko nakuha ang katauhan ni Prinsesa Gail

*flashback 

"Lindsy, gusto ko si Zuel Rexer pero hindi kami pwede." Umiiyak na Sabi nya sakin. 

Napangisi naman ako. 

"May paraan dyan." 

"Ano? Sabihin mo sakin Lindsy." 

"Pero May mga kondisyon!" 

"Ano iyon? Gagawin ko lahat!" 

"Lahat?" 

Tumango sya. Muli akong napangisi. Maisasagawa ko na ang plano ko 

"Sasabihin ko muna ang mga gagawin mo. Pumunta ka sa lagusan at pumunta sa labas at mula dun isipin mo ang dahilan kung bakit ka hinahandlangan ng pamilya mo." 

"Pero makakain ako ng galit ka!" 

"Gusto mo ba o ayaw mo, Prinsesa?" 

Yumuko sya at nakita ko ang pagpatak ng luha nya. 

"Gusto ko, Lindsy. Gustong gusto!" 

"Galit lang ang tanging paraan Prinsesa!" 

Wala na syang nagawa kundi ang sumunod. 

Pagdating sa lagusan, binigkas ko ang Black spell para mapatay sya. 

"Napakadali mong pasunurin, Gail. Akin na ngayon ang lahat lahat sayo." 

Pagkatapos kong bumigkas ng spell nagpalit ang anyo namin ni Gail. 

Ngayon ako na si Gail at patay na si Lindsy! 

*end of flashback 

Wala nang makakahadlang sakin. 

ISHA'S POV

Minulat ko ang mata ko at inilibot ko ang tingin ko sa palagid. 

"Asan ako?" 

Parang akong nasaloob ng bahay na kahoy. 

"Mabuti naman at gising ka na!" 

Napatingin ako sa nagsalita. Si Gail. 

"Gail anong ginagawa ko dito?" 

Bat wala akong maalala? 

"Nahimatay ka kasi kanina kaya dinala kita dito sa tree house ko!" 

"Nahimatay? Tree house?" 

Nakakapagtaka. Never pa akong nahimatay. 

"PRINSESA GAIL!" dinig kong tawag ng isang boses mula sa baba

"Dito ka lang!" Sabi nya sakin at umalis sya. 

Sinundan ko sya kahit hanggang pinto. Napatigil ako sa nakita ko.

KEVIN'S POV

"asan ka na ba?" Tanong ko habang nakapikit. 

Hinahanap ko kasi si Isha. 3 araw na ang lumipas dito sa kaharian namin at hindi ko pa din sya makita. 

"Prinsipe, ang mga nakatatas ay dumating na!" 

Napatingin ako sa butler. Sina Ama at Ina dumating na. 

Agad akong bumaba para salubungin sila. NG malapit na ko sa kanila

"Mahal na reyna at hari, Nakita po si Prinsesa Gail na may kasamang babae sa isang tree house. Tao po ito kaya delikado. Hindi ito mapasok ng mga tauhan. Mukhang may spell na nakapalibot dun." 

"Dalhin mo ko dun! Patawad ina at ama. Hayaan nyo na po akong lumutas nito." 

Sabi ko at umalis. 

Pagdating namin Sabi sinasabing tree house, humiyaw ang isang tauhan. 

"PRINSESA GAIL!" Sigaw nya. Ang Tagalog nya bago bumaba.. 

Lumipad sya pababa. 

"Sinong kasama mong tao?" 
"Wala kapatid! Hindi importante" Sabi nya at ngumisi. 

Napatingin ako sa taas. Nagulat ako ng makita ko si Isha. 

Agad akong pumikit ang isang sandali lang nasa harap na  nya ako. 

ISHA'S POV

. Pagtingin ko sa baba nagulat ako ng makita ko ang isang pamilyar na tao. Hindi ko sya maaninag ng maayos dahil malayo sya at hindi kalinawan ang mga mata ko. 

Nagulat na lang ako ng biglang NASA harap ko na sya

"Kevin? Kevin!!" Sabi ko at akmang yayakapin sya ng maalala ko. Hindi sya pwedeng hawakan. 

"Isha anong ginagawa mo dito. 3 araw ka na dito sa kaharian. May balak ka pa bang umuwi?" 

"3 araw? Hoyy Kevin isang oras pa lang ako dito. Tiningnan mo ang relo ko oh!" 

Sabi ko at pinakita ang relo ko sa kanya. Napakurap ako ng ilang beses dahil humangin ng malakas. 

Pagdilat ko, nasa kwarto ko na ako. Hinanap ng mata ko si Kevin at nakita ko sya sa may bintana. 

"Wag ka nang babalik dun. Delikado para samin. Ano ba kasing ginagawa mo dun?" 

"Ewan ko basta pag gising ko nandun na ko. Pero Kevin, Gusto kitang makita kanina, Kaya din ako pumunta dun." 

"Bakit?" 

"Gusto ko pang malaman kung ano ba talaga kayo!" 

"No, Hindi ka na pwedeng bumalik dun. Dumating na ang ama at ina ko. Siguradong magagalit yun pag nalaman nilang pagala gala ka." 

Sabi nya. Ngayon ko lang napansin gabi na pala. 

Kumurap ako at pagtingin ko kay Kevin, Wala na sya. 

Asan na naman kaya yun?

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon