Ika-Dalawampu't-Anim Na Kabanata

798 15 0
                                    

DYOSA GRACEA's POV

"Dyosa bakit asul ang buwan ngayon?" Tanong saakin ni Zildian.

Nasa kwarto ako ng kambal dahil konektado ako kay Zildian.

Kaya sa oras na may mangyari kay Zildian, makakawala ako sa katawan nya ngunit mamatay sya.

Napatingin ako sa malaking bintana. Bilog na bilog ang buwan at ito ay kulay asul.

Masama ito.

"Dyosa, ayos lamang po ba kayo? Bakit tila kayo'y natataranta?" Sabi ni Gwen.

"Zildian, dahilin mo ako sa mga hari at reyna, ngayon din!" Tarantang sabi ko

Kahit naguguluhan ay tumango si Zildian at kumumpas.

Pumasok ako sa papel na inilibas nya at agad nagtungo sa kinaroroonan ng Mga Hari at Reyna.

Bakas sa mga mukha nila Haring Sandro at Reyna Azul ang pangungulila sa nag-iisang prinsesa nila. Paulit-ulit na lamang itong nangyayari sa kanial.

Nagpaikot-ikot ang papel na kinapapalooban ko bago ako nakalabas.

"DYOSA!" sabay sabay silang nagbigay pugay.

"Makinig, mag-handa ang lahat. Ang buwan ay nag-bigay ng babala."

Kumumpas ako at pinakita ang bilog na bilog at asul na buwan.

"Anong pangitain ito?" Nakakunot ang noo na tanong ng lahat.

"Ang asul na buwan ay isang babala dahil kasunod ng asul na buwan ay susungaw ang umaapoy na buwan!"

GAIL's POV

Umaapoy na buwan?

Napakapit ako sa braso ni Zuel. 

"Hindi ba't isang daan libong taon na ang nakakaraan ng muli itong sumungaw? Bakit ngayon na lang ito nangyari?" Tanong ni Haring Sandro.

"Nakalimutan nyo na ba ang propesiya mga immortal?" Tanong ng Dyosa.

"A-Anong propesiya?" Tanong ni Ama

Naglakat sa hangin ang Dyosa.

"Kada Isang daang libong taon sumusungaw ang pulang buwan at alam nyo ang panganib na dala nito!"

Napatingin ang lahat ng biglang lumutang si Kevin. 

"Bakit ako lumulutang? Hindi ko naman ginagamit ang aking mahika!" Takang sabi ni Kevin

Nanlaki ang mata ko ng ikumpas ng Dyosa ang kamay nya na syang naging dahilan upang mapunit ang damit ni Kevin.

Lumiwanang ang katawan nya at lumabas ang nagliliwanag na maraming letra. Naka-sulat ito sa hindi ko maintindihang mga letra.

"Simula ng isilang si Prinsipe Kevin at Prinsesa Aleisha ay nakatatak na sa kanila ang propesiyang ito!"

"Ngunit ano ito at ni hindi namin ito mabasa o di kaya ay nakita manlang!" Ina

"Tanging mga nakatataas na immortal lamang ang nakakabasa at nakakapag-palabas nito."

"Kung gayon ay ano ito mahal na Dyosa?" Tanong ni Reyna Azul.

Lumapag ang Dyosa sa sahig pero si Kevin ay hindi pa din.

"Nakasaad dito na, sa oras na lumitaw ang asul na buwan ay nangangahulugan ito ng babala. Babala na muling susungaw ang umaapoy na buwan dahil sa muling pagbangon ng namumuno ng Ilalim ng Lupa!"

Napasinghap kaming lahat. Babangon muli si Tremolo?

"Muling babangon ang kinakatakutan ng lahat na si Tremolo dahil sa dugong bughaw na galing sa nakatakdang maharlika. Kailangan niya ito upang buksan ang lagusan ng mga patay. Sa oras na makakuha sya kahit patak nito ay maisasagawa ang plano at masasakop ang buong mundo ng immortal pati na rin ang mundo ng mg mortal!"

"Delikado si Kevin kung ganoon!" Sabi ko

"Hindi, Prinsesa. Hangga't hindi napagsasama ang dugo ni Kevin at Aleisha ay hindi nya iyon masasagawa at iyon ang bagay na hindi alam ni Tremolo at Gleondria."

"Kung ganoon ay paano natin sila mapipigilan maisagawa ang plano?" Zuel

"Maghanda ang lahat. Dahil alam kong gagawa sila ng paraan para makalapit kay Aleisha o kay Kevin. Tandaan ninyo, mapanlinlang maglaro si Tremolo. Kaya nyang gayahin ang kahit na kaninong anyo!"

"Ngunit paano namin malalaman kung naggagaya na sila?" Tanong ni Kevin.

"Devas helrem emilo Tremolo sedes Gleondria."

Pagkasabi nya noon ay naglaho na siya.

Anong ibig nyang sabihin?

Bago pa ako makapagisip ay nag-simula ng bumagsak ang lahat hanggang sa mapapikit na rin ako at nilamon ng dilim.

ISHA's POV

Napalunok ako habang nakatingin sa buwan.

Kulay asul ito, maganda sa mata ngunit bakit ganito ang aking nararamdaman.

Ang bigat sa dibdib at para bang may masamang mangyayari?

"Hevas! Hevas!" Tawag ko kay Hevas.

Lumitaw sya sa harap ko.

"Hevas bakit ganito ang aking pakiramdam sa asul na buwan?" Taranta kong tanong.

"Prinsesa, karugrong ng buhay mo ang isang propesiya na nakatatak na simula ng ikaw ay isilang!"

"Propesiya? Ano iyon?"

"Ang asul na buwan ay babala. Kailangan ka ng inyong kaharian Prinsesa!"

Gusto kong lumundag sa tuwa. Makakabalik na ako?

"Ibig ba ninyong sabihin ay makakabalik na ako sa aking katawan?"

Kumumpas sya ng kamay at lumitaw ang isang botelya na may dalawang parte. Ang itaas na bahagi nito ay walang laman ngunit ang ibaba ay may lamang puting buhangin.

"Tanggapin mo ito, Prinsesa. Iyan ang magiging oras mo lamang sa inyong kaharian. Sa oras na ibaliktad mo ang bagay na iyan ay magsisimula ang sandaling oras mo sa inyo!"

Napakunot ang noo ko.

"Bakit hindi permanente, Hevas? Nais ko ng silang makasama!"

"Paumanhin, Prinsesa ngunit hindi mo ba natatandaan ang bulaklak na nasaiyong noo"

Napahawak ako sa noo ko.

"Nilagay ko iyan sa noo mo upang iligtas ka. Hangga't hindi nauubos ang talulot niyan ay hindi ka pa permanenteng makakabalik sa iyong katawan!"

"Ngunit tila tatatlo pa lamang ang nahuhulog dito!"

"Paghihintay ang iyong kailangan, Prinsesa. Kung hindi ka lang nila kailangan ay hindi ka makakaalis dito!"

Tumulo ang luha ko.

"Kung gayon, maari bang sa oras na maubos ang nakabaliktad na buhangin ay paulit-ulit ko itong baliktarin upang makasama ko sila?"

Hindi sumagot si Hevas kaya ako ay napaluhod.

"Maari ko ba iyong hilingin, Hevas? Maari bang bali-baliktarin ko ang botelyang ito?"

"Patawad, Prinsesa!"

Pagkasabi nya noon ay naglaho na sya at kusang bumaliktad ang botelya.

Napapikit ako dahil parang may pwersang humahatak sakin.

DYOSA GLEONDRIA's POV

Napangisi ako habang nakatingin sa langit.

"Sugec delhav basres it lom vebas!" Nakangiti kong sabi
(Babangon na ang aming pinakahihintay)

"Ipatawag ang lahat!" Sabi ko sa alalay ko.

Agad syang tumalima at maya-maya ay napulong na mga kasapi ko.

"Maghanda ang lahat ang ating Panginoon ay babangon na. Ihanda ang mga kawal pagkat pag-lubog ng asul na buwan ay susungaw na ang umaapoy na buwan. Hudyat na tayo ay lulusob upang sakupin ang lahat!"

Agad nag-hiyawan ang lahat dahil sa tuwa at galak.

"Gracea et-um libves helte!"
(Maghaharap tayong muli Gracea)

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon