Ikalimang Kabanata

1.3K 25 0
                                    

GAIL's POV

"Ama, Ina!" tawag ko sa kanila.Nakatalikod kasi sila sakin.

Isha?

Bigla nya akong sinugod ng yakap.

Patay!

"Walang espirito ang nahahawakan ng mortal ng hindi naglalaho!"

Nnlamig ako.

Bwiset! ang tagal tagal kong itinago ang katauhan ko tapos isang pipitsugin lang ang sisira.

"Walang kaso yun, Mahal na Hari at Reyna!"

Npatingin kami sa nagsalita.

Nakatalukbong sya ng puting tela sa ulo Pero kilalang kilala ko sya.

Si Inang Hilda.

"Ano ibig mong sabihin?" Hari
"Hindi pangkaraniwang tao si Isha!"

Napangisi ako ng palihim.Savior ko talaga si Inang Hilda.

Ang galing gumawa ng kwento.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Isha ang itinakda!"

Nanlaki ang mga mata namin.

ISHA's POV

"Si Isha ang itinakda!"

Nanlaki ang mga mata ko.

Itinakda? Na Ano?

"Si Isha ang mortal na binabanggit sa propisiya.Sya ang nakatakdang tatapos sa alitan ng Black Witch at ng mga Maharlika"

Ginalaw nya ang mga kamay nya at may lumabas na parang magic na libro.

Nagtago ako sa likod ni Kevin.Gusto ko syang yakapin dahil natatakot ako sa sinasabi nung babae.

"Ayon dito, si Isha ay may kakayahang kapitan ang kahit na sinong espirito ng hindi naglalaho.Suot din nya ang sinasabing mahiwagang kwintas!"

Napatingin ako sa kwintas ko.

Luh! Pekeng kwintas lang toh na nabili ko sa palengke eh.

"Ah eh ate ano po bang sinasabi nyo.Nabili ko lang ho ito sa palengke.Fake nga po ito eh!"

Sabi ko habang hawak ang kwintas.

Ginalaw nya uli ang kamay nya at may lumabas na pigura ng dalawang tao.

Ako yun at yung binilhan ko ng kwintas.

"Sya ang binilhan mo iha hinda ba?"

Npatango ako

"Hindi bat si Ankrisha iyan!" singit ng reyna

"Nagpanggap na mortal ang ating punong tagapayo mahal na Reyna upang ibigay ang kwintas sa itinakda."

Napaatras ako.

Ano bang sinasabi nila?

Tumakbo ako! Hindibko alam kung BAKIT at KUNG SAAN ako dadalhin ng mga paa ko.

"ISHA!" dinig kong tawag ni Kevin sakin.

Gusto ko syang lingunin pero hindi ko maintindihan ayaw sundin ng katawan ko ang sinasabi ng utak ko.

Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Hanggang sa may narinig akong kung ano sa utak ko.

"Prinsesa!"

Tumingin ako sa paligid ngunit walang tao.

Nakaramdam ako ng sakit sa ulo at mainit na likido sa pisngi ko 

Ano bang nangyayari sakin?

KEVIN's POV

"Isha!" paikot ikot ako habang naglalakad at sumisigaw

Nsaan na ba sya?

Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing maalala ko ang sinabi ng Tagapayo na si Isha ay ang tinakda

Pero

Napawi ang ngiti ko ng maalala din ang huling sinabi samin bago ako nagtatakbo paalis

*FLASHBACK

"Totoo ba ang sinabi mo?" tanong ni Ama
"Oo pero!"

Tumigil sya at tumingin sakin.

"Hindi sya totoong mortal!" 

*End Of FLASHBACK

Kung hindi sya totoong mortal ano sya?

"I-Isha!" sigaw ko pa din 

Pumikit ako sandali para hanapin sya gamit ang kapangyarihan ko pero hindi ko sya makita.

*BOGSHH

Nadapa ako.

Saan ba ako napatid?

Inis akong tumayo at tiningnan ang kung anomang nakapatid sakin.

Pero mas lalo akong nagulat sa nakita ko.

"Isha?" hindi makapaniwalang sabi ko ng makita ko si Isha.

Nakaangat ito ng bahagya sa lupa at walang malay.

Pano?

Hahawakan ko na sana sya ng maalala ko uli ang bilin ng tagapayo

*FLASHBACK

"Hindi sya totoong mortal, Pero hindi tayo makakasiguro.Wag muna natin syang hahawakan hangga't hindi ko nakukumpirma ang sinasabi sa propesiya" 
sabi nya at yumuko.
* End of FLASHBACK.

Pinagalaw ko na lang ang baging na nakita ko at itinali yun sa paa nya.

Dahan dahan kong hinawakan ang baging at pumikit sandali.

Pagdating sa kearto ko agad kong ipinagalaw ang baging ng dahan dahan para maihiga sya sa kama.

Pero kahit anong pilit ko ayaw lumapat ng likod nya sa kama.

"Papuntahin ang Healer sa kwarto ko pati ang Hari at Reyna" 

Kinakausap ko sa isip ko ang isang bantay sa labas ng kwarto ko.

Ano bang nagyayari sa kanya?

Gustong gusto ko syang hawakan

Bumukas ang linto at pumasok sila Ama, Ina at ang Healer.

Nanlaki ang mata ng Healer

"H-Hindi ko sya m-mapapagaling! Paumanhin!"

May bahid na takot na sabi nya.

At anong sabi nya?

"Anong problema, Healer?" Naguguluhang tanong ni Ama

"Iba sya sa atin, Mahal na Hari! Kung ako sa inyo paalisin nyo na sya sa kaharian!" 

"Anong....PANONG IBA?" napasigaw na ko at hindi ko alam kung bakit

"Hindi sya mortal!" sabi nya habang nakatingin kay Isha

"Pero hindi pa sya ganap na immortal!"

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon