Ikasiyam na Kabanata

1.1K 25 0
                                    

ALEISHA/ ISHA's POV

Hindi ko alam ang nangyayari.

Pero ng sandaling pumasok kami sa arko, lumiwanag akong bigla.

Dahan-dahan din ako lumutang kaya nakawala ako sa baging na nakapulupot sa pulsuhan ko.

Nagbago din ang damit ko.

Naging asul ito na may puti at nadedekorahan ng abstract na design.

Lumiwanag ang buhok ko. Naging kulay kumikinang na ginto ito at nalagyan ng isang magandang tierang may mga dyamanteng asul.

Parang may kung anong pwersang bumalot sa katawan ko.

Napapikit ako.

KEVIN's POV

Nagsimulang magbago ang pisikal na anyo ni Isha.

Kanina pa ako nakatingala sa kanya, dahil hindi pa din sya ibinababa ng pwersang bumabalot sa kanya.

Nang magmulat sya ng mata

Nakita ko ang pag-iba ng kulay nito. Ang dating itim na itim na mata nya ay naging malamig na asul.

Dinala sya ng pwersa sa gitna ng Bubble land samantalang nanatili ako sa pwesto ko.

Nakita kong nabalutan ang Bubble Land ng isang kakaibang pwersa.

Nakita kong pilit na pumapasok sina Ama at Ina ngunit hindi nila magawa.

Walang kahit sinong makagawa.

Nahagip ng paningin ko ang isang babaeng naka-hood. Si Lindsy.

May ibinubulong sya at maya maya ay nakalusot sya sa kung ano mang humaharang.

"Kevin!" Napapikit ako ng marinig ko ang boses ni Ina sa isip ko. 
"Ilang minuto na lang at dapat ay makalapit ka na sa kanya!" Kinakausap nya ako gamit ang isip.

Nagmulat ako at tumingin sa pwesto nya. Umiiyak ito habang nakayakap kay Ama.

Ilang minuto na lang at kung hindi ko sya mahawakan ay maglalaho lahat ng kaharian.

Nakita kong unti unting naglakad si Lindsy. Bawat daanan nyang bulaklak ay namamatay at lahat ng bulang malapit sa kanya pumuputok.

Napatingin naman ako kay Isha na dahan dahan ng bumababa.

Nakangiti ito kay Lindsy

"Kamusta?" Sabi pa nya.

Sinubukan ko ang kapangyarihan ko para mapigilan si Lindsy sa paglapit pero ayaw gumana.

Sinubukan ko din na pumikit at isipin ang katabing pwesto ni Isha pero ayaw talaga gumana.

Ano bang pwersa ang pumipigil sa akin?

Dahan dahan akong naglakad papalapit kay Isha ng biglang may humarang na bakod sa harap ko.

Napalingon sa akin si Isha. Nabura ang mga ngiti nito at matalim na tiningnan si Lindsy.

"Tanggalin mo iyon!" Malamig na sabi ni Isha

Ibang iba ang boses at aura nya. Ang dating malambing at mapayapang tinig at aura nito ay napalitan ng sobrang lamig na aura.

"At bakit ko naman gagawin iyon?" Nakangisi namang sabi ni Lindsy

Biglang dumilim ang mukha ni Isha.

Nakarinig din ako ng sunod sunod na tunog ng kidlat.

"Wag mo akong galitin, Lindsy!" Kalmado ngunit matalim na sabi ni Isha

Tumawa si Lindsy. 

"Maghintay ka, Prinsesa. Ilang minuto na lang!"

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon