Tania's POV
Dahan dahan kong sinuklay ang basa kong buhok habang pababa ako sa hagdan. Kaktapos ko lang maligo at pababa na ako para mag almusal.
Plano kong pumunta sa school ni kuya paa makapag relax at makapag isip isip. Gusto kong makakita ng mga bata. Hindi ko alam pero napapanguti ako pag nakikita ko sila.
Nakita ko si mommy na nakaupo sa may dining table at kumakain ng almusal. For sure maagang umalis si kuya at daddy. Binati ko na lang si mommy nang makita niya akong papalapit sa kanya.
"Good morning, mom." Bati ko sa kanya. Nginitian naman niya ako.
"Good morning, darling. Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Tanong niya sa akin.
"Yes, I think. But Mom? Paano ako napunta sa kwarto ko?" Tanong ko kay mommy ng makalapit ako sakanya. Kumunot naman ang noo niya sa tinanong ko.
"Anak? Don't you remember? Sabi ni yaya sa akin kagabi ay pagkatapos mong hinatid si Xavier ay pumasok ka sa kwarto mo at natulog.
Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. Ang huling natatandaan ko lang ay pumunta ako don sa may secret garden ko. At...
Si Hoshi? Panaginip nga lang ba iyon?
"Are you serious about that, mom?"paninigurado ko. Tumango naman si mommy.
"Yes, anak. Hinahanap ka nga ng mama ni Soonyoung bago sila umalis. Nakakuwentuhan ko pa nga si Soonyoung at yung si Nally." Napabuntong hininga nalamang ako at tumango.
"Why darling? May problema ba?" Hindi ako agad nakasagot sa tanong ni mommy.
May parte sa akin na masaya akong panaginip lamang ang kagabi dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung totoo man iyon pero may parte sa akin na hindi ko maintindihan. Tila ba nanghihinayang ang utak ko.
"Tania?" Nabalik ako sa wisyo ko ng tawagin ako ni mommy.
"N-Nothing mom." Sagot ko na lang bago ako umupo sa may tabi niya at kumuha ng pagkain para makapag almusal.
"Sabi ni yaya ay mukhang pagod ka daw kagabi ng icheck ka niya sa kwarto mo. Mag pahinga ka muna kaya, darling? Baka pagod ka na sa kakatrabaho." Nginitian ko lang si mommy.
Sobrang pagod ko nga siguro dahil doon ako totoong kwarto ko nakatulog. Hindi ko na siguro iyon napansin.
"Yes, mom. I'll do that ngayon. Pupunta ako sa school ni kuya at doon mag rerelax." Sagot ko kay mommy. Ngumiti naman siya sa akin.
"Mga bata talaga ang nag papasaya sayo. Kung nag ka anak lang kayo ni Soonyoung panigurado ay di ka na pupunta doon." Napabuntong hininga si mommy. Nginitian ko lamang siya.
"Mom, tapos na kami." I smiled. Hinawakan naman ni mommy ang pisngi ko.
"I know, darling. Naiisip ko lang yung mga what ifs. Osige na. Kumain ka na dyan." Sabi naman nito atsaka ako inabutan ng bacon sa plato ko.
"Thanks mom." Saad ko atsaka na lamang ako kumain ng tahimik. Pag katapos kong kumain ay agad na akong nag paalam kay mommy.
"Mommy, aalis na po ako." Pag paalam ko.
"Alright, darling. Ingat ka."saad niya. Nakipag beso naman ako sa kanya at akmang aalis na pagkatapos nang tawagin niya akong muli.
"Anak, iniwan nga pala ito ni Soonyoung kagabi. Manuod ka daw sa concert nila bukas." Inabot sa akin ni mommy ang isang Vip ticket na may kasamang all access pass.
"A-Ahh susubukan ko, mom. Madami kaseng trabahong dapat kong tapusin." Tumango lang si mommy kaya umalis na ako.
Sumakay akong agad so kotse ko at tinignan iyong inabot ni mommy. Nakita ko ang isang note na nakaipit doon.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)
Fanfiction"Welcome to Hell, Tania Jeon."- Hoshi, Kwon Soonyoung (2018) In which Tania a big fan of Kwon Soonyoung from the group SEVENTEEN was given a chance to marry her one and only dream. Her dream that turns out to be her nightmare. Will she be able to tu...