Chapter 34

476 19 14
                                    

Tania's POV

"Bakit ngayon ka lang?" Bungad sa akin ng boss ko. Pero syempre biro lang iyon dahil ako ang boss dito. Sino pa ba iyon diba? Alam niyo naman.

"Bakit?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Kanina pa tapos ang lunch break. Maging responsable ka namang boss sa companya na'to." Walang emosyon niyang saad. Umirap lang ako at dumiretso sa may table ko at naupo sa swivel chair ko.

"Wag mo kong pag sabihan na parang napaka responsible mo." Saad ko bago simulan ang pag babasa sa mga papeles na nasa table ko.

"Sign all of those. Nabasa ko na lahat yan." I rolled my eyes to what he said. Pinag patuloy ko lang ang pag babasa ko. Wala akong pakialam sa kanya.

Mayamaya pa ay umupo na siya sa may sofa dito sa opisina ko at nakita kong nag simula na din siyang mag trabaho. Hindi na niya ako pinakialaman muli kaya mas napabilis ng kaynti ang trabaho ko ngayon.

Mag 6pm na ng matapos akong magbasa at pumirma ng mga papeles kaya naman agad na akong nag ayos para naman maaga akong makauwi ngayon. Gusto ko kaseng mag pahinga at matulog ng maaga. Sobrang napagod at the same time masaya naman ako sa araw na ito but I really feel like sleeping early ngayon.

Sabagay maaga din pala ang gising ko bukas dahil bukas na din ng madaling araw ang flight ni Xavier. I don't really want him to go pero kailangan. Babalik din naman siya after 2 months but still natatakot ako.

Tumayo na ako sa upuan ko at kasabay non ang pag dako ng tingin ko sa kanya. I thought busy parin siya sa ginagawa niya pero mukhang napagod din ang isang ito at nakatulog na lang dito sa may sofa.

Lumapit ako sa kanya at isinara ang laptop niya. Itinabi ko iyon baka kase masagi niya iyon at malaglag. Inayos ko ang higa niya sa sofa atsaka ko isinandal ang ulo niya sa may armrest at sa isang unan. I don't know why am I even doing this but maybe it's my way to thank him sa pag tulong sa akin sa company ko kahit pa bwisit na bwisit na ako sa kanya.

Pagkatapos ay kinuha ko ang kumot sa kwarto ko dito sa opisina ko at kinumutan siya. Pag katapo ay agad na akong umalis at dumiretso sa may parking lot at sumakay sa kotse ko.

****

*ding dong*

Inis akong tumayo at lumabas ng kwarto ko dahil sa paulit ulit na tunog ng doorbell ng condo ko.

Hello? Mag 10:30pm na ng gabi at nasa gitna na ako ng pag tulog ko tapos may mambubulahaw pa. Jusq! Bakit pa kase pinapasok pa itong kung sino man na ito sa lobby.

"Yes?" Taas kilay kong bungad sa babaeng clerk dito sa may condo ko. Sinilip ko muna kase kanina kaya pinagbuksan ko siya. Safe naman.

"Ma'am pinapahatid lang po ito sa inyo nung lalaki sa baba. Hindi na po namin pinapasok dahil wala naman po kayong binilin samin na may bisita kayong dadating sa mga oras na ito." Sabi nito sa akin atsaka nito inabot ang isang bouquet ng red roses at may kasama pang tatlong malalaking paper bag.

"Kanino daw galing?" Takang tanong ko habang kinukuha ang mga iyon.

"Hmm wala pong nasabi ma'am pero familiar po si sir. Pumunta na po yun dito dati." Sabi nito. Tumango na lamang ako.

"Osige. Salamat." Saad ko nag bow naman ito at umalis na.

I think it's Xavier.

Nung last time kase na sinurpresa niya ako ay red roses din ang binigay niya. Although nakaka miss yung mga sunflowers na binibigay niya okay naman sakin ang red roses. Maybe level up na?

Atsaka siya lang naman ang laging pumupunta dito sa condo ko. Plus may nakita akong tag sa flowers na nakalagay ay 'for my love, thank you.'

His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon