Chapter 25

634 23 6
                                    

Tania's POV

"Tania darling? Ready na ba ang gamit mo? Kailangan na nating pumunta sa airport." Tumango lamang ako kay mommy bago ibinalik ang atensyon ko maleta ko.

Ang bilis ng isang linggo. Hindi man lang namin nagawa yung plano naming gawing masaya ito bago kami mag hiwalay. Ano pa ba ang magagawa ko diba? Hiwalay na kami. Na file na ni mommy yung papers pag tapos namin pirmahan ang mga yon. Alam na din nina mama at papa—ay mali! Nina tita at Tito na hiwalay na kami. Alam ko na sobra silang nalungkot sa mga biglaang pangyayari pero alam ko din na gaya din sila ni mama na iniisip lang ang kapakanan namin.

Lumipas yung araw na yon at di ko na siya muli pang nakita. Nawala na siya sakin at nawala na talaga siya ng tuluyan na tila ba impossible na na mahanap ko siya. Siguro kapag na release na ang comeback nila or may news about them, doon ko na lang siya muling makikita.

Napangiti ako ng mapait. It's time for us to part ways. Kailangan ko na din mag move on! Nubayan?   -_- hindi pwedeng sila lang ng magiging pamilya niya ang happy. Dapat ako din and I will do that as soon as makauwi kami sa Pilipinas. Alam kong mahirap pero kakayanin ko.

Eto na yon! Back to fangirl life! No real life Kwon Soonyoung! Isa na lamang ulit siyang Idolo ko at never na ulit siyang magiging asawa ko.

Mag palit na lang kaya ako ng bias?

Hay!! Ang hirap naman pala nito! Basta! Basta wala akong asawa na Kwon Soonyoung. Idol ko lamang siya.

Agad na akong lumabas ng matapos akong mag ayos sa gamit ko. Dumiretso ako sa may sasakyan at agad na isinakay ang mga gamit ko. Pagkatapos ay sumakay na din ako sa may backseat at sakto naman na kadarating lang ni mommy at agad na sumakay sa tabi ko.

"You forgot your book, darling." Sabi ni mommy sabay abot nung libro. This is one of my favorite books and it's about love.

"Thanks mom." Saad ko bago tignan ang libro ko.

May nakita akong isang maliit na papel na naka ipit doon na ipinaggaka ko kaya naman agad ko iyong binuksan at tinignan kung may nakasulat doon.

"Forget like you had amnesia." Pag basa ko sa unang sentence na nakasulat doon. Isa ito sa mga linya ng isang character sa libro na ito.

"Forget like you still have me." Pag basa ko naman sa huling sentence.

"Hurt." Pagbasa ko naman sa huling word sa pinaka baba ng mga iyon.

Napaisip ako ng malalim sa mga nabasa ko. Tila ba unti unting rumerehistro sa utak ko ang nabasa ko pero hindi ko parin maiwasan ang di maguluhan.

Tila ba isa itong advice sa akin. Sa pag momove forward ko sa sakit na nararamdaman ko.

Pero bakit ganon? It somehow makes me think na ang pinapahiwatig nito ay iba.



****

After 3 year...

"Alam mo ba, teacher? Yung mama at papa ko nag aaway sila." Napatingin ako sa batang tumabi sa akin. Andito kase ako sa may mini park ng isang nursery school.

"Yuan, what are you doing here?" Tanong ko sa bata. Nakilala ko itong batang ito dahil madalas akong bumisita sa school na ito at nakikisama sa pag tuturo sa kanila since this school naman is owned by my brother. Natutuwa kase ako sa mga bata parang si kuya pero di ko alam kung bakit hindi teaching ang kinuha ko.

Isang taon na nga ang nakalipas. Ako na din ang namamahala sa isang company namin, ang Silverstar at kay kuya naman ang main company namin. Marami na ang bago sa akin gaya na lamang ng buhok ko. From a long black straight her to a brown wavy hair na mahaba parin naman. Kung chill life lang ako before at pa fangirl fangirl lang ay iba na ngayon. I'm so busy that I can't even check my accounts. Hindi na ako nakakapag fangirl just like before and going to this school ay ang siyang nagiging pahinga ko na lamang from work.

Well, this is my choice naman. Wala namang nag push sa akin na maging ganito but myself. Making myself busy to forget. Mahirap magkunwaring may amnesia and I would never dare try doing that. I want to be professional sa harap ng pamilya ko, ng ibang tao at sa harap niya at ng bagong pamilya niya.

I want to show him kung gaano ako kasaya after namin mag hiwalay, after ko siyang makalimutan. I want to show him na nakayanan kong mag move forward. I want to show him na ang bagong Tania ngayon ay nagbago dahil sa kanya.

"Teacher, I said mama and papa nag aaway." Napabuntong hininga na lamang ako at ngumiti ng bahagya sa bata ng mabalik ako sa katinuan ko.

"Baka may misunderstanding lang sila." Sagot ko sa bata. Limang taong gulang na din naman itong si Yuan at mature din ang pag iisip.

"Teacher, maghihiwalay po ba sila? Di po ba nila love ang isa't-isa?" Nagulat ako sa tanong nito at tinignan siya. Yung mga mata niya ngayon ay may nagbabadyang mga luha.

Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko at ang kusang pag balik ng mga ala-ala nang nakalipas. Naalala ko lang kung paano nahantong kami sa isang kasalanan hanggang sa maghiwalay din kami.

"N-No.. Don't cry please.." saad ko ng biglang humagulgol ang bata.

"Hindi ibig sabihin na nag away ang mama at papa mo ay di na nila mahal ang isa't isa and also that doesn't mean maghihiwalay sila. Trust them, okay? Pag uwi mo mamaya makikita mo na okay na sila." Sabi ko pa sa bata. Tumigil naman ito sa pag iyak at kusang pinunasan ang mga luha niya.

"Ikaw po ba teacher may asawa na po ba kayo?" Tanong nito habang pinupunasan parin niya ang luhang tumutulo sa mga mata niya. Napangiti ako ng mapait sa tanong nang bata. I do have pero that was before.

"A-Ahh wala pa akong asawa, baby Yuan." Sagot ko na lamang sa bata. Wala na naman talaga.

"Ehh? Teacher wag ka ngang mag lie sa akin! Nung isang araw may lalaki na pumunta dito sabi niya asawa mo daw siya." Sabi nito sa akin. Natawa naman ako.

"Ahh yun ba?" Saad ko na lamang bago nginitian ang bata. Siguro ay si Xavier ang tinutukoy nito. Baliw kase ang isang yon. Paminsan minsan kase ay pinupuntahan niya ako dito.

"Ano name niya teacher?" Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isagot sa batang ito.

"Hindi ko pa siya asawa, Yuan. Friend palang siya ni teacher. He's kuya Xavier." Sagot ko sa bata bago siya nginitian.

"Pa? That means soon? Teacher you will marry him po??" Nasamid naman ako sa tanong ng bata.

"Let's just say, maybe." Nginitian ko ang bata bago ko ginulo ang buhok niya.

Hindi ko kase alam ang isasagot ko sa kanya. Xavier stayed with me all this time. Never niya akong iniwan sa mga nakaraang taon hanggang ngayon together  with Zeus and Luke. It's been 3 years at tuloy tuloy parin siya sa panliligaw niya sa akin. Sa tatlong taon na iyon ay naging mas malalim pa ang pag kakaibigan naming apat. They made me feel na may nag mamahal sa akin. Lagi silang andyan for me but mas lamang si Xavier and I think..

Nagugustuhan ko na siya..

****************
To be continued..
25th Chapter done!

His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon