Tania's POV
Napabalikwas ako sa kama ng makarinig ako ng malakas na tunog galing sa baba na para bang may nabasag na kung ano.
Napatingin ako sa katabi ko pero wala na si Hoshi doon kaya naman agad na lamang akong tumayo at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa hagdan at agad na dumiretso sa may kusina.
Pag pasok ko palamang sa kusina uy pumungad na sa akin si Hoshi na pinupulit yung mga piraso nung nabasag na plato.
"Hey, ang aga-aga nag babasag ka ng plato." Saad ko para makuha ang atensyon niya na kanina ay nakatuon sa plato.
"G-Gising ka na pala. Good morning." Gulat na saad niya.
"Narinig ko e kaya nagising ako." Saad ko na lamang. Umikot naman ako sa kabila upang di ko madaanan yung mga bubog. Dumiretso ako sa may lababo at nag mouthwash muna at konting hilamos.
"Sorry, teka lang lilinisin ko lang'to para makapag almusal na tayo." Rinig kong saad niya. Hindi na lamang ako sumagot.
"Walisin mo na lang yan." Saad ko ng matapos ako. Hanggang ngayon kase ay nag pupulot parin siya.
"Hindi okay lang, patapos na rin ako—-ah shit!" Agad ko siyang dinaluhan ng marinig ko ang pag mumura niya.
"Damnit! Sabi ko kase sayo walisin mo na lang e." Inis kong saad ng makita ko ang malaking hiwa na nasa hintuturo niya.
Agad kong kinuha ang kamay niya at agad na sinipsip ang dugong dumadaloy sa hintuturo niya.
"Sorry." Napatingin ako sa kanya na nakangiti ngayon at inirapan ko na lamang siya.
"Hintayin mo ko dyan. Kukunin ko lang yung first aid kit." Saad ko bago ako kumaripas ng takbo para kunin ang kit sa may cabinet sa banyo.
Agad din naman akong naka balik at inabutan ko nanaman siyang naka ngiti.
"Gago, wag ka nga ngumiti dyan, na iirita ako." Saad ko pero nginisian lang niya ako.
"Akin na, maupo ka dito at gagamutin natin yan." Saad ko sabay turo sa may upuan dito sa kusina.
Umupo naman siya habang di parin tumitigil sa pag ngiti. Baliw na ata ang isang'to. Inirapan ko na lamang siya bago ko kinuha iyong daliri niya at ginamot.
"Ayan, tapos na. Sa sususnod kase mag ingat ka." Saad ko sabay bitiw sa kamay niya. Tumango lamang siya na parang bata.
Cute..
Ay wala! Hindi siya cute, bwisit!
Tumayo na lamang ako at kinuha ang walis at dustpan atsaka ko winalis yung mga bubug at tinapon sa basurahan.
Mayamaya pa ng makabalik ako ay nakaayos na ang almusal namin kaya umupo nalamang ako sa kaharap na upuan ni Hoshi. Sa totoo lang nakakagutom mga linuto niya dahil may ham, bacon, hotdog at itlog pa. Mukhang sampung tao nga ang kakain sa dami ng niluto niya e. Ginawa ba naman akong PG.
"Eat." Saad niya habang naka ngiti parin.
"Wag ka nga ngumiti dyan." Saad ko sabay kuha ng kanin at lagay sa plato ko.
"Bakit? Anong masama sa pag ngiti?" Tanong niya kaya naman inirapan ko siya.
"Masama yun kapag ikaw ang gumagawa." Saad ko. Tumawa lang siya.
"Nah, masaya lang ako dahil sabay kaming mag aalmusal ng asawa ko tapos pinag luto ko pa siya." Saad niya.
"As if di natin ito ginawa before." Saad ko naman sabay kuha ng bacon.
"Well, iba ngayon. I prepared and cooked it with love." Saad niya. Inirapan ko na lamang siya.
Uyy kinilig.. shit! Stop it!
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)
Fanfiction"Welcome to Hell, Tania Jeon."- Hoshi, Kwon Soonyoung (2018) In which Tania a big fan of Kwon Soonyoung from the group SEVENTEEN was given a chance to marry her one and only dream. Her dream that turns out to be her nightmare. Will she be able to tu...