Chapter 47

341 12 8
                                    

Tania's POV

"Are you ready, wife?" Napatingin ako kay Hoshi na nakasilip sa may pintuan ng kwarto namin. Ngayon na kase ang flight namin pa puntang Korea.

"Patapos na." I said atsaka ko na linagay ang huling pares ng damit na dadalhin ko sa maleta atsaka ko ito sinara.

Pumasok naman siya sa kwarto at kinuha iyong maleta ko. Habang ako naman ay pinag tuunan ko ng pansin ang ibang dadalhin ko gaya ng mga pabango at pang skincare ko na ilalagay ko sa isa ko pang bag.

"Hintayin na lang kita sa baba." Sabi naman niya bago bitbitin palabas ang maleta ko.

Napatingin ako sa salamin sa harap ko at napahinga ng malalim.

"Eto na yun, Tania. Hindi naman siguro kami mahuhuli." Napapikit ako ng mariin. Akmang isasara ko na ang bag ko ng maalala ko iyong binigay na bracelet sakin ni Kelly. Si Kelly yung bata sa ampunan na sobrang close kay Hoshi. Sobrang cute na bata. Nalaman ko na inabanduna siya simula nung sanggol palamang siya kaya napalapit siya kay Hoshi at tinuring niya itong ama. Ilang beses din kaming bumalik ni Hoshi doon sa ampunan para bisitahin siya at ang mga ibang bata pagkatapos nung isang araw na pag bisita namin. Gusto nga sana naming bumalik ulit pero kailangan naming pumunta ng Korea dahil kailangan na ni Hoshi bumalik para sa comeback nila.

Kinuha ko yung bracelet sa may cabinet ko atsaka ko sinuot iyon. Pagkatapos ay agad na akong bumaba at lumabas ng bahay.

"Okay ka na?" Tanong ni Hoshi. Tumango naman ako.

"Let's go?" Saad niya bago ilagad ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon atsaka ako ngumiti at tumango.

Pinag buksan niya ako ng pinto kaya sumakay naman na ako doon. Sumakay naman siya sa may driver's seat at sinimualn ng paandarin ang kotse.

"Be ready.." napatingin ako ng muli siyang magsalita.

"Huh?"

"Yung comeback ko di na baby fats." Yun lang ang huli niyang sinabi na nag pa tulala sa akin bago siya mag simulang mag maneho. Ano daw??

"Huh?"

"Wala, nakita mo na pala 'to." Sabi pa niya sabay hawak sa... Ah!

"Ah! O-Okay.." ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko ng marealize kong abs pala niya ang sinasabi niya. Gagu ba siya? Hahaha sabagay nung nag debut sila ay tabs palang ang meron siya pero ang alam ko nung maging asawa ko siya ay nabubuild na ang abs niya. Lakas makakuha ng babae noon niyan e.

Pero.. shit!

Ipapakita na ba niya sa mga fans ang abs niya?? Fvck! Di pwede!

"Wait!" Biglang sigaw ko. Napahinto naman siya sa pag dadrive.

"Why??" Gulat naman na tanong niya.

"Gagu, papkita mo yung abs mo sa mga fans this comeback?!" Hindi ko alam pero parang naiinis ako. Gusto ko ako lang ang makakakita non. Yun pa ngalang nakita iyon ng sekretarya ko naiinis nako pano pa kung damai na kami.

"Yes, bakit may problema ba?" Takang tanong niya.  Shit! Nakakainis naman! Ayy ewan! Bahala siya dyan!

"Bahala ka dyan!" Sabi ko na lang bago tumingin sa may bintana. Di ko na lang siya papansinin. May problema ba pa siyang nalalaman! Problema yun no! Kainis! Madami nanaman mag lalaway sa kanya! Doon pa ngalang sa sayaw niya ako mismo nag lalaway na dati pano pa kung may exposure na ng katawan? Ah! Fvck!

"What?" Takang tanong lang niya. Napailing na lamang siya at natawa ng bahagya. Bahala siya dyan.

Nang makadating kami sa airport ay hindi ko parin siya pinapansin. Guyod guyod ko ang cart ko habang siya naman ay ganon din. Mukha ngang di kami mag kakilala dito e dahil ayoko lumapit sa kanya. Naka todo disguise pa siya. Bahala siya di ko siya kakausapin. E sa naiinis talaga ako at di ko rin alam sa sarili ko.

His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon