Chapter 30

556 29 15
                                    

Sorry super late ng update. Super busy kase huhu. Enjoy reading!
————

Tania's POV

"Tania? hindi ka pa ba uuwi? Ako na ang bahalang mag bantay kay Caleb. Alam kong pagod ka kaya umuwi ka na muna." Napatingin ako kay Kuya na kakapasok lang sa classroom nina Caleb.

"Hindi na kuya. Kaya ko na ito. Tsaka umuwi na si ate Via ah? Bakit andito ka pa?" Tanong ko sa kanya. Lumapit naman ito sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Gago talaga yang ex-husband mo ano?" Napatingin ako sa kanya dahil hindi tugma ang sagot niya sa sinabi ko.

"Huh?" Takang tanong ko. Ngumiti lang ito at kinuha sa pagkabubuhat ko si Caleb at siya na ang nag buhat dito.

"Wala. Concert nila ngayon diba? Kinalimutan yung anak dahil sa concert. Napaka hahaha!" Natawa ng sarcastic si kuya. Oonga pala at may concert sila ngayon. Pupunta pa ba ako? Wag na lang ata.

"May ticket ako." Saad ko out of nowhere kaya naman napatingin si kuya sa akin.

"Talaga? Manunuod ka?" Tanong nito sa akin. I shrugged my shoulders dahil hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi.

"I dunno, kuya. Mom wants me to go." Sagot ko kay kuya.

"Isama mo na lang kaya si Caleb at pumunta kayo doon? Para naman mapuntahan ko pa si Via alam mo naman miss ko na siya." Tignan mo tong si kuya. Kanina lang pinapauwi na ako at kinukuha si Caleb.

"Huh? Bakit? Tsaka di naman ako sure na pupunta." Sagot ko sa kanya.

"But there's a possibility na pumunta ka. So bring Caleb with you. Pakita mo sa ex mo yung anak niyang pinababayaan nila." Bakas ang inis ni kuya sa boses niya kahit na nakangiti pa siya.

"Ang sama mo kuya." Pabirong sabi ko kay kuya.

"Hindi ah! Oh ano? Isama mo na lang si Caleb no?" Sagot pa ni kuya kaya natawa na lang ako.

"I only have one ticket kuya." Saad ko at napataas naman ang kilay niya.

"Here. Use my ticket for Caleb." Nagulat naman ako sa inabot sakin ni kuya. Ticket din ito gaya nung sa akin.

"Binigyan ako ni mommy but I won't go anyway so use it na lang." tignan mo tong si kuya. Kala mo babaeng napakaarte kung magsalita. Bakla ata talaga to e. Hahahaha!

"Fine." I rolled my eyes at tinawanan naman nila ako. Kinuha ko naman ulit si Caleb kay kuya at ako na ang nagbuhat sa bata. Sayang naman din kase yung mga ticket kaya pupunta na lang ako.

"You better go. Pipila ka pa baka mahuli ka." May halong pang iinis na sabi ni kuya kaya napairap na lamang ako.

"Tsk. Aalis na kami! Kasal muna bago baby ah." Natawa ako ng malakas sa sinabi ko bago ako lumabas ng kwartong iyon.

"Fvck you, lil sis! Mag proproteksyon ako." I heard kuya said kaya lalo akong natawa baliw talaga yun. Nasasabi niya yon pero hindi naman niya magawa. I know how he respects ate Via at sobra sobra ang respeto niya kay ate.

Dumiretso ako sa may kotse ko at isinakay sa may passenger seat si Caleb at agad ko siyang sineatbelt-an. Pagkatapos ay sumakay na din ako sa May driver's seat at pinaandar ang makina ng sasakyan.

"Hm.." Napatingin ako kay Caleb. Bigla itong nagbukas ng mata at sinalubungan ako ng ngiti. Mukhang nagising ito sa ginawa ko. Buti na lang at hindi ito iyakin. Buti na lang pala at may na mana ito kay Soonyoung na palangiti.

"Teacher Tan, where are we going po?" Tanong niya.

"Pupuntahan natin ang daddy mo, baby." Sagot ko dito. Mapupungay ang mga matang tinanguan lamang ako nito bago mag pikit muli ng mga mata kung kaya't ibibalik ko ang tingin sa harapan at sinumulang paandarin ang sasakyan.

His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon