Chapter 54

272 10 8
                                    

Tania's POV

"Wow! Ang bango naman ng foods!" napalingon ako nang makita kong andito na pala ang SEVENTEEN. 

"Oh maupo na kayo nang maka kain na tayo." saad naman ni Hoshi.

"Hello Tania/noona" sabay sabay naman nilang bati sa akin ng makita nila ako nag bow din sila kaya nag bow din ako at binati silapabalik. Ilinapag ko naman sa lamesa ang huling dish na niluto ko which is iyong sinigang.

"Maupo na kayo nang makakain na kayo." Nakangiting saad ko sa kanila at umupo naman sila. 

"Sana ol pinansin. Hello Hoshi or Hoshi hyung. Yung ganoon ba?" Napatingin at natawa na lamang kaming lahat kay Hoshi dahil sa sinabi niya. 

"Hello hyung! Happy?"lalo kaming natawa sa sinabi ni Dino kaya naman agad siyang linapitan ni Hoshi at kinulong nito ang ulo ni Dino sa mga braso niya at ginulo ang buhok nito.

"Hyung! yung buhok kooo." reklamo naman ni Dino.

"Oh tama na yan. Kumain na tayo baka lumamig na itong mga linuto ni Tania." saad naman ni S.Coups kaya umayos naman ang dalawa at umupo na.

"Wife, come here." tawag sa akin ni Hoshi sabay tap sa upuan sa tabi niya kaya naman umupo ako doon. Linagyan naman niya ng pagkain ang plato ko. Nagsimula na din kumuha ng pagkain ang ibang members.

"Thank you sa pagkain!"sabay sabay na saad nila bago simulan ang pagkain kaya naman napangiti ako. Feeling ko nananaginip lamang ako dahil napaka dream come true nito. Fan lang nila ako dati at pangarap ko lang na magawa ito sa kanila pero ngayon na ipagluto ko na sila which is di ko nagawa noon. Noong unang punta kase namin ni Hoshi ng magkasama dito sa Korea ay di ko nagawa ito pero ngayon nagawa ko na at ang sayang makita na mukhang nasasarapan sila sa luto ko dahil sa mga ngiti nila habang kumakain sila ngayon sa iisang mesa kasama ko.

"Wife, kumain ka na." napatingin akong muli kay Hoshi ng subuan niya ako. 

Kanina niya pa ako kinakausap at kinukulit pero di ko siya masagot lagi ng maayos. Sinubukan ko namang alisin lahat ng mga nangyari kanina at umakto nang normal pero wala talaga at di ko mapigilan ang sarili kong masaktan. Tinutulungan niya ako kanina pero hindi man lang ako makapag salita ng maayos at makangiti ng totoo kanina pa dahil ang bigat parin talaga ng nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina.

Medyo nahihirapan akong ibalik ang lahat sa dati dahil nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Hindi ko kayang ngumiti ng totoo sa kanya dahil alam kong sa mga ngiti ibinabalik niya, sa mga ngiti niyang iyon ay nasasaktan siya. Hindi ko alam bakit sa lahat ng nangyari ay mas pinili niya paring ipaubaya ako kay Xavier.

Ang sama ko ba kung gusto ko siyang piliin pagtapos ng mga nalaman ko?

Pilit niya akong pinapaubaya kay Xavier pagkatapos ng lahat ng ito. Tama naman ang mga sinabi niya sa akin at ayoko din saktan si Xavier. Pero di ko maiwasang di masaktan dahil gusto ko siyang piliin pero tama talaga siya e dahil di ko na pwedeng gawin iyon. Pagkatapos ng isang buwan na ito hindi ko na siya pwedeng piliin pa dahil sa katotohanang may Xavier na sa buhay ko. Si Xavier na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin at intindihin ako. Hindi niya deserve masaktan. 

Siguro hindi lang talaga kami para sa isa't isa ni Hoshi?

"Hey." nagulat naman ako nang hawakan niya ang pisngi ko. Napahawak naman ako sa pisngi ko at nagulat ako ng basa ito kaya dali dali kong pinunasan ang mga mata at pisngi ko. Buti na lamang at di kami napansin ng ibang members.

Tinignan ko si Hoshi at kita ko ang pag aalala sa mga mata niya kaya naman pilit akong ngumiti sa kanya.

"I'm okay." saad ko at ngumiti sa kanya ng pilit. Naramdaman ko ang kamay niyang hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa tuhod ko. Pinipigilan ko ang nginig ng kamay ko na alam kong naramdaman din ni Hoshi kaya umiling ito.

His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon