Tania's POV
"Manang mauuna na po ako." Paalam ko kay manang bago ako dumiretso sa kotse ni Hoshi. Iniwan niya kase dito sa bahay dahil may van na nag sundo sa kanya kahapon para ihatid siya sa airport.
"Ingat ka ah! Baka malagot ako ni Soonyoung kapag na laman nyang hinayaan kita na gamitin ang sasakyan niya." Nag aalalang sabi ni manang kaya naman tumango ako at nginitian siya.
"Opo manang. Akong bahala kay Hoshi." Assurance ko kay manang bago ako tuluyang sumakay sa kotse at pinaandar iyon.
Speaking of Hoshi. Naka dating kaya ng safe si yon? Di pa niya ako minessage manlang or chinat sa messenger. Hay! Dibale na nga as if naman Tania.
"Una na po ako." Saad ko nalamang atsaka na ako umalis.
*****
"Galing ko ba?" Nakangising saad ni Luke pagkababa niya sa stage. Kakatapos lang ng performance nila. Nagkaroon kase ng special program ngayong sabado para sa lahat ng students lang ng University parang reward daw sa amin ng owner dahil sa one week na pagod daw namin.
Lahat ng performance kahapon ay inulit ngayon para daw sa mga students na hindi naka nuod dahil nasa booths nila sila at nag babantay plus majority kase ng nanuod kahapon ay mga visitors.
"Uy kausap kita!" Nabalik ako sa wisyo ko ng mag salita si Luke sabay alog pa sa akin. Napahawak naman ako sa tyan ko ng kumalam iyon. Hay gutom na gutom na din pala ako.
"Gutom na!" Natatawang sabi niya kaya inirapan ko na lang siya.
"Ano ang galing ko ba?" Ngising tanong niya. Hayss
"Pwede na." Sagot ko sa kanya. Sa totoo lang ang galing niya mag rap. Yes, nag rap siya kasama niya yung mga barkada niya. Actually para silang kpop group na sumasayaw habang kumakanta at nag rarap parang SEVENTEEN. Kahit dalawang beses ko na napanuod ay di ko parin maiwasan na hindi ma amaze sa kanila kase legit ang galing nila pero di ko sasabihin kay Luke HAHAHAHA KAPAL MUKS SIYA E.
"Hmp! Ang galing ko kaya!"Giit niya na parang bata kaya tinawanan ko na lamang siya.
"Oo na lang since sinalo niyo ako sa dapat performance ko." Biro kong sabi sa kanya kaya inirapan naman niya ako.
"Pero alam mo ba? Dapat kasama namin si Drake doon sa performance kahapon at ngayon. Sayang! Ang galing pa naman mag kanta at sumayaw ni Drake parang ako." Sabi niya habang proud na proud pa na naka ngisi.
Pero si Xavier? Kumakanta? Wow! Totoo ba? Bakit ngayon lang niya sinabi? Hay basta! Nagugutom nako kaya wala akong pake sa kayabangan nito.
"Tara! Kain na lang tayo. Samahan mo na din ako hanapin sina Zeus." Saad ko habang hawak ang kumakalam kong sikmura.
"Ahh pass muna. Hanapin ko muna si Drake. Di ko pa kase siya nakakausap simula kahapon." Saad niya kaya napatango na lang ako.
"Osige. Mauuna na ako." Sabi ko atsaka na una na akong nag lakad.
Dumiretso ako sa booth kung saan nag bebenta sila ng sariwang lumpiya. Shocks! Ang tagal na bago ako kumain nito.
"Ate dalawang sariwang lumpiya nga po." Sabi ko kay ate na nag titinda.
"50 pesos po." Saad niyo kaya agad ko namang inabot ang bayad ko. Agad naman natapos ang order ko at inabot sa akin iyon ni ate.
Pagkakuha ko ay dumiretso ako sa may garden sa may likod ng building namin at doon linantakan yung mga lumpiya habang naka upo sa isang duyan doon.
Grabe! Ang sarap talaga nito!
*ringg! ringgg!*
Agad kong kinuha ang cellphone ko ng tumunog iyon.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)
Fiksi Penggemar"Welcome to Hell, Tania Jeon."- Hoshi, Kwon Soonyoung (2018) In which Tania a big fan of Kwon Soonyoung from the group SEVENTEEN was given a chance to marry her one and only dream. Her dream that turns out to be her nightmare. Will she be able to tu...