Tania's POV
"Good morning Wifey!" Napangiti ako ng bigla akong yakapin ni Hoshi.
"Good morning hubby." Sagot ko naman.
"Kain ka na baka malate ka pa." Saad niya atsaka siya humiwalay sa pagkayakap sakin.
"Sige, salamat!" Saad ko naman atsaka na ako tumayo at nauna ng lumabas sa kwarto. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.
"Balita ko may laban daw ng soccer ngayon sa school ninyo?" Saad ni Hoshi na nakasunod sa akin kaya tumango naman ako.
"Yes meron nga. Yun ang pinaka aabangan ng mga students dahil mag tutuos ang mga soccer player ng school per department." Sagot ko sa kanya.
Umupo na ako atsaka agad na kumuha ng kanin at ulam. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Can I go with you? Gusto ko sanang manuod." Muntik ko ng maibuga yung pag kain na kakasubo ko lang dahil sa sinabi niya.
"Seryoso ka ba dyan? Andon yung kapatid ni Nally." Saad ko pero nginitian niya lang ako.
"Pero wala naman si Nally don kaya okay lang." sabi niya kaya tumango na lang ako.
"Then, okay sige."
*******
"Dito tayo girl!" Saad ni Zeus ng makita niya ako kaya kinawayan ko naman siya pero napahinto siya at nakatingin lang siya sa likuran ko.
"Saan tayo?" Tanong ni Hoshi kaya hinarap ko siya.
"Doon sa tabi ni Zeus." Sabi ko atsaka na ako nag lakad papalapit kay Zeus na ngayon ay naka taas ang kilay.
"Mahabang kwento. Enjoy na lang tayo." Saad ko na lang kahit di pa siya nag sasalita.
Tumabi sa akin si Hoshi at ganon din si Zeus. Mayamaya pa ay nag simula ng mag entrada ang mga players.
"Let's welcome! The College of Business Management!" Saad nung scorer gamit ang mic. Nagsitilian naman kami dahil College iyon or Department iyon nina Xavier.
"GOOO XAVIEEEEEER!!!" Sigaw ko na mukhang narinig naman ni Xavier dahil nag katinginan kami at kinindatan niya pa ako. Agad naman akong napayuko dahil ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
"Omg girl! Kinindatan ka niya! Ang dami tuloy inggitera at feeler." Saad ni Zeus na tawa na lanv ako ng bahagya. Rinig ko naman ang bulungan ng iba dahil buti pa daw ako pinansin ni Xavier at yung iba naman ay feeling nila sila ang kinindatan.
"Kaibigan mo?" Tanong sa akin ni Hoshi. Kaya umiling naman ako.
"H—-" di ko natuloy ang sasabihin ko ng mag salita siya ulit.
"Manliligaw?" Natawa naman ako sa sinabi niya. Kung assuming lang talaga ako baka inisip ko na na nag seselos siya.
Assuming ka naman..
Fine! Assuming na kaso di naka sumpong ngayon. Mabait ako ngayon. Hmph!
"Hindi." Sagot ko sa kanya.
"Boyfrie——" di niya na ituloy ng pumito na ang referee hudyat na malapit na mag sisimula ang laban at start na ng warm up nila. Napatingin ako sa kalaban nina Xavier.
Grabe!! Si Luke at ang mga ka Department pala namin ang kalaban nila. Engineering Department pala at Business Management ang unang mag tutuos.
Napatingin ako kay Luke na kindat ng kindat sa mga chix niya. Sus! Pero babae nanaman. What a playboy nga naman.
Nagulat ako ng tignan niya ako at kindatan. Aba't! Loko yun ah! Akala ba niya porket nag kausap na kami ng maayos nung isang araw ay friends na kami?? Si Lucas lang ang friend ko. hmph!
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)
Fiksi Penggemar"Welcome to Hell, Tania Jeon."- Hoshi, Kwon Soonyoung (2018) In which Tania a big fan of Kwon Soonyoung from the group SEVENTEEN was given a chance to marry her one and only dream. Her dream that turns out to be her nightmare. Will she be able to tu...