Chapter 42

432 20 14
                                    

Tania's POV

"GOOD MORNING, lil sis." Masayang bati ni kuya sa akin.

Nandito ako ngayon sa school ni kuya para makapag relax at makipaglaro sa mga bata like what I always do kapag stress nako sa company.

Lalo na sa nangyari kahapon. Hindi ko na alam ang kasunod na nangyari ang alam ko na lang ay nasasasakyan ako ni Luke at hinatid niya ako pauwi. Oras na din akong nagising kaya dito na ako dumiretso.

"Good morning din kuya! Kamusta?" I said sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit.

"I'm good. Dapat ako ang nag tatanong sayo nyan. How are you my lil sis? How's your company? Working with your ex huh?" Naka ngising saad naman nito kaya napakunot naman ang noo ko.

"Not so good, kuya. Nakakainis." I said at tinawanan naman ako nito. Kahit kailan talaga. Pero ano kayang nangyari kay Hoshi kagabi? Ay! Bakit ko ba iniisip ang lalaking yon? Tsk.

"Hmm.. well guard your heart, sis." He said kaya tumango naman ako.

"I'm in a relationship with Xavier now, kuya." I reminded him. Alam na kase niya ang tungkol samin ni Xavier.

"Just focus with one man." He said kaya tumango nalang ako. Bakit ba kailangan niya pang sabihin yon? Ofcourse mag fofocus ako kay Xavier. Ang weird ni kuya! Tsk!

"Alam mo na ba?" Napatingin ako kay kuya ng mag salita siya ulit.

"What?" Tanong ko.

"Hindi na dito nag aaral si Caleb." Nagulat naman ako sa sinabi ni kuya. Biglaan ata? E kakalipat lang niya diba?

"Kakalipat lang niya diba?" I asked. Tumango naman si kuya.

"I don't know. Ang sinabi lang sakin ng ate Via mo is that bumalik na ng Korea si Caleb at ang mommy niya." So that's the reason kung bakit di na nag paparamdam si Nally.

"Bakit daw?" I asked again.

"Preparing for their marriage." Simpleng sagot lang ni kuya na tila ba wala siyang pake.

"Ohh is that so?" Tanging saad ko na lamang. Kaya pala umalis e mag aayos na para sa kasal nila ni Hoshi. Sana sumama na din si Hoshi sa Korea para walang asungot ngayon sa kompanya ko. Damn! Ang sabi niya kasal pa kami tapos ngayon nag aayos na sila ng kasal nila? Is that even possible? Hello! Kasal pa siya sakin. Damnit! Mahal mahal kita pa siyang nalalaman. Pa not my wife not my wife pa siya kagabi! Agh! Ang sakit ng ulo ko.

"Hey! Tigilan mo nga ang pagkunot ng noo mo, lil sis. Iisipin kong nag seselos ka niyan e." Nabalik ako sa katinuan ko sa sinabi ni kuya. Damn, oonga! Bakit ko ba naisip yon? For pete's sake I'm not jealous!

"I'm not kuya! Tigilan mo ko." I said and there I left him in his office.

I went to the playground and saw the kids playing kaya naman nakipaglaro ako sa kanila. Iba iba ang mga linaro namin. Nag habulan kami, tagtagan, nag slide, nag duyan at marami pang iba.

***

After 2 hours of playing with the kids ay bumalik na sila sa kanilang mga classrooms. Naupo naman ako sa isa sa mga duyan at doon ng pahinga.

"Here. Have some drinks." Napatingala ako sa lalaking nag salita sa harap ko.

"W-What are you doing here?" Gulat kong tanong. What the heck! Hanggang dito ba naman ay sinusundan ako nito.

"Looking for you." He simply said. Kinuha naman niya ang kamay ko at ilinagay yung bottled water na binibigay niya kanina. 

Napatingin naman ako sa mukha niya at nanlaki ang mga mata ko lalo ng makita kong ang dami niyang pasa sa mukha.

"Stop staring, it's nothing. Drink, I know you're tired playing with the kids for 2 hours." He said. Tumango na lamang ako binuksan yung bote ng tubig at ininom iyon. Wala ata ako sa mood makipag tarayan at sagutan ng sigaw ngayon.

"I'm not staring. This will be the last time that you'll go near me. Please, Soonyoung. Leave me alone." Kalmadong sabi ko.

"Why?" Tanong nito sa akin. Lumuhod naman siya sa harap ko para mag ka pantay ang mga mukha namin.

"Kase ayaw na kitang makita." I simply said. Ngumiti naman siya pero hindi abot sa mga mata niya.

"What if I don't want to?" He said.

"Then ako na ang gagawa ng paraan for me not to see you." Kalmadong saad ko. I just don't really feel like shouting on his face today. Naiinis ako sa presensya niya but I just don't feel like being bitchy. Calm as possible.

"Lastly, Thank you sa pag ligtas sa akin kagabi." I added. Ngumiti naman siya at tinignan ako.

"Damnit, anythingfor my wife." Saad niya na mukhang kinainis niya ang pag alala sa nangyari kagabi.

"Wag ka nang pupunta ulit ng bar." He added. Napakunot naman ang noo ko.

"And who are you para sabihan ako nyan?" I asked.

"I'm your husband." Saad niya. Tumayo siya atsaka naman ito umupo sa katabing swing. Napakunot ang noo ko. Ayokong mag tatalak gusto ko kalmado lang pero ng makita kong may inilabas siyang sigarilyo at sinindian iyon ay nag init ang ulo ko.

"Baliw ka ba? School ito tapos mag si sigarilyo ka??" Inis kong saad.

"Ayan. Si Tania na rin sa wakas ang kausap ko." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Si Tania na sinisigawan at tinatarayan ako." Dagdag pa niya. Hindi na lamang ako nag salita. Mahabang katahimikan ang pumalibot sa aming dalawa.

"What if mag ask ako sayo ng favor? Then after that titigilan na kita?" Napatingin ako sa kanya ng mag salita siyang muli.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. What is it now?

"What do you mean?" Takang tanong ko.

"Give me 1 month tapos after non ay lalayuan na kita. Hinding hindi na ako ulit mag papakita sayo." Sabi niya. Kahit mukhang naiintindihan ko na ang gusto niya ay tila ba ayaw niyong tumehistro sa utak ko.

"Remember yung dati? Yung isang buwan na pakiusap mo sa akin bago tayo mag hiwalay dapat. Do it with me. This time baligtad naman. Ako ang nag mamahal at ikaw ang mag papanggap na nag mamahal." Saad niyo bago umihit sa sigarilyo niya.Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. I'm right, ito din ang kagabi ko pang iniisip but I don't think this will work.

Baka.. baka sa huli.. ako lang ang matalo..

But.. Lalayuan na niya ako kapag pumayag ako. Mas makakabuti yun para sa akin. Isang buwan lang naman iyon tapos ay aalis na siya. Para sa akin at kay Xavier din naman ito e.

"Makikipag divorce ka sa akin for real bilang kapalit. Pipirmahan mo na ang divorce papers natin." I said.

"So payag ka?" He asked. Napapikit na lamang ako at bumuntong hininga.

"Pwede ba itapon mo muna yang sigarilyo mo. Ang baho." I said. Ginawa naman niya ang sinabi ko. Inapakan niya ito.

"So payag ka na nga?" Tanong niyang muli. Tinignan ko siya atsaka ko siya inirapan.

"Kelan ang simula?" Tanong ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Don't worry, bukas pa. Ihanda mo na muna ang mga gamit mo. Susunduin kita mamayang gabi babalik tayo sa bahay." Saad niya at ngumiti pero halata namang may lungkot sa mga mata niya. Damnit! Hindi dapat yon ang nakikita ko.

Hinga Tania! Nakooo! Isang buwan tapos wala na, okay? Kaya mo yan! Fighting!

********************
To be continued...
42nd Chapter done!

Updated na! Odiba! Bumaligtad ang mundoooo!
Same goal parin tayooo hehehe

His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon