Chapter 33

506 24 10
                                    

Tania's POV

Dalawang linggo ang lumipas simula ng mag trabaho sa kompanya ko si Hoshi. Everything went well except sa fact na araw araw akong binubwisit ng isang to.

Nandito kami ngayon sa may conference room at kanina pa kami nag mimeeting. Kanina pa din ako tinetext ni Xavier dahil sabay kaming mag lulunch ngayon.

Nasabi ko din sa kanya ang nangyari nung isang araw and naiinis daw siya kay Hoshi. Ako din na bubwisit na. Kanina pa siya nag sasalita e halos ulit ulit lang sinasabi niya. Mukhang sinasadya niya.

"That's all! Good day! Pwede na kayong mag break." Finally! Natapos din ang isang ito.

Agad na akong tumayo at dumiretso sa may pintuan at akmang lalabas na ng biglang harangan ako nitong si Hoshi.

"Yes?" Nakataas kilay kong tanong.

"Except sayo. May kailangan pa tayong pag usapn about sa diniscuss ko kanina." Nanlaki ang mata ko sa inis. Seriously? Is he pissing me off?

"Really? We can talk about it later. I have to go may pupuntahan pa ako." I said atsaka ako lumabas ng conference room.

Nang makalabas ako ay agad akong dumiretso sa may elevator at akmang papsok na doon ng biglang may humila sa akin at ang alam ko na lang ay nasa opisina ko na ulit ako.

"What??" Inis kong saad.

"Hindi ka aalis." Nagulat ako ng tignan niya ako ng masama.

"What the heck? Are you out of your mind??" Inis kong saad. Sumandal ito sa pinto habang naka crossed arms pa ito sa harap ko.

"Yes. Maybe I am." Tinignan ko siya ng masama. Panigurado ay kanina pa nasa restaurant sa kabilang building si Xavier at hinihintay ako.

"Hoshi hindi na nakakatuwa, okay? Hinihintay ako ni Xavier. Kailangan ko ng umalis." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"Oh.." mukhang nagulat siya sa sinabi ko at napa tayo siya ng maayos. Nakita ko ang pag tiim ng bagang niya. Ano selos ka? Tsk. Asa ka Tania.

"May date ka? Ano kayang nakain ni Xavier at nagustuhan ka niya?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Are you insulting me?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Ngumisi naman ito.

"Wala namang mag kakagusto sayo. You're too plain. All you know is to work. Baka nga di ka pa nakapunta sa bar. You know? Men likes wild women." Nakangising sabi nito. Oo, napaka plain kong babae. Kaya nga hindi niya ko minahal diba. Pero lumipas na ang mga taon. Plain parin ako pero sa harapan niya lang. Like duh? Nag babar kaya ako. But hindi ako gaya ng pokpokita niyang fiance. Wild pala ang gusto bat di ka mag hanap ng hayop.

Huminga ako ng malalim bago mag salita.

"Hindi mo ko kilala. Hindi mo rin kilala si Xavier. Di mo siya kagaya. Gago ka e." Pag kasabi ko non ay linagpasan ko na siya at tinabig paalis sa may pinto.

Agad akong lumabas at dumiretso sa may elevator at sumakay doon. Nang makababa na ay agad akong dumiretso sa kabilang building at pumasok doon.

"Hey." Bati sa akin ni Xavier ng makita ko siya sa may table na pang dalawang tao lang.

Pinanghila niya ako ng upan kaya naman umupo na ako doon. Maraming pagkain ang naka hapag sa table namin mukhang may importante siyang sasabihin sa akin.

"I'm sorry. Kakatapos lang ng meeting." Saad ko. Ngumiti naman siya.

"It's okay. Nag order na ako ng food alam ko kase na malelate ka and baka gutom ka na pag dating mo." Nginitian ko siya at masayang tinignan ang mga inorder niya.

His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon