Chapter 49

262 14 4
                                    

Tania's POV

"X-Xavier."

"Honey, I missed you." Sabi nito at ramdam ko ang pag halik niya sa ulo ko.

Dahan dahan akong humarap sa kanya. Sumalubong sa akin ang masayang mukha niya kaya naman pilit akong na pa ngiti sa harap niya dahil gulat parin ako sa nangyayari.

Sa lahat ba naman ng lugar dito sa Korea na pwede niya akong makita ay dito pa, at ngayon pa. M-Masaya ako na makita siya. I-It's just that napaka wrong timing. W-What if makita niya si Hoshi? I know Xavier, magagalit siya ng sobra.

"Xav.." Saad ko. Yinakap niya akong muli but hindi ko siya yinakap pabalik dahil hanggang ngayon ay hindi parin nag bubuffer sa utak ko ang mga nangyayari.

"I said, I miss you so fvcking much, hon." Bulong niya sa may tenga ko. Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin and with that ay nabalik ako sa katinuan ko.

"I-I miss you too, Xav." Saad ko at doon ko na siya yinakap pabalik. I missed him b-but..

Napabuntong hininga na lamang ako ng maghiwalay kami sa isa't isa.

"What are you doing here?" Nag tatakang tanong niya. Kaya naman nginitian ko siya ng pilit. I hope di niya mapansin.

"A-Ahm.. Actually.." shit! Isip! Isip ka ng dahilan Tania! Damnit!

"Actually?" Nag taas pa siya ng kilay while smiling at me. He's waiting for my answer.

"Actually.. D-Dapat isusurprise kita! Kaso.." shit tama ba'tong sinasabi ko.

"Kaso nakita mo na ako! Kakaland lang ng airplane ko kanina actually and hinatid ko na din sa hotel ang mga gamit ko. Kakain sana ako ngayon k-kaso mahaba ang pila." Damn! Parang ang defensive ko ata dahil andami kong nasabi.

"Really? How sweet of you, hon." Nakangiting sabi niya at nagulat ako ng bigla niya akong dampi-an ng mabilis na halik sa labi.

"Kaya mahal na mahal kita e." Sabi niya kaya natawa naman ako ng bahagya.

"Of course! N-Namiss na kase kita." Nag pout pa ako para mukhang convincing ang sinasabi ko. Shit! Miss ko naman siya e. Bad timing lang talaga!

And again he hugged me.

"Don't worry, hon. Patapos na itong ginagawa ko. Sinadya ko talagang tapusin agad para makita na kita. You know? I fvcking miss your hugs and kisses." I hugged him back.

"Me too, honey." Sagot ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko si Hoshi na nakatayo doon sa may malayo habang hawak ang mga binili niyang takeout na tteokbokki. Oh shit! Patay na talaga!

Tinitignan niya kaming dalawa ni Xavier ng masama. Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa mga plastic na bitbit niya. Shit! Nakita ko ang pag galaw ng paa niya. Shit! Lalapit ba siya sa amin. Oh my ghad! No! Not now.

Agad akong umiling at napahinto si Hoshi sa pag lapit. Yung mga mata niyang galit kanina ay napalitan n-ng s-sakit? Shit! Am I seeing it right? Fvck!

"Hey? Are you okay, hon?" Akmang hihiwalay nang yakap si Xavier sa akin ngunit mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Shit! Di niya pwedeng makita si Hoshi.

His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon