Tania's POV
Napahawak ako ulo ko kasabay ng dahan dahan kong pag mulat sa mga mata ko. Dahan dahan akong umupo sa kamnag hinhigaan ko.
"N-Nasaan ako?" Takang tanong ko kay..
"J-Jeonghan?!—Ack!" Gulat kong saad ngunit agad din nabawi ang pagkagulat ko ng kumitot ang ulo ko.
"Nasa hospital ka." Malumanay na sagot naman niya.
"Thank God! Gising na si noona!" Napatingin ako kay Vernon na nag salita. Andito pala silang lahat maliban kay..
"Si Hoshi?" Tanong ko sa kanila. Nginitian naman ako ni Scoups.
"Don't worry, asa labas siya kausap ang mommy mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. No! Hindi dapat malaman ito ni mama!
For sure magagalit siya kay Hoshi. Ang daming beses ko na na muntikan akong mamatay dahil sa pagkain ko ng strawberries accidentally at muntik pang ipakulong ni mama yung taga luto ng pagkain ko dahil nakalimutan nito na bawal ako sa strawberries. OA man pero that's my mom. Ni lamok nga ayaw niyang ipadampi sa balat ko.
"Andito si mama?"
"H-Huh?" Takang tanong nila dahilan para maintindihan ko naman na nag tagalog pala ako.
"Andito si mama?" Tanong ko at tumango naman sila.
"Guys.." napatingin kami kay Hoshi na kakabukas lang ng pintuan nitong kwarto.
Gulat siyang napatingin sa akin.
"G-Gising ka na." Gulat na sabi niya kasabay non ang pag takbo niya papunta sa akin.
"H-Hubby.." saad ko. Nagulat naman ako ng yakapin niya ako. Ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko.
"Bakit di mo sinabi sa akin?? Bakit di mo sinabi sakin na allergic ka sa strawberries??" Nag aalalang saad niya.
"Uhm Soonyoung, lalabas na muna kami. Mag usap na muna kayong mag asawa." Sabi ni Scoups kasabay non ang pag tayo nilang lahat. Bumitaw naman sa yakap si Hoshi at tinignan sila.
"Alright, hyung. Thank you!" Sabi naman ni Hoshi. Nag bow naman ako sa kanila at nginitian naman nila ako.
"I'm sorry.." bulong ko. Naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko.
"Why? Bakit di mo sinabi sakin, Tania?" Malumanay na tanong niya.
"K-Kase paborito mo yun e." Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha ko. This is what I hate! Nagiging emotional ako lalo kapag siya ang kaharap ko. Natahimik siya at kita ko din ang pag igting ng panga niya.
"You know h-how much I love you, h-hubby. K-Kaya kong gawin lahat para sa ikasasaya m-mo." I smiled weakly.
"But you should have told me!" Nagulat ako sa biglang pag taas ng boses niya. Bakas sa boses niya ang inis sa ginawa ko.
"S-Sorry.." di ko na napigilan at na iyak na nga ako. Tinakpan ko gamit ng mga palad ko ang mukha ko at doon umiyak.
"Fvck—shh.. stop crying please.." lalo akong naiyak ng pilitin niyang alisin ang mga kamay ko sa mukha ko.
"I'm sorry!" Iyak ko.
"It's my fault, wife—please.. shhh.. stop crying.." nagtagumpay siya at naialis niya ang mga kamay ko pero nagulat naman ako ng yakapin niya ako.
"S-Sorry.. gusto ko kase na m-masaya ka.. gusto k-ko ma enjoy mo yung huling i-isang linggo mo k-kasama ako." Iyak ko sa kanya. Naramdam ko ang pag haplos niya sa buhok ko. Sana ganito na lang kami, sana mahal niya ako.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)
Fanfic"Welcome to Hell, Tania Jeon."- Hoshi, Kwon Soonyoung (2018) In which Tania a big fan of Kwon Soonyoung from the group SEVENTEEN was given a chance to marry her one and only dream. Her dream that turns out to be her nightmare. Will she be able to tu...