Tania's POV
"Ready ka na ba?" Tanong ni Hoshi. Tumango lamang ako. Hindi ko na alam kung tama ba itong naging decision ko pero bahala na.
Alasiete na ng sunduin niya ako dito sa condo ko buti na lamang at agad akong natapos mag impake kundi baka abutin kami ng alasnuebe sa byahe palang namin.
"Tara." Saad ko na lamang. Sinumalan na niyang paandarin ang makina ng sasakyan atsaka na ito nag drive paalis.
"Salamat at pumayag ka." Saad niya. Hindi ko siya tinignan at tumingin lamang ako sa may labas ng bintana.
"Wag ka mag pasalamat. Pumayag lang ako kase gusto na kitang umalis sa buhay ko." Saad ko ng hindi man lang siya tinitignan.
"That hurts though but still thank you." Saad niya. Di na lamang ako nag salita. Hindi ko maipapangako sa kanya na kakayanin kong mag panggap gaya nung ginawa niya dati. Pero isa lang ang maibibigay ko sa kanya at iyon ay ang presensya ko sa isang buwan.
Isang oras ang lumipas ng makarating kami sa dati naming bahay. Ganon parin naman ang kulay niya sa labas. Nung last kaming pumunta dito ay ganoon parin ang ayos. Maging ang mga pictures namin ay nandoon pa. I wonder what's new ngayong babalik kami at titira kaming dalawa ulit dito.
"Let's go inside." Tumango lamang ako at sumunod sa kanya habang bitbit niya ang maleta ko at ako naman ay buhat ko ang backpack ko.
Pag kapasok ko ay bumungad sa akin ang malaking frame na may wedding picture naming dalawa sa may sala. Naalala ko pa dati na pinapatanggal niya iyon kapag may babae siya okaya naman ay kasama niya si Nally sa bahay.
"Tania hija!" Nanlaki ang mga mata ko ng salubungin ako ng yakap ni Manang fe. Oh my ghad!
"Oh my ghad! Manang!! I miss youuu!" Saad ko sabay yakap kay manang.
Nung natulog kami dito ni Hoshi ay wala si manang fe pero bakit ngayon nandito siya? Uwaaahh! Nakakamiss mga luto ni manang!
"Namiss din kita hija." Saad ni manang.
"Manang bakit nung pumunta kami dito nung nakaraang araw wala kayo?" Tanong ko. Ngumiti naman si manang.
"Hindi na kase ako namamalagi dito hija. Pumupunta na lamang ako dito kapag nag lilinis ako. Ang sabi kase ni Hoshi ay babalik din kayong dalawa dito pagkatapos ng ginagawa niyo sa Koreang dalawa kaya ayun kahit tatlong taong walang namamalagi dito ay nililinis ko parin ito. Masaya ako na okay na atalaga kayong mag asawa. Biruin mo tatlong taon na ang lumipas." Medyo nagulat ako sa sinabi ni manang fe. Hindi niya alam ang nangyari 3 years ago? Tinignan ko si Hoshi. Tumango lamang siya na parang sinasabihan ako na 'ieexplain ko nalang mamaya' nginitian ko na lamang si manang at tumawa ng peke.
"Oonga po manang. Ha-ha! Odiba bumalik din kami." Saad ko na may pekeng tawa. Tumawa naman si manang.
"Pinag luto ko kayo ng makakain dahil sabi ni Hoshi ay ngayon ang balik ninyo. Pinag luto ko na kayo dahil di rin naman ako mag tatagal dito at kelangan kong umuwi. Every Sunday ang balik ko para mag linis. Alam mo naman hija tumatanda na ako." Saad ni manang. Tumango na lamang ako. Hinila naman niya kami ni Hoshi papunta sa kusina.
"Woahhh!" Gulat na saad ko. Paano ba naman ay adobong manok ang nakahain e paborito ko ito. May banana milk pang kasama.
"Manang! Alam mo talaga ang paborito ko." Masayang saad ko sabay upo sa may upuan at kumuha ng kanin at adobo at nag simulang kumain.
"Kumain na din po kayo." Saad ko habang sarap na sarap sa luto ni manang.
"Hindi na hija kayo na lamang mag asawa ang kumain dyan. Mauuna na akong umuwi. Gabi na at panigurado akong nasalabas na ang anak ko para sunduin ako." Saad ni manang at sakto naman ay may nag doorbell.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)
Fanfiction"Welcome to Hell, Tania Jeon."- Hoshi, Kwon Soonyoung (2018) In which Tania a big fan of Kwon Soonyoung from the group SEVENTEEN was given a chance to marry her one and only dream. Her dream that turns out to be her nightmare. Will she be able to tu...