Tania's POV
"Drake!"
"Hey, Tania. Xavier's here." Nabalik ako sa wisyo ko ng kalabitin ako ni Luke na nasatabi ko busy kase akong nag lalaro cellphone ko. Tumingin ako sa may harapan namin at nakita ko si Xavier na nakangiti habang kumakaway sa amin.
Andito kami sa airport para sunduin siya.
"Honey!" Tawag ni Xavier sa akin at agad niya akong inambahan ng yakap. Yinakap ko siya pabalik at pilit na ngumuti sa kanya.
"I missed you, hon." Saad niya at nagulat ako ng bigla ako nitong bigyan ng mabilis na halik.
"I-I missed you too, X-Xav." Nginitian ko siya ng pilit. Sana ay di niya nahalata ang pagkakautal ko. Ngumuti siya sa akin.
Shit! Bakit ba ako kinakabahan ngayon na nakauwi na siya. Bakit ako nahihirapan umakto gaya ng dati?
"Nag lunch na ba kayo?" Tanong niya. Ramdam ko ang pag hawak niya sa kamay ko. Pinipilit kong umakto ng maayos pero tila ba nakakaramdam ako ng awkwardness sa aming dalawa.
"Hindi pa nga e. Gutom na kaya kami. Lilibre mo ba kami Drake?" Sagot ni Luke kaya naman ay sumangayon na lamang ako para maalis itong awkwardness na nararamdaman ko.
"Oonga! Gutom na ako, Xav." Saad ko. Tinignan naman ako ni Xavier kaya ngumiti na lamang ako sa kanya.
"Fine. Let's go grab some lunch dahil gutom na si Tania. Baka sabihin ng mama niya ginugutom ko siya." Natatawang saad naman nito. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Baliw." Saad ko kaya naman lalo itong natawa.
"Tara na! Tomguts na ko e." Sabat naman ni Luke kaya naman napailing na lang kami ni Xavier at natawa.
Nag lakad kami palabas ng airport at dumiretao sa parkingan kung saan nag park si Luke kanina. Siya ang driver.
Pinag buksan ako ng pintuan ni Xavier sa may backseat kaya naman agad akong sumakay sa kotse. Akmang sasaky na din si Xavier at uupo sa tabi ko ng biglang mag salita si Luke na nakasakay na sa may driver seat.
"Taena niyo gagawin niyo pa ata akong driver?" Natawa naman ako at napatingin kay Xavier.
"Upo ka na doon sa harap baka awayin pa tayo nitong si Luke e." Saad ko. Napakamot nalamang ito sa may batok niya at bumuntong hininga.
"Fine. Gago ka Dylan." Saad nito kaya natawa naman ako. Sasagot pa sana si Luke pero isinara na ni Xavier ang pintuan sa backseat atsaka ito lumipat sa may passenger seat at doon sumakay.
"Gago ka din! Ano ako driver niyo? Lalabinglabing kayo sa likod tapos ako maiinggit? Respeto naman man!" Akala ko di na siya sasagot kanina. Kahit kailan talaga ang daming kuda nitong si Luke.
"Tigilan mo ko Dylan ah! Ikaw mag bayad sa kakainin mo." Sagot naman ni Xavier sa kanya.
"Ikaw naman Drake! Di ka mabiro. Lipat ka na don sa likod sabi ko nga driver ako e." Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa. Kahit kailan talaga pag nag sama silang dalawa para silang mga bata. Di mo aakalaing successful at may kanyakanyang company sila.
"Ano aalis pa ba tayo?" Tanong ko. Tinignan naman ni Xavier si Luke nang masama at nag titigan pa sila para silang nag uusap gamit ang mga mata nila.
"Eto na nga sabi ko nga aalis na tayo." Saad nito tsaka na ito nag simulang mag drive.
Inabot kami ng isang oras sa byahe dahil sa sobrang traffic bago kami makadating sa may restaurant sa isang sikat na hotel. Si Luke na ang namili dahil susulitin daw niya ang libre ni Xavier.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife (Hoshi fanfic)
Fanfic"Welcome to Hell, Tania Jeon."- Hoshi, Kwon Soonyoung (2018) In which Tania a big fan of Kwon Soonyoung from the group SEVENTEEN was given a chance to marry her one and only dream. Her dream that turns out to be her nightmare. Will she be able to tu...