TIW 3

10.7K 244 23
                                    

Kristin

Nagdidilig ako ng mga halaman sa bakuran namin nang marinig ko ang napakalakas na sigaw ni Rod.

"Kristin! Tangina. Nasaan ka bang babae ka?!"

Agad akong tumakbo papasok ng bahay baka bigla nanaman niya akong suntukin pag kukupad kupad ako ng kilos.

"Ro-sir. B-bakit po?" Kinakabahan na ako sa kilos niya pa lang ay alam ko na ang mangyayari.

At hindi nga ako nagkamali...

"Rod! Masakit!" Sinampal niya ako sabay hawak ng mahigpit sa aking panga. Naiiyak ako pero hindi pwede.

"Damn you slut! Alin ba sa 'bawal ang mabagal' ang mahirap intindihin?! napaka-bobo mo na nga tapos pati simpleng utos hindi mo magawa?! Ibang klase." Parang sa reaksyon na ipinapakita niya ay nakapatay ako ng tao.

"H-hindi ko sinasadya Rod. Parang awa mo na, b-bitawan mo ako." Nanghihina man ngunit nagawa ko paring bigkasin ang mga katagang iyan.

"Nasasaktan ka?! Eh kulang pa to para sa paninira mo ng buhay ko eh! Malandi ka kasi Kristin!"

Gustong gusto ko siyang sumbatan. Gustong gusto ko siyang saktan kasi hindi naman buhay niya ang nasira eh...buhay ko.

Pero wala eh kahit gano'n ang nangyari masaya ako, masaya ako dahil may Clark na dumating sa buhay ko. Ipinagpapasalamat ko na ipinasyal ng nanay ni Rod ang anak namin. Hindi niya dapat masaksihan ang ganitong pangyayari.

Ayos lang na ako ang masaktan 'wag lang si Clark.

"Makinig kang mabuti. Mamayang alas otso ng gabi ay pupunta dito ang mga kaibigan ko. Sa oras na 'yun, gusto kong umalis ka dito sa bahay ko. Naiintindihan mo ba?" Galit at madiin ang tono niya kung kaya't wala na akong magagawa.

Mabilis akong tumango at nagsalita.

"M-masusunod Rod."

"Putangina ka talaga. Wala kang karapatan na tawagin akong Rod! Palamunin ka lang dito at yaya ka lang ng anak ko!"

"Pasensiya na sir." Nakayukong sambit ko habang pigil pigil ang mga luhang nais kumawala.

Tinignan niya lang ako ng masama bago umalis pero ramdam na ramdam ko pa rin ang kuko niya na bumaon sa pingi ko. Ramdam ko ang sakit pero wala akong karapatang magreklamo dahil sinira ko raw ang buhay niya.

Halos dalawang taon na rin kaming kasal pero ikinahihiya niya pa rin ako. Tanging pamilya lamang namin ang nakakaalam na mag asawa kami.

Nasa probinsiya sila nanay at tatay. Ang alam nila ay masagana, masaya, at marangya ang buhay ko ngayon. Hindi nila alam ang tunay na nangyayari at wala rin akong balak ipaalam sakanila. Kahit papaano ay masaya ako dahil binibigyan sila ni Rod ng pera kada buwan at laking pasasalamat nila sa asawa ko dahil mabait daw at iniisip ang kalagayan nila.

Nay, Tay kung alam niyo lang po ang tunay na nagyayari baka ibalik niyo sakanya lahat ng ibinigay niya, baka kunin niyo ako dito sa siyudad at iuwi diyan sa bahay natin. Sana po huwag kayong magagalit sa pagsisinungaling ko. Mahal na mahal ko po kayo.

Halos anim na oras din akong nalagi sa kusina dahil sa mga putahe na ipinaluto ni Rod para sakanilang magkakaibigan.

Adobo, Lumpia, Pansit, Afritada, Biko, Maja Blanca, Sinigang, at kung ano pa. Ang alam ko ay apat lang silang magbabarkada pero dinaig pa ang pista sa aming probinsiya dahil sa dami ng pinahanda.

Sana ay 'wag nilang sayangin ang mga pagkain na ito.

Napatingin lamang ako sa orasan noong may narinig akong tunog ng makina. Lagpas alas otso na ng gabi?! Bakit hindi ko napansin ang oras?! Agad kong inalis ang apron ko at nagtungo sa pinto upang lumabas.

Nag mamadali ang aking kilos. Hindi ko alam pero sa isiping maabutan ako ni Rod ay nakakatakot kaya mabilis akong naglakad.

Akmang lalabas na akong ng pintuan ng may babaeng sumulpot sa aking harapan.

"Err. Hello? Are you the maid or something?" Sabi nito habang nakataas ang kilay at tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Ha? Eh-" Ngunit nagulantang ako nang marinig ang malakas na boses ni Rod mula sa kusina.

"Kristin bakit ka nandito?! Hindi ba't sabi ko umalis ka na?!"

"Who is she hon?" Napalipat ang tingin ni Rod sa babae at bahagyang kumalma.

"Don't worry hon. Binayaran ko lang siya na katulong para magluto ng pagkain natin." Tumango ang babae sakanya na mukhang naniwala at bumaling muli sa akin.

"Oh kulang pa ba 'yung binayad sa'yo?" Dahil sa takot ay yumuko na lang ako at mabilis na umalis sa harapan nila.

Palakad lakad at hindi alam kung saan patungo. Ala-una na ng umaga pero nandito pa rin ako sa gilid ng kalsada malapit sa bahay namin. Hindi ko alam kung kailan ako pwedeng pumasok dahil mayroon pa ang mga sasakyan ng kaibigan ni Rod.

Napakalamig ng simoy ng hangin tanging maluwag na damit at leggings lamang ang suot ko. Kaunting oras na lamang at makakatulog na ako dito.

Napatingala ako sa itaas ng maramdaman ko ang mumunting patak hanggang sa bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta kaya naglakad na lamang ako at naghanap ng masisilungan kaso wala talaga akong mapuntahan kaya kahit takot na takot ay bumalik na lamang ako sa bahay namin.

Sumakto na pagtapak ng paa ko sa gate ay lumabas din si Rod.

"S-sir? Pwede na po ba akong pumasok?"

"Shit! What the hell are you doing here?!" Pabulong ngunit madiin na sabi niya sabay higit sa brasok ko.

"Aray! Pasensiya na sir p-pero wala na talaga akong masilungan."

"Ganon ba? Baka iniisip mo na sobrang sama ko na Kristin." Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at sa pagkamalumanay ng boses niya na hindi ko man lang napansin na dinala niya ako sa na pakalaking basurahan sa gilid ng bahay namin.

Hindi 'yun agad mapapansin dahil mayroong mga malalaking halaman na nasa harapan ng basurahan.

"Dahil may konting awa pa namang natira sa puso ko. Nakikita mo 'yang tolda sa basurahan? Yan ang gamitin mo para 'di ka mabasa. Subukan mo lang kumatok sa bahay ko na hindi pa nakakaalis ang mga kaibigan ko malilintikan ka talaga sakin!"

VOTE | COMMENT | FOLLOW

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon