TIW 2

12.8K 269 18
                                    

Kristin

Nagpalipas ako ng mahigit isa at kalahating oras bago ako nagpasyang bumaba. Ikinalma mo muna ang aking sarili at sinigurado na walang tao bago ako tumakbo papuntang kusina.

Dahan dahan akong tumungo sa hapag at gano'n na lamang ang panlulumo ko nang nakita kong walang kanin at ulam.

Ganito nalang parati, tinatapon lahat ni Rod sa basurahan ang mga tirang pagkain kahit napaka-dami pa nito. Anong rason? Para lalo akong pahirapan kasi kasalanan ko naman daw ito. Naaalala ko pa ang eksaktong sinabi niya,

"Pakamatay ka na kasi Kristin, 'wag mong pahirapan ang buhay nating lahat."

Hindi ko na ito masyadong binigyan ng pansin dahil mas lalo lamang akong masasaktan. Kailangan kong magpakatatag.

Nasasayangan ako sa mga pagkain, mas mainam na lamang kung ipinamimigay niya ito sa mga bata sa lansangan para mapakinabangan ng iba ngunit impossible iyon sa isang Rod Vindiveil Bezos.

Ramdam ko ang pinaghalong gutom at pagod. Idagdag pa ang sakit ng ulo at katawan.

Napahawak ako sa aking tiyan nang bigla iyong tumunog, kailangan kong kumain. Pero pati ang mga tinapay at ibang pagkain na miryenda ay nasa isang aparador at nakakandado.

Wala na akong ibang pagpipilian, kung hindi ako makakakain ay baka magkaroon pa ako ng matinding sakit at hindi ko mabantayan ang aking anak. Kailangan niya ako at 'di pa ito ang oras para sumuko.

Pikit mata akong lumapit sa basurahan. Pag bukas ko nito ay tumambad sa akin ang tira ng niluto kong tinola at ang masaklap? Pinaghalo ni Rod ang mga tira tirang buto ng manok, toothpick, tissue at ang ulam at kanin na natira.

Gusto ko muling umiyak pero pinipigilan ko, ayaw kong masaktan 'pag narinig niya ang aking mga mumunting hikbi kaya bago pa magbago ang aking isip ay nagmadali na akong pumulot ng isang manok at agaran na sinubo ang karne nito.

Isang manok lang para sa isang buong araw ang kinain ko pero ayos na siguro iyon para hindi ako magkasakit o mahilo. Agad akong naglagay ng tubig sa baso at uminom ng tatlong beses para lang 'wag maduwal.

Lagi nalang ganito, paulit ulit na lang. Oo nakakapagod pero hindi pa ako susuko.

Hindi pa ngayon.

Ngunit alam kong malapit na rin akong masagad dahil lahat ng tao ay may limitasyon na hindi natin alam kung kailan bibigay. Lahat tayo ay nasasaid at nagsasawa sa mga bagay.

Ayoko sanang dumating sa puntong makakaramdam ako ng sobrang galit sa aking asawa. Bago pa maabutan ni Rod ay nagpasya na akong dumiretso sa aking kwarto ko...ang stock room.

Maraming mga gamit dito. Mga kailangan na talagang itapon at wala ng pag gagamitan pa pero ayaw ni Rod. Kaya naman kalahati lamang ng silid na 'to ang pwede kong gawin na kwarto.

Ngunit sa kabila ng kalupitan sa akin ng aking asawa, nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi niya ako sa labas pinatuloy kasama ang mga aso.

Maliban sa mga patapon na gamit na nandito ay mayroon lamang isang napakalumang kama na yari sa kahoy at sira pa ang isang paa. Ito ang nagsisilbing higaan na nilatagan ko lamang ng manipis na kumot.

Napakatigas pero sanay na ako dito sa halos araw araw ba naman na ibinigay sa atin ay dito ako nagpapahinga. Wala ring lalagyan ng damit dito kaya naman lahat ng gamit ko ay nasa isang lumang bag. Ang bag na dala ko noong unang beses pa lang ako dito. Hindi bumili ng mga damit at gamit para sa akin si Rod dahil aksaya lamang.

Ito ang naging buhay ko simula nang mag-apat na taon si Clark noong nakaraang taon. Tutal ay hindi naman na raw ako kailangan ng anak namin, edi dito na raw ako dahil pabigat lang naman daw ako sa buhay nila at isa lamang akong hamak na nanay ng anak niya.

Isang nanay na bobo, palamunin, walang silbi at ignorante.

Wala akong karapatang mag-inarte sa buhay na kinalalagyan ko ngayon, mas mainam na ito. Ang mahalaga ay nasisilayan ko pa ang aming anak.

Noong inaalagaan ko pa si Clark ay sa guest room ako pinapatuloy ni Rod dahil may mga araw na hahanap hanapin ako ni Clark sa kaniyang pagtulog. Doon din siya sa silid ni Rod natutulog dahil na rin sa kagustuhan ng aking asawa.

Pero ngayong limang taon na si Clark, sanay na ito na matulog sa kanyang sariling silid na pinagawa ni Rod. Hindi niya na rin ako hinahanap sa pagtulog.

Masaya akong tanggap ng aking asawa si Clark pero ako? Malabo. Hinding hindi niya ako matatanggap dahil isa akong mababang klase ng babae at may nag mamay-ari na rin ng kanyang puso. Ang babaeng kahit kailan ay hindi ko maabot sa sobrang taas. Ang babaeng laging ikinukumpara sa akin.

Ngunit kahit sana ay may katiting na respeto man lang siyang maibigay sa akin ngunit iyon ay patuloy niyang ipinagkakait. Kapag ba mababa ang edukasyon ay hindi na dapat igalang? Tao rin ako, may emosyon, nasasaktan at nakakaramdam.

Ngunit kahit ano pang ibato sa akin ni Rod ay lalaban pa rin ako para sa pamilya namin. Kaya ko pa at patuloy na kakayanin para sa anak namin.

Ayos lang na iba ang kaniyang mahal, kahit si Karelle ang piliin niya araw araw. Tanggap ko 'yun kasi ang mahalaga para sa akin ay ang kalagayan ni Clark na lubos niyang minamahal.

Roderick Vindiveil Bezos. Hanggang kailan ko ba pagbabayaran ang kasalanan na ikaw ang dahilan? Hindi ako ang nagkamali. Hindi ako ang may gawa ng nangyari.

Hindi ko iyon ginusto ngunit nandito na kami, ito ang naging kapalit ng kaganapan na 'yun. Hindi na maibabalik ang oras, wala nang atrasan dahil nangyari na.

Gusto ko pa rin na mag paliwanag pero mahirap kalabanin ang taong pinaniniwalaan ang gustong paniwalaan para ka lamang nagsusulat sa isang papel gamit ang panulat na walang tinta. Para kang nag papaliwanag sa isang bingi at nag papakita ng larawan sa isang bulag.

Gano'n ang buhay ko, paulit ulit sa loob ng ilang taon sa piling niya mag mula nang maikasal siya sa akin dahil sa isang maling pangyayari.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon