This chapter is for RowenaVillaflor and
bluegurl1719. Salamat sa walang sawang pagsupporta!--
KristinMatulin na lumipas ang ilang araw, bukas na bukas din ay maaari na raw akong makaalis sa ospital dahil nakabawi na ang katawan ko ngunit ang puso ko'y patuloy pa ring nasasaktan at mukhang malabong makabawi sa nangyari.
Sa mga araw na iyon ay tumawag sa akin ang anak kong si Clark at sabi niyang gusto na raw niya akong makita pati ang kaniyang kapatid na tuluyang nagpaiyak sa akin.
Si Rod na lamang ang kumausap kay Clark at sinabing magkakasama sama ulit kami pag nakaalis na ako sa ospital.
Tatlong araw na rin matapos mailibing ang aming pangalawang anak na si Cristina. Walang oras na lumipas na hindi siya napunta sa aking isip.
Kaya naman kahit gabi na ay narito nanaman ako sa kalapit na sementeryo ng ospital kung saan inilibing ang aking anghel.
Agad akong lumapit sa lapida ng anak ko at inalis ang mga tuyong dahon na nahulog dito at inilagay ang lingkis ng iba't ibang bulaklak na pinitas ko sa hardin ng ospital.
In the loving memory of
Christina Garcia Bezos
Born: July 17, 2010
Died: July 17, 2010Anak, masaya ka ba diyan? Ako kasi nalulungkot ako dahil wala ka na sa aking tabi. Sa susunod dadalhin ko dito ang kuya mo para makita ka niya ha? Mahal ka rin ni kuya. Pasensiya na ulit anak kasi 'di kita naingatan pero hahanapan kita ng hustisya anak, kami ng daddy mo. Mahal na mahal ka namin.
Nagtuloy tuloy nanaman ang pagpatak ng mga luha ko na parang kay tagal ng naipon dahil sa dirediretsong pagtulo nito.
Hindi ko pa rin lubos matanggap na nawalan ako ng anak. Ang sakit sa pakiramdam.
Nagpalipas ako ng isang oras mahigit na pananatili doon bago tuluyang nakaramdam ng antok at lamig kaya naisipan ko ng bumalik sa ospital at baka hinahanap na rin ako ng aking asawa.
Paalam muna anak. Babalikan ka ulit ni nanay. Mahal na mahal kita.
Habang naglalakad pabalik sa ospital ay naisip ko ang mga maaaring mangyari na pagbabago lalo na kay Rod. Hindi niya pa rin ako sinasaktan na lubos kong ipinagpapasalamat at sa tingin ko'y hindi na rin siya babalik sa dating Rod na nakasama ko sa iisang bubong. Nandito pa rin sa akin ang pag-asa na magiging maayos ang aming pagsasama kahit wala na si Christina.
Malapit na ako sa entrada ng gusali ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay naulingan ko ang tinig ng dalawang taong nag uusap o mas maayos na sabihing nagsisigawan sa gilid na bahagi ng ospital kung saan walang masyadong nadaan sa ganitong oras.
Mukhang away mag asawa kaya ipinagkibit balikat ko na lamang at balak 'wag pansinin ngunit...
"Why did you do it so soon? May tamang oras para diyan Karell! Hindi iyon ang napagusapang gagawin!" Mahinang pagsigaw nito ngunit ramdam ang diin ng bawat salita.
Karell? si Ms. Karell ba ang kausap niya? at si Rod ba ang nagsasalita? dahil sa kuriosidad ay naisipan kong lumapit at magtago sa isang malaking puno na malapit sa kanilang pwesto para hindi nila ako mapansin.
Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba kaya naman agad din akong aalis kung hindi si Rod ang kaniyang kausap.
"I can't just sit up there and wait forever! Nanganganib na sa ICU ang anak natin Vindiviel!" Pasigaw din namang ganti ni K-karell kay Rod? Sila nga!
"I thought there was a given time? We were given time! Sinabi ng doktor!"
Huh? A-anak? Oras? Ano bang pinag-uusapan nila?
"Bakit apektado ka na ba Vin? Hindi na makapagantay yung anak natin! Kung hindi ka pa gagawa ng paraan, our son might die! That's why I had to do it as soon as possible!" Saad ni Ms. Karell at lumagpak siya sa sahig habang umiiyak.
"Hush love, I'm sorry." Agad naman lumambot ang kaninang galit na ekspresyon ni Rod at agad siyang dinaluhan.
"I just did that because our son needs her child's heart pero hindi ako ang sumagasa sakanya, may inutusan lang ako Vin." Pahina ng pahinang sabi nito pero hindi ito nakalagpas sa pandinig ko.
Siya ang may kasalanan! Narinig ng dalawa kong tenga ang katotohanan!
Sobrang galit ay namayani sa akin na buong buhay ko ngayon ko lang nararamdaman. Nagpupuyos ang aking damdamin, hindi ko lubos maisip na siya ang dahilan ng pagkamatay ng anak ko.
"Walang hiya kayo!" Agad kong pinagsasampal si Rod na unang nahagip ng aking mga kamay para kahit papaano maibsan man lang ang nararamdaman ko pero mas lalo itong nag alab.
Mukhang nagulat ang dalawang ito dahil sa pag eksena ko sa kanilang munting paguusap pero anak ko ang pinag-uusapan! Alam ni Rod ngunit wala man lang siyang ginawa para kay Christina!
"Ang kakapal ng pagmumukha niyo!" Sigaw ko at tinakbo ang distansya namin ni Karell. Agad ko siyang dinamba at dinuro duro.
"Lahat ng pag-iingat ay ginawa ko para sa anak ko pero nang dahil sayo ay hindi ko na siya makakasama! Pinatay mo ang anak ko! Hindi mo alam kung gaano kasakit mawalan ng anak Karell!" Halo halong emosyon ang nararamdaman ko, sa isang iglap nawala ang anak ko.
Halos hindi maipinta ang kanyang pagmumukha dahil hindi siya makalaban sa akin pero wala akong pakialam! Isa siyang mamamatay tao!
"Vindiviel help me here! She's going insane!" Umiiyak na hinaing niya kay Rod. Magsama silang dalawa! Mga walang puso!
"Ang lakas ng loob mo Karell!" Binitiwan ko siya tsaka sinampal, kulang na kulang pa yan sa pagpatay niya sa anghel ko.
"Kristin, tumigil ka na!" Ang walang hiyang Rod. Pinagtatanggol niya pa talaga ang taong pumatay sa anak namin?!
"Isa ka pa! Anak mo rin yung pinatay niya!Anak mo rin 'yun Rod pero bakit ka pumayag na mamatay yung anak natin para sa anak niyo?!" Binigyan ko siya ng isang malutong na sampal.
"Kulang pa yan Rod! Pinagkait niyong makasama ko ang aking anak! Anong puso ang mayroon kayo?! Pinatay mo 'yung anak ko Karell para maligtas 'yang anak mo? Ina ka rin pero bakit ganyan ka mag-isip?!"
"Kristin, I'm sorry." Sambit ni Rod habang nakayakap sa umiiyak na si Karell. Ako yung agrabyado dito pero bakit siya pa ang may ganang umiyak?!
"Sorry?! Naririnig mo ba ang sarili mo? Maibabalik ba niyan yung buhay ng anak ko? Maibabalik niya ba sa akin si Christina?!"
"Rod, ayos lang sa akin na siya yung piliin mo paulit ulit kaysa sa akin. Tanggap ko yun eh pero yung piliin mo yung anak niyo at isakripisyo ang anak natin! Sobrang sakit!" Punong puno na ng emosyon at luha kong banggit.
Sobra sobrang galit ang nararamdaman ko, tuloy tuloy ang pagpatak ng luha. Gustong gusto ko silang saktan pareho!
VOTE | COMMENT | FOLLOW
BINABASA MO ANG
The Illiterate Wife ✔
Romance[R 18+] "Ginusto mo to Kristin. 'Wag na 'wag mong ipapasa sa akin ang kasalanan mo!" Maria Kristin Garcia-Bezos, The Illiterate Wife. Language Used: English/Filipino 🖋 Highest Rankings: #3 in martyr (4/2021) #1 on suffer (4/2020) #1 on abandoned (6...