TIW 19

9.6K 192 27
                                    

Kristin

"R-rod sawang sawa na ko sa buhay na binigay mo kung tutuusin ay kasalanan mo lahat ng ito." Yan ang kahuli-huliang bagay na sinabi ko sakanila bago ako tumalikod.

Umiiyak akong umalis kasama ang isang nars pabalik sa loob ng ospital dahil nagsidatingan na ang mga gwardiya na nakarinig ng aming mga sigawan.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo? Ano pong nangyari?" Sunod sunod na tanong ng nars ngunit mga mumunting hikbi lamang ang naisagot ko.

Blangko at tuliro habang naglalakad. Ito pala ang pakiramdam na buhay ngunit sa kaloob looban ay patay. Napangiti na lamang ako ng mapait, pagod na akong maging kaawa awa sa harapan nila. Pagod na pagod na akong pagbayaran ang kasanalan na hindi ko naman ginawa.

"Ma'am, nandito na po tayo." Marahang pananalita ng nars habang tinuturo ang numero ng aking silid.

Tumango na lamang ako at pumasok sa loob. Hindi ko na magawang ngumiti pa at magpasalamat dahil sa mga natuklasan. Sa isang iglap, nagbago ang lahat.

Ganoon pala iyon. Kapag punong puno ka na ay wala ng magagawa. Kapag narating mo na ang sukdulan mo ay mararamdaman mo na ang pagod ngunit bakit ang sakit sakit?

Ganito ba talaga pag said na said na? Hindi pa ba sapat lahat ng naranasan kong hirap at ang anak ko ang nawala? Kulang pa ba ang lahat ng kalbaryo ko sa kasal na ito?

Paulit ulit kong hinampas ng nakasaradong palad ang aking dibdib nagbabakasakaling makatulong ito sa pagkawala ng sakit ng puso ko ngunit mas lalo lamang lumakas ang aking pighating nadarama.

Ang pamilyang nais ko sanang mabuo ay sira na pala sa simula. Lahat ng pinaniwalaan kong pag asa ay pawang kasinungalingan lang pala. Mga kasinungalingan na ako lang ang naniwala.

Akala ko nagbabago na talaga si Rod pero lahat ng iyon ay para lamang isang palabas na natapos at ito na nga ang hantungan.

Bakit nga ba ako napadpad sa sitwasyon na ito? Simple lang naman ang pamumuhay ko noon. Masaya basta't kasama ang aking pamilya.

Hindi ko maiwasang magbalik tanaw sa pangyayaring sumira sa aking buong pagkatao. Isang pagkakamali na nasa akin ang sisi.

Napatawa na lamang ako ng pagak.

Apat na taon ang nakaraan...

"Saan ang punta mo Kristin?" Pupunta na sana ako sa harapan ng bar para maglinis ng mga kalat na naiwan kagabi ng harangin ako ng aming boss na si sir Ben.

Sa edad na disi-nuwebe ay kinailangan ko ng magtrabaho sa siyudad upang matustusan ang pag aaral ng kapatid ko at pangangailangan ng aking pamilya na naiwan sa probinsiya.

Si sir Ben ay isang maskuladong matandang lalake na puro pambababae ang ginagawa. Wala siyang pamilya base sa mga chismis na narinig ko sa ibang empleyado ng bar kaya ineenjoy niya pa rin ang buhay na parang kabataan.

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon