TIW 20

10.7K 224 31
                                    

Dahil sa kaganapang iyon ay umalis ako sa bar at kinuha ang sampung libong piso kahit na ayaw ko iyong hawakan ay wala na akong ibang pagpipilian. Ipinadala ko sa aking pamilya ang pera at nag-iwan lamang ng dalawang libo para sa renta ko sa kinalalagyan ko ngayon at pati na rin sa ibang pangangailangan.

Wala na akong balita sa estrangherong lalake na gumahasa sa akin at sa naturang bar. Sinikap kong tumayo muli at maghanap ng trabaho ngunit napakahirap nito dahil elementarya lamang ang aking natunton.

Sa pagpupursigi ko pa ay naipasok ko ang aking sarili bilang isang tagalinis sa karinderya na malapit sa aking tinitirahan. Ayos na sa akin ang isaan-daang piso sa isang araw at libre naman na ang tanghalian naming mga empleyado.

"Kristin! Maghugas ka ng plato sa kusina." Utos ng tagaluto dito. Agad naman akong tumango at nagmadaling nilisan ang pwesto.

Kayod diyan, kayod dito. Ganyan ang buhay ko sa lumipas na dalawang buwan. Lahat ay gagawin para sa pamilyang minamahal.

"Uy te, ayos ka lang? Ang putla putla mo." Pagpupuna sa akin ng isang katrabaho.

"A-ah oo nalipasan lang siguro ako ng gutom." Sagot ko at bahagyang ngumiti dahil ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng aking ulo.

Kada-umaga ay ganito ang nangyayari ng sumait ang ikalawang buwan na pagtatrabaho ko rito kung kaya't pinayagan ako ng may-ari na 'wag munang pumasok at mag pahinga muna.

Pangalawang araw ko na itong hindi pumapasok dahil sobrang sama ng aking kalagayan, ipinangako ko sa aking sarili na papasok na ako bukas dahil kinakailangan.

Nalulunod nanaman ako sa sariling isipan ng biglang may kumatok sa aking tinitirahan. Kahit tamad na tamad ay binuksan ko ito at nagulat ng makakita ng isang supistikadang babaeng maganda na may edad na at halatang mayaman.

"M-magandang umaga po. Ano pong maipaglilingkod ko sainyo?" Magalang at nagtatakang tanong ko.

"Iha, ikaw ba si Kristin?" Tanong niya ng may malamyos na boses na parang pagod na pagod.

"O-opo."

"Natatandaan mo pa ba si Ben? May kailangan tayong pagusapan." Saad nito at bahagyang ngumiti ngunit hindi umabot sa mga mata.

Malugod ko siyang pinapasok sa loob at kahit kinakabahan ay pilit kong kinalma ang aking kalooban.

"Pasensya na po at medyo maliit ang apartment." Nahihiyang saad ko sakanya dahil mukhang hindi siya sanay sa ganito.

"Ayos lang iha, huwang kang mag-alala." Sagot naman niya, ngumiti na lamang ako.

"Si sir Ben po ang dati kong boss ma'am." Pag sagot ko naman sa kaniyang katanungan kanina kahit ayaw kong pag-usapan ang boss kong iyon.

"...so you're really her?" Pabulong nitong bigkas na halos hindi ko maintindihan.

"Po?"

"Iha. G-gusto ko munang humingi ng tawad sa iyo bago ang lahat." Ikinabigla ko ang kanyang sinabi dahil ni hindi ko siya kilala at ngayon ko lang nakita.

"Bakit po?" Naguguluhang tanong ko sakanya.

"I'm so sorry Kristin. It was my son, Vin." Nagkaroon ng konting katahimikan bago ko mulinh naramdaman ang sakit, nagtuloy tuloy ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Hinding hindi ko malilimutan ang kaganapang iyon.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng ginang at panghingi ng tawad sa nagawa ng kanyang nag iisang anak. Gustong gusto kong lumayo sa ginang ngunit alam ko sa sarili ko na ibang tao siya sa anak niya.

Nang medyo kumalma na ang aking emosyon ay tinitigan ko lamang ang sahig at hindi nagsalita.

"I'm really sorry Kristin. Anak ko ang nakagawa niyon sa iyo. Hinanap kaagad kita ng malamang ikaw ang babae na iyon mula kay Ben. Pasensya na." Maski ang ginang ay hindi na naitago ang luha ngunit agad nitong pinunasan.

"Huwag kang mag alala pananagutan niya ang bata kung may mabuo man and I'm sorry again but I did a background check on you dahil kailangan kitang makilala."

Tumango na lamang ako at patuloy na nakinig sa kanyang sasabihin.

"Kung may bata man ay kailangan ko kayong ipakasal Kristin pero kung hindi ka pumapayag ay maiintindihan ko iyon at susuportahan na lamang namin kayo financially kasama ang pamilya mo."

Gulong gulo pa ako at mukhang hindi pa naipapasok sa utak ko lahat ng sinasabi ng ginang. Tumahimik nanaman ang paligid at rinig na rinig ang pagbuntong hininga niya.

"I'm sorry nagawa iyon ng anak ko, nakainom siya ng isang klase ng droga na gumagawa ng paraan para mawala sa sarili ang isang tao panandalian at kung gumising man ito kinabukasan ay makakalimutan nito ang kaniyang mga ginawa habang nasa impluwensiya ng droga na iyon."

Hindi ko alam ang iaakto at sasabihin ko sakaniya sobrang gulo ng pag-iisip ko ngayon kung kaya't nanatili akong tahimik at sinusubukang intindihin lahat ng sinasabi niya ngunit hindi ko pa nahuhulma ang lahat sa aking isipan nang muli siyang nag salita.

"Ako nga pala si Gracielle Bezos..."

Bezos? Sila ang may-ari ng kumpanya na bumibili ng aming mga kanin na sinasaka sa probinsya.

"Ako ang ina ni Vin, Rod Vindiveil Bezos."




Ngayon ay masasabi kong mali ang desisyon ko, pumayag ako sa pagpapakasal alang alang sa anak ko pero isa itong malaking pagkakamali. Pagkakamaling hindi na kailan man maayos. Pagkakamaling ikinamatay ni Christina.

Naalala ko pa ang pakiusap at pagluhod sa akin ng kaniyang ina, na kung maaari ay 'wag na 'wag sasabihin kay Rod ang kaniyang nagawa.

Nangako ako na wala akong babangitin kay Rod dahil sa utang na loob ko sa kaniyang ina kaya hanggang ngayon ay ako pa rin ang nagbabayad sa kasalanang siya ang gumawa.

Ang akala ng kaniyang ina ay tanggap ako ni Rod at maayos kaming namumuhay.

Namumuhay sa kasinungalingan.

Si Rod. Siya ang sumira sa buhay niya, hindi ako. Hinding hindi naging ako dahil mismong pamumuhay ko ay siya rin ang sumira.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon