TIW 9

9.1K 188 19
                                    

Kristin

Mukhang sinagad ko ata siya. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao, umaambang suntok ang naghihintay kaya pumikit na lamang ako ngunit...

Matipunong bisig ang yumakap sakin. Napamulagat agad ako at mas lalong napanganga nang mapagtantong ang aking asawa ang nakaakap sa akin.

Gustong gusto kong itong damhin dahil sa kaunaunahang pagkakataon na hindi siya pinilit ng aking anak ay niyakap niya ako.

"Bro?"

Napahiwalay ako sakaniya ng 'di oras. Dito ko nakita ang pinsan niyang si Al na papalapit sa aming pwesto at napagtanto ko rin na kaya niya ako niyakap ay para hindi masira ang kaniyang imahe sa pinsan.

"Ah pasensya na kayo sa istorbo insan at Kristin." Nakangiting bati sa amin ni Al.

"Okay lang Al, pinatahan ko lang si misis dahil sa nangyari kanina na hindi inaasahan. Ayos ka lang ba mahal?"

Natameme akong at hindi nakapagsalita. Napakagandang pakinggan, sana lagi nalang ganito. Sana palaging mabait at mahinahon si Rod, pero nawala ang aking pagiisip nang naramdaman ko na humigpit ang hawak niya sa aking bewang.

"Ahm oo a-ayos lang." Saad ko tsaka ngumiti sa pinsan niya.

"Naks! Insan, 'wag naman sa harapan ko nakakainggit eh, sana all!" Kantyaw muli ni Al sa amin na sobrang lawak na ng ngiti.

Napatawa nalang ng bahagya si Rod at inaya na kami ni Al na bumalik dahil hinahanap na raw kami ni tita- ang ina ni Rod.

Saktong pagbalik namin ay nakita ko agad si tita kaya naman iginala ko ang aking mata para hanapin si Clark ngunit hindi ko mahanap ang aking anak.

"Iha, napakaganda mo ngayong gabi." Pambungad na pananalita ni tita sabay hagkan sa akin.

"Salamat po tita, kayo rin po." Nahihiya ko namang tugon dahil kahit ganito ang estado ko sa buhay ay wala akong narinig na panunumbat sakanya, tinanggap niya ako ng buo na kabaliktaran sa naging trato ng kanyang anak sa akin.

"Naku, sabi ko naman sayo Tin kahit mommy na ang itawag mo sakin diba? Ang tagal tagal ko nang paki-usap niyan sayo, nakakapagtampo anak." Alam ko na dapat mommy ang itawag ko sakanya pero pinagsabihan ako ni Rod dati na wala akong karapatang tawaging mommy ang kanyang ina dahil sampid lang ako sa pamamahay nila.

"Ah eh pasensiya na m-mommy." Nasabi ko na lamang sa mahinang tinig dahil baka makagalitan nanaman ako ng aking asawa.

"Ayan that's more like it Tin." Nakangiting pahayag niya.

"Ma, nasaan pala ang anak ko?" Singit ni Rod sa paguusap namin ng kanyang ina.

"Rod Vindiveil! Anong anak mo? Bakit ikaw lang ba ang gumawa sa apo ko?" Nakataas ang kilay na tanong ng kanyang ina.

"Ma!"

"Don't shout at me, young man. Paparating na sila kasama ang iba mo pang pinsan."

Kayang patiklupin ng asawa ko lahat ng tao maliban sa kanyang ina, 'yun ang napansin ko simula nang magsama kami.

Habang naguusap si Rod at ang kaniyang ina ay nakaramdam ako na kailangan ko magbanyo.

"Mommy, R-od mag babanyo po muna ako."

"Go ahead iha, wag ka nang magpaalam. Dun tayo sa table number one, dumiretso ka na lamang doon mamaya."

"Sige po."

Ilang lakad pa ang ginawa ko bago mahanap ang banyo. Mabilis akong pumasok dito at walang napansin na ibang tao kaya nakahanap agad ako ng bakanteng cubicle. Habang nagaayos sa loob nito ay narinig ko ang usapan ng dalawang babae na kakapasok lamang.

"Nakita mo ba yung asawa ni Rod? Probinsiyanang probinsiyana ang dating ewww. Napakasimple pa ng ayos 'di man lang nag effort mukhang cheap."

"True girl! Mas maganda pa tayo sa asawa niya, ang simple talaga tapos 'di pa marunong gumamit ng knife."

Nakarinig ako ng mapanuyang tawa mula sa dalawang naguusap.

"Buti nalang naghahanap pa rin ng iba si Rod. Alam naman natin na hindi gano'n kababa ang taste niya. Baka napikot lang."

"Napikot lang talaga! Halata namang si Karell ang love ni Rod."

Tuloy tuloy ang paglandas ng luha sa aking mga mata. Hindi ko inintindi lahat ng sinabi nila pero ang alam ko ay kay si Karell ang gusto nilang maging kapamilya.

Wala akong karapatang masaktan pero hindi ko mapigilan. Ginawa ko ang lahat para sa aming pamilya ngunit bakit ganito? Ang hirap na pati sa mata ng iba eh hindi dapat ako ang asawa.

Lumabas ako ng marinig ko ang pag alis ng dalawang babae. Binuksan ko ang gripo at hinayaang umagos katulad ng aking luha.

Bakit ka umiiyak Kristin! Asawa ka lang sa papel at ang anak niyo lang ang nais niyang makasama. Hindi mo siya pagaari kaya wala kang karapatang umiyak at masaktan!

Sinigurado ko munang hindi mababakas sa aking mukha na kakagaling ko sa iyak. Makalipas ang ilang minutong pagaayos at pagpapakalma sa sarili ay lumabas na ako at nagtungo sa aming pwesto.

Pagkaupo ko ay ang ina ni Rod at isang sopistikadang babae ang mukhang naiwan do'n. Kinausap naman ako ni tita habang ang babaeng sopistikada ay tumango lamang sa akin.

"Mommy?" Pagbubukas ko ng panibagong usapan.

"Yes, Tin?"

"Nasaan na po sila Clark?"

"Nan-"

Naputol ang sasabihin ni tita nang may babaeng nagsalita sa aming likuran.

"Amiga! Nandito ka lang pala, may ipapakita sana ako sa iyo." Walang pasabi at bigla na lamang niya hinila patayo si Tita Grace.

Tumingin naman sa akin si tita at humingi ng paumanhin ng walang tunog, ngumiti na lang ako sakanya.

Nang makaalis na sila ay tumahimik na lamang ako at yumuko. Nahihiya akong kausapin ang napakagandang babae na naiwan dito.

"Papunta na sila Max kasama ang anak mo," napaangat ako ng tingin dahil bigla siyang nagsalita.

"Ah-h salamat po, uh..." Kiming sagot ko, nais ko sanang makipagkaibigan.

Tumingin siya pabalik sa akin at itinaas ang kilay na parang kinikilatis ang itsura ko.

"Ikaw si Kristin, right?" Tanong niya habang nakaturo pa sa akin.

"Opo, ako po si Kristin. Kayo po?" Nakangiting sagot ko sakanya dahil akala ko makakahanap ako ng kaibigan dito pero mukhang nagkakamali pala ako...

"Ayos na sana si Karell noon, kaawa-awang Rod, sa isang basura pa napunta. Tsk." Sabi niya sa akin bago ako iniwang nagiisa.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon