Kristin
Weeks passed and everything went in accordance with my plans or so I thought.
Bumalik muli ako sa kumpanya para asikasuhin ang mga glassware na ipapadala sa restaurant namin at susunod na lamang si Aaron dahil inasikaso niya pa ang mga papeles na ipapapirma sa Bezos Inc.
Abala ako sa pagpipili ng mga designs na ipapasok nang biglang lumitaw ang isa sa mga lalakeng empleyado sa tabi ko.
"Good morning po. Ma'am Kristin, pinapatawag po kayo ni Mr. Bezos." Magalang na pagbibigay alam niya sa akin.
"Bakit? May meeting ba ngayon?" Ang alam ko kasi ay wala naman kaming dapat pag-usapan pa dahil ayos na lahat at pirma nalang ang kulang.
"Wala pong meeting ngayon ma'am pero may dapat daw po kayong pag-usapan ni sir." Nagtaka man ay pumayag na lamang akong makipag-usap might as well take this chance for us to talk.
"Ah sige, Thank you. I'll be there in a second." Ngumiti ang empleyado at umalis habang ako naman ay naghanda para sa aming pag-uusap ni Rod. Agad akong sumakay sa elevator at dumiretso sa kaniyang opisina, kumatok muna bago pumasok dahil wala si Karell.
"Pinapatawag niyo daw ako sir?" I had to emphasize the word 'sir' just great. One word and it brings a lot of memories back.
Itinaas ni Rod ang kaniyang tingin sa aking pwesto, then he motioned me to seat in front of his desk.
"Kristin, I'll be frank. I want to be with my son." Diretsyahang pahayag niya na wala man lang kahiya hiya sa katawan. I immediately fixed my composure as I look at him straight in the eyes.
"Aren't you with him already? Your son with Karell?" I didn't plan to make it sound bitter but it came out like that.
"You know what I mean!" Dinig na dinig sa kaniyang opisina ang malakas niyang boses na parang kaunti nalang ay magbabato na siya ng mga bagay. Still, it had no effect on me. Hindi na ako takot sa isang Rod Vindiveil Bezos.
"Bakit ayaw mo rin bang makasama si Christina at nagawa mo siyang patayin?" I said those words with so much disappointment visible in my voice. I can't contain my anger.
Agad siyang natahimik at parang nasaktan sa sinabi ko.
Nasaktan? I doubt, it was just my mind palying with me. Ni hindi nga niya pinakulong 'yung kabit niya eh. He didn't do anything for our daughter tapos masasaktan siya?
"I want to talk with Clark. I have my rights as his father." Ibinalik niya ang usapan kay Clark at mukhang walang balak tumigil hangga't hindi niya nakakausap ang anak ko.
But I know my son isn't ready for this. The trauma that Rod caused might trigger my son again and I don't want that to happen.
Sabay kaming napatingin sa pintuan nang bumukas iyon at iniluwa si Aaron na may hawak na mga dokumento.
"What's happening here? Are you alright?" Dinaluhan niya ako at hinila papalapit sakanya. I can sense that he is being protective with me, maybe even scared that he is late and Rod already did something to me.
"And what brings you here, Chef Aaron Villamor?" Nabaling ang tingin namin kay Rod na mukhang hindi nasisiyahan sa nangyayari.
"Excuse me sir but we have to go." Bilang boss ay magalang pa rin akong nag paalam sakanya kahit na hindi siya kagalang galang ngunit bago pa man kami makaalis ni Aaron ay nagsalita muli si Rod.
"Ano nga ba ang pakiramdam na maging ama amahan lang?" He said those words mocking Aaron, hihilain ko na sana si Aaron paalis ngunit mukhang 'di na siya nakapagtimpi pa.
"Why don't you ask that to yourself?" Aaron's voice was full of coldness and I know that this would be the first time he'll snap at Rod. Hindi pinansin ni Rod ang sinagot sakanya at mukhang gusto niyang magkaroon ng away sa pagitan nila.
"Ito na ba ang kinikilalang ama ni Clark? To tell you what, I'm still his father no matter what happens. Ako pa rin ang kaniyang ama." He smirked at us before turning his back at bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ni Aaron.
"Father?" Tumawa siya ng pagak.
"You wished for his happiness but you gave him trauma." Aaron's words made Rod look at us again with confusion all over his face.
"Hindi mo alam 'yung pinagdaanan ni Clark dahil sa mga pinaggagagawa mo. You think he didn't know that you were hurting Kristin? Just to inform you little piece of shit, he knows everything. Nakita niya ang mga pananakit mo, the emotional trauma that you caused scarred him."
Rod went silent after hearing those words, akala ko matatauhan na siya ngunit halatang hindi siya naniwala sa sinabi ni Aaron kahit 'yun ang katotohanan.
Katulad pa rin siya ng dati, Sarado pa rin ang kaniyang isip.
He still choose to believe what he wants to.
"You know nothing! Bakit hindi mo nalang pagtuunan ng pansin yang anak mo? Hanapin mo ang nanay niya at hindi 'yung kailangan mo pang makisawsaw sa problema ng iba." I was shocked that he knew about that. It is a very sensitive topic for Aaron and Rod said it as if he doesn't give a damn.
I felt Aaron tensed up behind me and I knew that the statement made him really mad.
"You fucker!" Nagulat na lamang ako ng umamba ng suntok si Aaron papunta sa pwesto ni Rod.
"Aaron!" I hugged him from behind to prevent the fight that is about to happen.
"What a scene." Rod said with a smile at mukhang mag sasalita pa sana pero pinatigil ko na siya. I had enough with his attitude. I had enough with him.
"Stop it Rod! Ang lakas mong magpa-imbestiga sa buhay ng iba pero sariling kabit mo 'di mo pinaimbestigahan? You really are dumb after all these years! Hindi ka man lang nagduda kay Karell? Well congratulations, either katangahan mo 'yan o true love."
Maybe its time to put some sense into him. Maybe it's time for him to regret his actions and decisions over the past years.
"Kung magpapaimbestiga ka sa buhay namin kumpletuhin mo na at idagdag mo na rin ang buhay niyo."
VOTE | COMMENT | FOLLOW
BINABASA MO ANG
The Illiterate Wife ✔
Любовные романы[R 18+] "Ginusto mo to Kristin. 'Wag na 'wag mong ipapasa sa akin ang kasalanan mo!" Maria Kristin Garcia-Bezos, The Illiterate Wife. Language Used: English/Filipino 🖋 Highest Rankings: #3 in martyr (4/2021) #1 on suffer (4/2020) #1 on abandoned (6...