Kristin
Isang malakas na sampal ang gumising sa akin at nagpabalik sa mapait na realidad.
Pupungas pungas akong nag bukas ng mga mata at ang galit na si Rod ang nabungaran ko pag mulat ko ng aking mga mata.Hindi ko pa napoproseso lahat ng nangyayari nang makarinig nanaman ako ng isang nakakabinging sigaw na nakadirekta sa aking kaliwang tenga.
"Anong oras na natutulog ka pa rin?! Baka gusto mong dyan na manirahan?! Tutal bagay ka naman diyan." Panunuya niyang sabi. Gano'n na ba ako ka-mukhang basura sa paningin ni Rod?
"Ano 'di ka magsasalita? Bobo na nga, pipe pa?" Iritang tanong niya muli.
"P-pasensya na sir." Nakayukong pahayag ko dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niyang matalim. Naramdaman kong tumahimik ang paligid at akala ko tapos na pero...
"R-od! Tama na!" Iyak ko habang kinakaladkad niya ako papasok ng bahay niya.
Dinig ang palahaw at pag mamakaawa ko sa apat na sulok ng bahay ngunit katulad ng dati, nag patuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa.
Wala akong magawa kun'di umiyak. Hindi ko siya kayang labanan. Hinding hindi ko kaya. Mahina ako at 'yun ang parati niyang pinapamukha sa akin. Gusto kong ipaglaban ang sarili ko pero paano?
"Sir! Tama na po!" Sobrang sakit, mapa-pisikal at emosyonal. Hindi ko alam na hahantong lahat sa ganito.
Kung alam ko lang sana. Sana hindi ako pumayag sa kasal na naganap.
"Anong oras na?! Nakikita mo ba?! Malapit nang mag alas diyes ng umaga pero natutulog ka pa rin?! Gutom na gutom na kami ng anak ko tangina ka talagang babae ka, wala kang kwenta!" Pagalit na sigaw niya habang dinuduro ako.
"S-sir pasensya na po talaga," lagi na lang na ako ang mali kahit wala akong ginagawang mali. Lagi na lang akong nag papasensiya sa relasyon na 'to.
"Magluto ka ng makakain. 'Wag na 'wag kang kakain o kahit sumubo man lang kundi malilintikan ka sakin. Naiintindihan mo ba?!" Ramdam ko ang kaseryosohan sa bawat salita na kaniyang binitawan kaya naman pumayag muli ako sa kaniyang kagustuhan.
"Opo sir." Takot na takot ako sa sarili kong asawa. Hindi ko pinangarap ang ganitong buhay. Iba ito sa nakikita ko kila mama at papa noong ako'y nasa probinsiya pa.
Agad akong nagtungo sa kusina. Sa unang tingin ay parang binagyo ang bahay ni Rod sa sobrang gulo. Nagkalat ang basura kung saan saan at may mga bote pa ng alak na itinabi lang sa gilid pero mamaya ko na iyon iisipin. Ang mahalaga ay makapagluto muna ako ng agahan para sa aking mag ama.
Minsan napapaisip ako kung ano nga ba ako sa pamilyang ito. Para sa akin ay isang ina na nagmamahal lamang ngunit para sa aking asawa ay isa akong pabigat na katulong lang.
"Hey stupid, will you make it fast?" Nagitla ako sa biglang pagsulpot ni Rod sa aking tabi.
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Sa sinabi niyang iyon ay 'stupid' lang ang naintindihan ko. Masyadong matulin at diretso ang kanyang pagkakasabi. At oo, tama naman siya. Isa akong bobo sa pamamahay na ito.
"Ah oo nga pala, nakalimutan ko bobo ka pala." Sabi niya na may kasamang panunuya nanaman.
Masakit. Pero wala akong magawa dahil tama naman si Rod.
"S-sir tawagin mo na si Clark, malapit na po itong matapos." Pag-iiba ko na lamang sa usapan para matapos na. Mas binilisan ko pa ang pagkilos upang maihanda na ang hapag.
Lumipas ang ilang minuto at nakita ko ang aking anak na tumatakbo papalapit sa akin.
"Mommy ko! Good morning po." Patakbong sigaw ng aking anak. Naramdaman ko ang maliit niyang mga kamay na yumakap sa aking bewang.
"Magandang umaga anak. Kain na kayo ng daddy mo oh." Niyakap ko si Clark pabalik at hinalikan sa pisngi. Buo na lagi ang araw ko masilayan lang ang ngiti ng aking anak.
Humagikgik ang aking anak bago pumunta sa pwesto ni Rod na nakamasid sa amin.
"Good morning daddy!" Magiliw na pagkausap niya sa kaniyang ama na biglang bumait at huminahon ang itsura kumpara kanina nang ako lang ang kanyang kaharap at kausap.
"Good morning son." Matipid na sagot ni Rod at binuhat paupo si Clark sa silya sa hapag.
Inihanda ko na ang putahe at mga kubyertos para sa agahan at handa na sana akong umalis sa kanilang harapan pero,
"Mommy sabay ka na po." Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Clark at pinapaupo katabi niya at kaharap ang kaniyang ama.
Alam kong bawal akong makisabay sakanila kaya naman pinigilan ko ito at tsaka sinabi na kumain na ako kanina pero sadiyang makulit ang aming anak.
"Mommy ngayon lang please po? Lagi ka po hindi sumasabay sa amin 'pagkakain po," Maririnig ang kalungkutan sa boses ni Clark. Gustuhin ko mang sumabay ay natatakot akonsa maaaring gawin ni Rod.
Kinakabahan ako nang maramdaman ang matalim na titig ni Rod sa akin pero hindi ko pa rin maipagkakaila na nagugutom ako ng sobra dahil hindi rin ako kumain kagabi.
"Kristin, join us. Maupo ka na," nagulat ako sa biglang sinabi ni Rod, pinapayagan na niya akong kumain kasabay sila!
"Ho?" Hindi ako makapaniwala, kailangan kong manigurado dahil baka guni guni ko lang 'yun.
Muling tumingin sa akin si Rod gamit ang kaniyang nakakamatay na titig.
"A-ah oo anak! Kakain ulit si nanay." Masayang pahayag ko dahil ngayon lang ulit ako makakakain ng maayos.
Pagka-upo ko ay nag usal si Clark ng maikling dasal at nag simula ng kumain. Sa sobrang pagkagutom ko ay wala na akong paki-alam kung gaano karaming pagkain ang aking nilagay sa plato.
Kuha lang ako ng kuha, subo diyan at doon. Pakiramdam ko ay mawawala ang mga pagkain pag di ko agad sila isinubo.
"Mommy, akala ko nag breakfast ka na po? Seems like gutom na gutom po kayo eh." Agad akong napatigil sa pagsubo ng marinig ko ang tanong ng aking anak.
At impit akong napahiyaw nang maramdaman ang paa ni Rod na naka sapatos ng makapal na inaapakan ang paa ko.
VOTE | COMMENT | FOLLOW
BINABASA MO ANG
The Illiterate Wife ✔
Romance[R 18+] "Ginusto mo to Kristin. 'Wag na 'wag mong ipapasa sa akin ang kasalanan mo!" Maria Kristin Garcia-Bezos, The Illiterate Wife. Language Used: English/Filipino 🖋 Highest Rankings: #3 in martyr (4/2021) #1 on suffer (4/2020) #1 on abandoned (6...