Kristin
Hindi pa rin ako mapakali buhat nang makabalik ako sa pamamahay ni Rod. Kailangan kong ipaalam sakaniya ang pagbubuntis ko, kailangan ko ng tulong niya para sa kalagayan ng anak namin ngayon.
Nag-iisip pa rin ako ng paraan para magawan ng solusyon ang aking pagbubuntis hanggang sa nakarinig ako ng ugong ng sasakyan papalapit sa bahay.
Nandito na sila, si Rod at Clark!
Pagbukas ng pinto ay tumakbo agad ang aking anak papalapit sa akin, mabuti na lang at wala si Ms. Karell.
"Mommy, I miss you! Sayang po hindi ka nakasama sa amin at si tita Karell po ang kasama namin. Sabi po kasi ni daddy masama daw po pakiramdam niyo kaya nagpaiwan kayo." Napatawa nalang ako dahil napakabibo ng anak ko.
Talaga nga namang gumawa pa ng paraan si Rod para hindi magtaka ang anak namin.
"Hinay hinay ka naman sa pagsasalita anak."
"Sorry po, mommy ko."
"Mabuti at nagustuhan mo ang pinuntahan niyo anak tsaka oo sumama kasi ang pakiramdam ni nanay kaya 'di na ako nakasunod." Pagpapaliwanag ko kay Clark habang magkahawak ang aming mga kamay patungo sa loob ng bahay.
"Mommy, okay ka na po?"
"Oo naman, nakita na kita eh. Halika nga dito." Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo, hindi ko na napansin ang aking asawa hanggang sa tumikhim siya.
Pansin ko rin ang pananahimik niya kanina pa, mukhang may problema siyang kinakaharap ngayon. Tungkol kaya ito sa kaniyang kumpanya?
Gusto ko sanang mag tanong ngunit baka hindi rin niya ako sagutin kaya nanahimik na lamang ako.
"Ah nagugutom na ba k-kayo?"
"Ako po mommy opo, si daddy po hindi ko po alam."
Tumingin ako kay Rod at hinintay ang sasabihin niya.
"Yes." Maikling saad niya.
"S-sige magluluto ako, mag ayos muna kayo sa itaas at magpahinga tsaka ko kayo tatawagin." Sabi ko nalang kahit na nakakapagtaka ang kilos ni Rod.
Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin at halatang halata ang pagkalukot ng kaniyang mukha.
"Okay po mommy! Tara na po daddy." Lihim akong nagpasalamat kay Clark dahil kung wala siya ay hindi ko alam kung paano papakitunguhan ang kaniyang ama.
Inihanda ko na ang mga rekados sa pag gawa ng afritada. Sinimulan ko na rin na mag saing ng kanin habang inaayos ang aking sasabihin kay Rod.
Paulit ulit akong nag isip kung paano ko sasabihin kay Rod na nagdadalang tao ulit ako. Alam kong may problema siya dahil nararamdaman ko iyon pero hindi na ako makakapagantay na sabihin ang balita sakanya dahil baka mapano pa ang anak namin kung ipinagpaliban ko ang pag balita.
Habang niluluto ko ang karne ng baboy ay nahihinuha ko na ang reaksiyon ni Rod na baka mas lalo niya akong kamuhian at hilingin na mamatay nalang.
Hindi ko alam kung matatanggap niya ang pangalawang anak namin katulad ng pangtanggap niya kay Clark.
Kahit natatakot ako ay kailangan kong ipaalam sakanya dahil kailangan ko ng tulong niya para sa anak namin. Kailangan siya ng anak namin.
Makalipas ang ilang minutong pakikipagdebate sa aking sarili ay nakapagdesisyon na ako, sasabihin ko ito sakaniya pagkatapos namin kumain.
Kumatok muna ako sa kwarto ng aking mag ama bago tuluyang pumasok, nakita ko naman na nagkukulitan silang dalawa kaya napangiti nalang ako. Ayos lang ako basta maayos ang kalagayan ng mga anak ko.
"Anak, Rod halina kayo kakain na." Sabay silang tumingin sa akin at nauna sa paglalakad habang ako ay nakasunod lamang.
"Mommy, sabay ka sa amin kasi namiss po kita." Umiling na lamang ako sa anak ko habang nakangiti dahil ayokong magbunga ang pakikisabay ko sakanila ng panibagong pananakit.
Pero mapilit ang anak ko kaya tumingin muna ako kay Rod na agad akong tinanguan. Nagulat man ay pinili kong manahimik nalang at umupo sa kaharap niyang silya.
Nakakapanibago ang kaniyang kinikilos parang may mali. Kumain kami na mga kubyertos lang ang maririnig.
"Mommy, sharap!"
"Anak wag magsalita ng puno ang bibig ha pero salamat baby ko."
Dinadahan dahan kong kumain dahil baka magalit muli si Rod hanggang sa natapos na kaming kumain ay wala pa rin akong naririnig na salita mula kay Rod. Tahimik lang siyang kumain at dumiretso agad sa sala nang matapos.
Naiwan si Clark na kasama ko at nagpresinta pang tumulong sa paglilinis ang aking anak pero sabi ko ay sundan na niya ang kaniyang ama.
Pagkatapos kong ayusin at linisin lahat ng mga nagamit sumunod ako sala. Ngayon ko na balak sabihin sakaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko habang abala sa panonood ng cartoons ang aming anak.
"R-rod? may nais a-akong sabihin." Kailangan kong labanan ang kaba dahil siya nalang ang matatakbuhan ko ngayon. Tinignan niya lang ako sandali tsaka nagsalita.
"Ano 'yun?" Nakakapanibago talaga ang pagkalumanay ngayon ng boses niya. Ni hindi niya ako sinigawan pero sabagay malapit lang pala ang pwesto ng anak namin.
Huminga ako ng malalim kasabay nang pagyuko.
"B-buntis ako."
Nag antay ako ng ilang segundo pero wala akong narinig na reaksyon mula sakanya. Sa pag angat ng ulo ko ay nakita ko siyang natulala sabay tayo at tingin sa akin.
"Ano?! Buntis ka?!" Napaigtad naman ako at agad na pumikit. Naghintay ako ng kasunod na pananakit at sampal pero wala akong natanggap.
Sa muli kong pagtingin kay Rod ay nakita ko siyang nakangiti? Hanggang sa ito ay naging tawa at luha?
Totoo ba ito? Hindi ba ako namamalikmata o nananaginip?
"Buntis ka Kristin! Yes!" Hindi ako makapaniwalang ganito ang magiging reaksiyon niya, ibang iba sa inaasahan ko dahil hindi rin ganito ang reaksiyon niya noong nalaman niyang ipinagbubuntis ko si Clark.
Dahil sa pagiisip ay hindi ko namalayan ang paglapit ni Clark sa aming pwesto.
"Daddy? Bakit ka po umiiyak?" Takang tanong ni Clark maski ako ay nagtataka rin. Nakakapanibago. Sana'y hindi ito isang panaginip!
Hindi ko pa napoproseso ang lahat pero mas nagulantang ako sa sagot niya sa katanungan ng anak namin...
"I'm just happy son. Masayang masaya si daddy."
---
A/N: Ano nga ba ang susunod na mangyayari sa buhay nila? Ito ba ay indikasyon ng kasiyahan o panibago nanamang kalungkutan?VOTE | COMMENT | FOLLOW
BINABASA MO ANG
The Illiterate Wife ✔
Romance[R 18+] "Ginusto mo to Kristin. 'Wag na 'wag mong ipapasa sa akin ang kasalanan mo!" Maria Kristin Garcia-Bezos, The Illiterate Wife. Language Used: English/Filipino 🖋 Highest Rankings: #3 in martyr (4/2021) #1 on suffer (4/2020) #1 on abandoned (6...