TIW 11

9.3K 206 21
                                    

Kristin

Ito na ang tamang pagkakataon para malaman ang kalagayan ng aking ikalawang anak dahil wala pa sila Rod mula ng magbakasyon sila. Hindi pa sila bumabalik.

Kahit papaano ay may naitabi ako na singkwenta para sa aking pamasahe papunta at pabalik. Matapos kong maligo at magpalit agad akong umalis sa bahay at pumunta sa terminal ng mga dyip. Mabuti na lamang at maluwag pa ang sinakyan kong dyip.

Ngayon palang ay naaawa na ako sa anak ko dahil wala akong pera para ipatingin siya sa isang pribadong ospital. Alam kong may mali sa pagbubuntis ko ngayon, halata ito para sa akin.

"Manong, para po. Salamat." Pagkababa ko sa dyip ay pila ng mga tao ang unang bumungad sa akin. Kung gaano kaluwag sa dyip ay kabaliktaran naman nito ang destinasyon ko ngayon.

Dito nalang siguro muna ako sa isang pampublikong ospital, ang mahalaga ay malaman ko kung maayos ba ang kalagayan ng anak ko o hindi. Matapos ang pagtatanong ay pumila na ako para sa pila ng mga buntis.

Mainit, dikit dikit at halos abutin ako ng isa at kalahating oras para maka dating sa unahan ng pila. Mayro'n pang nagalit sa akin dahil hindi naman daw ako buntis. Tiniis ko lahat ng 'yun at buti na rin na 'di ako namukhaan bilang asawa ni Rod Vindiviel Bezos dahil sa ayos ko.

Isang lumang damit at pajama nagsuot na rin ako ng pantakip sa bibig. Natatakot ako dahil kung nagkataon na malaman ni Rod na umalis ako sa bahay ay baka magalit nanaman siya sa akin.

Pagkapasok ko sa loob ng isang silid ay may babaeng doktor na nakaabang sa akin.

"May ID ka miss?" Magalang na tanong niya sa akin.

"Uhm meron po dok. Ito po." Iniabot ko naman sakaniya ang nag iisang ID na mayro'n ako.

"Maria Kristin Garcia Bezos? Kaano ano mo ang mga Bezos?" Kinabahan man ay pinili ko na lamang na sumagot ng isang kasinungalingan dahil ayaw ko ng bigyan ng kahihiyan ang mga Bezos.

"Uhm. wala po dok nagkataon lang po na kaapelido ko." Kiming sagot ko sakaniya.

"Ahh okay sige miss. Ano nga pala ang problema sa kalusugan mo?" Sabi nito at bumalik na sa kanyang upuan tsaka itinuro ang kaharap na upuan kaya naupo ako do'n.

"Dok, hindi man po halata pero buntis po ako. Gusto ko po sanang malaman ang kalagayan ng bata. Sinubukan ko na rin pong gumamit ng tatlong pregnancy test at puro positibo po lahat." Gustong gusto ko ng malaman ang problema dahil alam kong meron, noong ipinagbubuntis ko si Clark ay hindi ganito ang sinapupunan ko.

"Kailan ka huling dinatnan Kristin?" Nagsimula na ang doktora sa pag examine sa aking katawan.

"Noong nakaraang buwan pa po."

"So estimated month of pregnancy mo ay 2 and a half month, pero pagkatungtong ng ikalawang buwan ay dapat kakakitaan ka na ng maliit na baby bump pero wala sayo sobrang nipis ng tiyan mo. Are you having your food intake in the suggested time?"

"P-po? Pasensya na po 'di po ako masyadong nakakaintindi ng ingles." Nahihiyang pahayag ko. Siguro nga tama si Rod, simpleng bagay pero napaka bobo ko.

"Oh sorry, pasensya na miss. Nakakain ka ba sa tamang oras?"

"H-hindi po, dok." Tumango ang doktora sa aking naging turan at mas sinuri ako.

"Kristin, magsasagawa ako ng ultrasound sayo dahil tingin ko ay may problema sa pagbubuntis mo."

"Pero dok, wala po akong pambayad." Mahinang sagot ko, napayuko nalang ako habang nagiisip ng paraan kung paano ako makakakuha ng pera para sa kaligtasan ng anak ko.

"Ayos lang iha. Bayad na ng barangay na ito lahat ng gastos para sa kalusugan ng kanilang mga mamamayan. Tamang tama ay nakahabol ka dahil bukas na magtatapos ang palibre ng mayor."

"S-salamat po." Tipid na ngumiti ang doktor sa sinabi ko.

"Mahiga ka na Kristin para makita natin ang problema."

Naglagay ng gel ang doktor sa sinapupunan ko tiyaka sinimulang ihagod.

Ang anak ko...

"Bumababa agad ang heart rate ng bata miss."

"Dok, ano pong problema?" Ngunit imbis na sagutin ay umiling na lamang siya ng kaunti na nagpakaba sa akin ng tuluyan.

"Nakakaramdam ka ba ng pananakit ng lower abdomen o sa ibaba ng tiyan mo?" Patuloy siya sa paghagod ng bagay sa aking tiyan, ang mga mata niya ay tutok na tutok dito.

"May dalawang beses po na nangyari iyon dok. K-kahit po wala akong ginagawa." Tumango sa akin ang doktora at agad binalikan ang pag ekspeksyon sa aking sinapupunan.

Matapos iyon, pinagtimbang ako ng doktor sa 'di ko malaman na dahilan.

40 kilos para sa 5'5 na babae. Kulang na kulang ang aking timbang. Ang isipin pang may dala dala akong bata ay nakakapanlumo. Sobrang kulang daw ako sa nutrisyon, 'yan ang sinabi ng doktora.

Nang natapos na lahat lahat ng katanungan para sa akin ay muli niya akong pinaupo habang may tinitipa siya sa isang computer.

"Misis, ang unang masasabi ko sa kalagayan mo ay meron kang oligohydramnios, mababa ang volume fluid ng amniotic sac mo misis."

"Pasensya na dom, 'di ko po kayo maintindihan." Hindi ko man naintindihan ang ibig sabihin pero alam kong seryoso ang bagay na iyon.

"Ipapaliwanag ko nalang miss, ang amniotic fluid ay prinoprotektahan nito ang anak mo sa loob ng iyong sinapupunan, ito din ang nagbibigay sustansya sa pagbuo ng fetus na tumutulong sa paglaki nito. Ngayon, mababa ang amniotic fluid mo na nakakaapekto sa heart rate ng bata." Mahaba at malumanay na lintaya niya sa akin.

"Ano po ang pwede kong gawin dok?" Nakakapanlumo, kailangan ko ng tulong ni Rod ngayon. Sana ay hindi niya ipagkait ito para sa anak namin.

"Maaari kang mag intake ng maternal re-hydration with oral fluids or IV fluids at mga irereseta kong bitamina pero unang findings palang ito at hindi pa ito sigurado, mas maganda sana Kristin kung sa pribadong ospital ka pupunta dahil mas kumpleto sila sa kagamitan."

Paano na ang anak ko?

"Miss Kristin, kailangan mo ring magdahan dahan dahil mukhang mahina ang kapit ng anak mo."

VOTE | COMMENT | FOLLOW

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon