TIW 17

9.4K 199 26
                                    

Kristin

Dahan dahang kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Sandali kong ipinikit ang aking mga mata bago binuksan muli dahil napakaliwanag ng silid na aking kinaroroonan.

Hindi ko pa maproseso ang lahat. Pakiramdam ko ay nahugot lahat ng aking lakas.

Parang may naiiba. Muli kong inilibot ang aking mga mata sa paligid at napagtantong nandito ako sa isang pribadong ospital. Ang anak ko!

Agad kong kinapa ang aking tiyan at...

Saktong bumukas ang pinto at niluwa niyon si Rod na naglalakad, seryoso at masama ang timpla.

"Rod, nasaan ang anak natin?!" Halos mabaliw na ako kakaisip sa mga posibleng nangyari. 'Yung anak namin.

"I'm very sorry, Kristin." Ang kabang nararamdaman ko ay mas dumoble dahil sa natanggap kong sagot.

Hindi ko na napigilan ang halo halong emosyon na nararamdam ko.

"H-hindi Rod, kasama lang natin siya kanina. A-anak ko, kasama ka pa ni nanay diba? Anak." Pagkausap ko sa aking tiyan.

Naramdaman ko ang paglapit ni Rod at ang biglaan niyang pag yakap sa akin na ngayon niya lang kailanman ginawa.

"I'm sorry, h-hindi na nagawang iligtas ang bata." Nakayukong pahayag nito habang humihigpit ang pagkakayakap sa akin.

Nawalan ako ng isang anghel na hindi man lang nasilayan ang mundo.

"R-rod yung anak natin." Patuloy lang ang pag-aalo niya sa akin.

Anak...

Lumuluha akong napatingin sakaniya ngunit siya ay nakatingin lamang sa sahig at umiiling iling.

"Apat na buwan nalang mahigit makakasama na natin siya, b-bakit ngayon pa?" Patuloy lamang ang pagtulo ng mga masasaganang luha mula sa aking mga mata.

Hindi ko matanggap na ang anak kong iningatan ko ay mawawala nalang sa isang iglap. Napakasakit sa aking parte bilang isang ina.

"I'm sorry Kristin but you have to tell me, anong nangyari?"

Mag kayakap lang kami ni Rod buong magdamag hanggang sa naalala ko ang motosiklo na sinadya akong banggain.

"Rod pinatay niya yung anak natin!" Galit. Sobrang galit. 'Yun ang nararamdaman ko sa ngayon.

"What?" Madiin na bigkas niya. Mas lalong dumilim ang kaniyang aura.

"M-may motorsiklo na kulay itim, tatawirin ko na sana yung daan pero tumigil ito at kalaunan ay sumenyas na tumawid na ako. Malapit ko ng maabot ang dulong bahagi ng tawiran pero bigla itong humarurot papunta sa akin." Napaka-blangko ng pakiramdam ko ngayon. Kailangan niyang magbayad. Siya ang pumatay sa anak namin!

"Fuck!" Gulat na gulat na sagot nito. Tumingin ako sakanya.

"Kristin, nakita mo man lang ba ang plaka ng sasakyan?" Mahinahong ngunit madiin na tanong nito sa akin ngunit iling lamang ang aking naisagot dahil walang plaka ang sasakyang bumangga sa akin.

"Walang plaka ang motor Rod pero kailangan niyang makulong! A-anak natin yun Rod." Pagsusumamo ko sakanya, hindi ko na alam ang aking gagawin.

"I'll do everything to find that culprit. Gagawin ko ang lahat, Kristin." Madiin na bigkas nito sa mga kataga.

Tahimik na lamang muli akong umiyak sa tabi ng aking asawa hanggang sa nakarinig kami ng tatlong katok mula sa pinto na agad ding dinaluhan ni Rod.

"Excuse me, Ms. Garcia? I'm so sorry for your loss, the baby didn't make it. Masyadong malakas ang pagkakahulog mo, hindi kinaya ng katawan mo na suportahan ang bata. I'm very sorry." Mas lalo akong naiyak sa naging pahayag ng doktor. Wala na, wala na ang aking anghel.

"I know you're having a hard time pero kakailanganin mo munang maconfine dito sa ospital dahil hindi pa kakayanin ng katawan mo ang lumabas."

Hindi ko kinaya. Sa lahat ng sinabi ng doktor ay iyong tungkol lang sa aking anak ang nanatili sa akin. Ni hindi ko na inintindi ang ibang sinabi niya.

"Dok, p-pwede ko po bang makita kahit ang labi lang ng anak ko?" Umaasang sambit ko kahit ngayon lang sana masilayan ko ang bata. Kahit ngayon na wala na siya.

Halo halong emosyon ang dumadagsa sa puso ko ngayon pero nanunuot doon ang sakit at galit.

"Of course, we'll let you see the baby in a bit." Saad nito at bahagyang yumuko bago lumabas sa aming kinaroroonan.

Natahimik muna ako saglit at sandaling tumingin sa itaas.

Kaunti nalang eh anak, abot kamay ka na ni mama pero bakit naman ang aga kang kinuha sa akin? Magsisimula sana muli ang ating pamilya pero ngayong wala ka na ay mukhang malabo ng mangyari iyon. Anak ko, mahal na mahal kita.

Matapos ang matagalang pag-aantay ay nasilayan ko na ang aking anghel na namayapa na. Dinala siya dito ng isang nars at kitang kita ko ngayon ang anak kong nakaratay sa isang maliit na kama. Dahan dahan ko siyang kinuha at kinarga na parang nabubuhay pa.

Ngayon na hawak hawak ko na siya ay sobrang ligaya ng aking nadarama habang ang aking asawa ay aking katabi na nakatingin din sa aming munting anak.

Kahit na alam kong wala na siya ay gusto ko pa rin siyang kausapin na parang nabubuhay pa, kahit ngayon lang...

"Hi anak!" Pinanatili kong masigla ang aking boses ngunit kalaunan ay tumulo nanaman ang mga masasaganang luha mula sa aking mga mata.

"Mamimiss ka ni nanay, pasensya na at 'di kita naingatan at nailigtas anak. Sayang 'nak makikita mo na sana si kuya Clark mo eh. Sorry b-baby ko." Ang sakit sakit na kahit anong gawin ko ay hindi na muli siya hihinga at mabubuhay. Patuloy kong kinausap ang aking anak habang sinusubukang ngumiti at maging masigla dahil ito lang ang oras na maaari ko siyang hawakan.

Matagal ko siyang pinagmasdan. Mas malaki siya kumpara sa aking inaasahan dahil ang sabi nila ay kulang ako sa nutrisyon ngunit masaya ako dahil mukhang maayos ang kalusugan niya kung lumabas sana siya sa tamang buwan. Pasensiya na anak at patawarin mo sana si mama.

Inakap ko ang aking anak at hinalikan sa pisngi. Kitang kita ng mga mata ko ang malayong nakatanaw na si Rod at mukhang malalim ang iniisip ngunit hindi ko muna siya binigyang pansin dahil itong oras lamang na ito ang kauna-unahan at kahuli-huliang makakasama ko ang aming anak.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon