Kristin
Mahigit tatlong oras. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito na lamang ang pagmamahal ko sa lalakeng patuloy akong pinapahirapan sa kasalanang hindi ako ang gumawa.
Sa kabila ng lahat umaasa pa rin ako na mabuo ang pamilyang ito para sa anak ko.
"Hey bitch," kasabay ng pag angat ko ng tingin ang maingay na tunog ng kumakalansing na susi, sa awa ng panginoon.
"Mag-ayos ka, may family dinner kami at sinasama lang kita dahil sa kagustuhan ng nanay ko, 'wag kang umastang asawa."
Napangiti ako ng palihim dahil paniguradong magiging maganda ang pakikitungo niya sa akin ngayon ngunit namilipit ako sa sakit nang sikmuraan niya 'ko bigla.
"You don't deserve any kind of happiness for ruining my life." Pagka-angat ko ng tingin ay likod na lamang ni Rod na papalayo ang nakita ko.
Ala-sais na ng hapon. Pagkatapos kong bawiin lahat ng pagod na naramdaman ko ay naghanda na ako para sa hapunan nilang mag pamilya.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong silbi sa paningin ni Rod. Nag suot na lamang ako ng disenteng damit, isang damit na may mangas na malapit ng maikumpara sa basahan dahil sa pagkaluma nito at ang aking nagiisang maong na pantalon.
Sa ilang taon naming pagsasama ay ni minsan hindi ako binilhan ng aking asawa ng mga damit, kung ano ang dala dala ko noong nagsama kami, 'yun pa rin ang aking gamit hanggang ngayon. Nakakahiyang masasabi ang aking damit ngunit ito na ang pinakamaayos sa aking mga gamit.
"Tapos ka na ba?" Napapitlang ako nang marinig ang baritong boses ng aking asawa. Mabilis kong kinuha ang bag ko na may kakaunting laman at lumabas na ng kwarto.
"Kristin! Ano yang suot mo?!" Hindi ko siya masisisi ngunit wala na akong pagpipilian.
"Ro-sir, pasensya na po dahil ito lang ang pinakamaayos na damit ko." Nakatungo at nahihiya kong sabi.
"Tss." Tumalikod si Rod at aking inakala na iiwan niya nalang ako dito sa bahay ngunit pagbalik niya ay may daladala siyang isang lalagyan at iniabot niya ito sa akin.
"Ha?" Nakatitig lamang ako sa kamay niyang may inaabot na bagay.
"Tangina! Sige kainin mo! Bobo ka talaga kahit kailan! Isuot mo yan." Galit na galit nanaman siya ng dahil sa isang katangahan ko.
Mabilis kong kinuha ang lalagyan at pumanhik muli sa aking kwarto. Pagkabukas ko pa lamang ng lalagyan ay nalula na ako sa ganda ng damit. Mukhang mamahalin.
Isang bestida na mahaba ang laylayan para sa kamay at aabot ito sa aking tuhod, kulay kape at nang isukat ko ay sumakto sa akin. Napakagaganda at elegante tignan, pero hindi nababagay sa akin ang ganito.
Agad na akong lumabas nang kumatok si Rod. Titig na titig siya sa akin pero agad din niya itong binawi.
"Kahit anong suot mo na damit mukha ka paring basura. Let's go."
Tahimik na lamang akong sumunod sakaniya dahil wala naman akong boses sa pamamahay na ito.
Inisara niya ang bahay at kinandaduhan, nang makarating kami sa garahe ay 'di ko malaman kung saan ako pupwesto sa kaniyang sasakyan dahil ito pa lamang ang kauna-unahang pagsakay ko dito.
"Tatanga ka nalang ba d'yan?" Iritable tanong niya mula sa unahan at dahil sa taranta ay pumasok ako sa likurang bahagi ng sasakyan.
Baka ayaw niya akong katabi.
"Bobo! Gagawin mo pa akong driver Kristin?! Lumipat ka dito sa harap. Subukan mong gumawa ng kahit na anong pagkakamali sa harap ng pamilya ko malikintikan ka sakin. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Tumango at lumipat sa unahan bago nanahimik habang nakayuko. Ramdam ko ang inis niya sa akin at ayokong dagdagan iyon ng galit.
Tahimik ang biyahe hanggang sa makapunta kami sa pagdarausan ng sinasabi niyang party.
Rich Gate Villa
Ngayong gabi naramdaman ko na may asawa talaga ako. Ang sarap sa pakiramdam na pinapakilala niya ako sa mga pinsan niya kahit na napipilitan siya dahil iyon ang utos ng kanyang nanay.
Matapos ang pagpapakilala at ilang batian, inaya na kami ng mga nakatayong waiters sa isang pahabang lamesa. Kasama namin ang ilan sa mga ipinakilala niya sa akin kanina.
Madaming ring mga pagkain, nakakatakam! Ngayon lang ulit ako makakakain ng tama.
"Kung gusto mo kumain, kumain ka na diyan, wala akong pakealam kung mabulunan ka at ikamatay mo. Sana nga eh para mabawasan na ang pabigat sa buhay ko." Pabulong na sabi sa akin ni Rod habang nakangiti.
Yumuko nalang ako dahil ayokong makagawa ng eksena at makatanggap ng pananakit pag uwi sa kaniyang bahay.
Pinagmasdan ko ang mga bisita kung paano nila kainin ang mga putaheng nakahain, kung sa probinsya nami'y nakakamay o kutsara lamang at kung sa bahay ni Rod ay kutsara at tinidor, dito ay may kutsarita at kutsilyo.
Kahit hindi sigurado ay dinampot ko ang kutsilyo at sinubukang gayahin ang ginagawa nila pero... hindi ko pa tuluyang nahiwa ang karne nang bigla itong tumalsik kung saan.
"Yuck! Ano 'yan?" Narinig ko nalang ang matinis na pagsigaw ng isang babae sa hindi kalayuan na table.
Naagaw namin ang atensyon ng halos lahat dahil sa nangyari. Sa sobrang kahihiyan ay lumapit ako at kinuha ko ang tumalsik na pagkain at nagpasensiya sa lahat. Nakarinig ako nang ilang mga panlalait at pang huhusga dahil sa napakababaw na bagay na nagawa ko.
"Bobita naman niyan. Asawa ba talaga yan ni Rod?"
"Hindi ba siya marunong gumamit ng utensils?"
"Fudge." Nagulat naman ako ng pinatayo ako ni Rod at siya na ang nagpasensiya sa lahat.
Hindi ko maintindihan kung bakit ang dali nilang tanggapin ang paumanhin ng aking asawa samantalang noong ako ay may mga masamang salita pa akong narinig.
Matapos humupa ng tensiyon ay hinila ako papunta kung saan ni Rod at nang nakalayo na kami sa mga tao ay bigla na lamang akong sinampal.
"Kristin! Shit! You're getting into my nerves! Kahiya hiya na ngang ikaw ang pinakilala kong asawa sa mga kapamilya ko tapos ipapahiya mo nanaman ako?! Nagiisip ka ba?!"
"P-pasensiya na Rod, hindi ko sinadya." Takot ako dahil baka sumobra muli sa sampal ang gawin niya sa akin.
VOTE | COMMENT | FOLLOW
BINABASA MO ANG
The Illiterate Wife ✔
Romance[R 18+] "Ginusto mo to Kristin. 'Wag na 'wag mong ipapasa sa akin ang kasalanan mo!" Maria Kristin Garcia-Bezos, The Illiterate Wife. Language Used: English/Filipino 🖋 Highest Rankings: #3 in martyr (4/2021) #1 on suffer (4/2020) #1 on abandoned (6...