TIW 21

11K 270 97
                                    

A/N: Salamat sa mga readers ((: lalo na po sa mga nagvote at comment kasi nakakaboost talaga ♡ By the way, here's the most awaited point of view.
---

Rod

Isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon, ang anak namin ni Karell. Finally, it feels great to have something that I could call my own family. Imagining my life with them is beyond perfect.

Karell was by my side, sleeping peacefully in one of the hospital's room.

"Love? Please rest, I just need to talk to someone. I love you." I kissed her lips before heading out.

Kahit na hindi maganda at napaaga ang pag-uusap noong nakaraan ay hindi ko pa rin mapigilang na mag saya. At last, we can stop this nonsense marriage.

Akala ko ay kaya kong mahalin si Kristin, I tried sa mga nagdaang buwan pero hindi hindi niya kayang tumbasan ang pagmamahal ko kay Karell.

Before celebrating on the upcoming operation of my child, I still need to speak with my soon to be ex wife to clear things up.

Honestly, I was a bit hurt. Anak ko rin si Christina...but love makes you really do unexpected things.

I chose Karell. Sila ang pamilya ko. Karell, Eric, our son and of course Clark.

Pinuntahan ko si Kristin sa kwarto niya, we need to settle everything between us. As I opened the door, I saw her looking blankly at the wall.

"Kristin. Kailangan nating mag-usap." Sinabi ko na agad ang pakay ko. Ayokong magtagal sa isang lugar na kasama siya.

"Ano pa bang kailangan mo? Nakuha niyo na ang puso ng anak ko." She bitterly said those words while her eyes screamed pain. Magang maga ang kanyang mga mata at kitang kita ang bahagyang pamumula nito, indikasyon nakakagaling niya ulit sa iyak.

I'm sorry...Christina.

"Listen, okay? Nasaktan din ako, anak ko rin si Christina pero mahal ko ang anak namin ni Karell."

"Mahal? Ano ba ang alam mo sa pagmamahal Rod? 'Yan na ba ang basehan ng pagmamahal? Ang kumitil ng buhay? Nakakatawa ka nagawa mong pagpilian ang mga anak mo."

I was caught off guard with her response. Hindi ko inakala na ang babaeng tatanga tanga sa harap ko ay nilalabanan nalang ako ngayon.

"Kaya pala...kaya pala tuwang tuwa ka nang malaman na buntis ako. Kaya pala todo ingat ka sa akin, mayroon ka palang tinatagong plano para sa pansariling interes." Nakayukong pahayag nito at mukhang naipagtagpi niya na nga ang nangyari.

"Kaya ko namang tanggapin lahat ng suntok, sampal at sapak mo sa akin eh pero hindi pa ba iyon sapat Rod? Hindi pa ba sapat lahat ng pasakit na dinala mo sa buhay ko? Na pati buhay ni Christina kailangan mo ring kunin?!"

"Minahal kita! Pinagsilbihan kita kahit na itinuring mo akong basura Rod! Tiniis ko iyon!Lahat ng masasakit na salita tinanggap ko mula sayo. Sabi mo malandi ako diba? Pero sino ba ang may kabit sa ating dalawa? Hindi ba ikaw?!"

Agad na dumapo ang kamay ko sa kanyang pisngi.

"Tang'na! Wag kang mag malinis Kristin! Ikaw naman ang nag pumilit na maikasal sa akin!" Alam kong hindi ako ang nakauna sakanya. For all I know, prostitute siya sa isang bar bago kami naikasal. My mom even fixed everything for the civil wedding, 'yan ang lubos na hindi ko maintindihan.

"Sige! Saktan mo lang ako! Nag sasabi lang ako ng totoo Rod! Hindi. Iyan. Pagmamahal! Kasakiman ang meron kayo ng kabit mo! Kung alam mo lang. Ikaw ang may kasalanan ng lahat!"

"Ako?! Eh ikaw naman tong kinapitan 'yung nanay ko para maipakasal tayo! Kaya kong buhayin si Clark kahit wala ka pa sa buhay niya!"

"Ikaw! Ikaw ang sumira ng buhay ko dahil sa pang ga-"

Her words were cut off by the person who went inside. It was Karell. Agad ko siyang dinaluhan at inakay papalapit sa akin baka saktan nanaman siya ni Kristin.

"Bakit hindi mo nalang kasi tanggapin Kristin? Rod chose me over you for the second time. Game over Kristin. We used your daughter's heart para sa operation na kailangan ng anak namin." Karell's fierce attitude returned. Masaya akong nakabawi na siya mula sa kaganapan noong nakaraang gabi.

"Hey love, come on." I whispered to her. As if to say that I can take it from here. Ayaw ko nang mapagod muli si Karell.

"Why Vin? Just tell it right to her face. She's too dumb to understand anyways." I can see that Kristin wants to fight back but she looks too tired to argue.

"Nagkamali ako sayo, hindi ka karespe-respeto Karell. Isa kang mamamatay tao." Nanatiling kalmado si Kristin ngunit dinig ang diin na diin ng pagkakabigkas niya sa mga salita.

"Whatever you say Kristin. Kahit magsampa ka pa ng kaso ay walang wala kang laban sa amin. Just accept it. You're defeated. You want me to translate it? Talong talo ka na." Bago pa magkaroon ng pisikalang pagkakasakitan ay tinignan ko na si Karell at mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Vin, I'll wait for you outside. I love you." I just smiled as a response pero agad din itong nawala.

"Bakit hindi mo pa sundan yung basura? Tutal basurahan ka naman." Pinigilan ko ang sarili kong muli siyang saktan. Hah! Akala niya ba ay matapang na siya?

"Huwag kang mag magaling dito Kristin, hindi bagay eh. Baka nakakalimutan mo, isa ka paring mangmang sa paningin ko."

"Baka nakakalimutan mo rin na pinatay mo ang sarili mong anak." I didn't expect her to fight back with words but what do I care?

"I came here to tell you that I already filed an annulment. Sooner maghihiwalay na din tayo gamit ang legal na pamamaraan. I believe nasabi na ni mama ang ibig sabihin nito kaya wala na akong dapat ipaliwanag."

"Wala pa bang mga dokumento? Sawang sawa na akong magkaroon ng asawa na katulad mo eh. Gusto ko ng makawala dahil nakakapagod kang mahalin. Habang binubuo mo yung sarili mo, may sinisira ka namang tao."

"Wag mong isumbat sa akin ang desisyon mo. Pagkatapos ng annulment, I'm giving you a worth of 30 thousand US Dollars. Magpakalayo layo ka, suit yourself."

VOTE | COMMENT | FOLLOW

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon