Kristin
Matapos ang may katagalang check up ay inaya ako ni Rod na kumain sa isang mamahaling kainan na nasa bungad no'ng klinika ng doktora.
Siya na rin ang pinapili ko ng pagkain dahil wala naman akong ka-alam alam sa ganito. Napakatahimik pa rin at tanging ang musika lamang sa loob ng kainan ang naririnig kaya sinubukan kong kausapin ang aking asawa.
Ngayon ay wala akong pinaglilihian na pagkain at hindi rin masyadong aktibo ang aking pabago bago ng ugali kumpara noong ipinagbubuntis ko si Clark kung kaya't hindi ako nahihirapan ngayon.
"Ah Rod?" Pambabasag ko sa nakakabinging katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.
"Yes?" Maikling sagot nito. Pansin ko lang na hindi na masyadong nagsasalita si Rod mula ng magkaayos kami. Nagsasalita lamang siya ng mahaba kung may importanteng sasabihin.
"Anong gusto mong kasarian ni baby? babae ba o lalake?" Kiming tanong ko dahil gusto ko rin malaman ang nilalaman ng isip niya tungkol sa pangalawang anak namin.
"Anything, it doesn't matter. Basta malusog siya at walang sakit." Diretsong sagot niya. Natuwa ako dahil may pakialam siyang tunay para sa kaniyang anak.
Nagtuloy tuloy kami sa pagkain ng tahimik hanggang sa may tumawag sakanyang telepono na inilipag niya sa lamesa.
Dr. Medrez calling...
Agad niyang dinampot ang kaniyang telepono at sinabing sasagutin niya muna ang tawag sa labas.
Um-oo na lamang ako at hinayaan siyang umalis. Nakakapagtaka lang na may doktor na tumatawag sakaniya. 'Di kaya may sakit ang aking asawa?
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Rod, gusto ko man siyang tanungin ngunit ipinagpaliban ko muna ito at binalak na sa bahay ko nalang siya usisain.
Natapos kaming kumain ng walang imikan at nararamdaman ko ang kaniyang biglaang pagiging balisa hangang sa tumungo na kami pabalik ng bahay ngunit nagulat na lamang ako nang ibang daan ang tinatahak namin.
Hindi ito ang daan pauwi sa bahay.
"Saan tayo patungo Rod?" Nakatangang tanong ko dahil wala akong kaalam alam sa direksyon maliban sa pauwi.
"May dadaanan lang tayo sa ospital." Seryosong saad naman nito na hindi inaalis ang tingin sa daanan.
"Para saan?" Segunda ko naman ngunit wala akong nakuhang sagot kaya nanahimik na lamang ako sa kaniyang tabi habang siya ay seryosong nagmamaneho.
Totoo kaya ang aking hinala na may sakit siya?
Nang makarating kami sa isang sikat na pribadong ospital ay dumiretso si Rod sa pinakababa ng nito kung saan inilalagay ang mga sasakyan, nang masigurong ayos na ang lahat ay nauna na siyang bumaba at hindi na hinintay pa ang pagsunod ko.
Sa kaniyang pagmamadali ay mukhang nakalimutan niya na atang kasama niya ako.
"T-teka Rod?" Hingal na sabi ko dahil mahahalata sakaniya ang pagmamadali. Hindi ko masabayan ang kaniyang malalaking hakbang.
"Shit. Kristin, makinig ka. Maiwan ka muna dito sa baba. May tatakbuhin lang ako saglit sa itaas, kukunin ko lang yung gamot ni mommy dahil inaatake nanaman siya ng kanyang sakit sa puso. Dito ka lang at 'wag kang susunod. Maliwanag ba?" Mahabang paliwanag at lintaya nito.
Ang kanyang ina? Sana ay ayos lang kaniyang kalagayan. Kaya pala ganito na lang umakto si Rod dahil sobra siyang nagaalala sa kalagayan ni mommy. Nasagot na ang aking pagaakala, ang ina ni Rod ang may sakit.
Tumango nalang ako at 'di na nagtanong pa muli, naglakad na lamang ako pabalik sa kinaroroonan ng kaniyang sasakyan dahil wala ata siyang balak umalis ng 'di ako nakikita na bumalik.
Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang kaniyang kinaroroonan at nakita ko siyang kumaripas ng takbo papunta sa elevator.
Hindi ko maintindihan, may nag-uudyok sa akin na sundan ang aking asawa ngunit ayaw kong suwayin ang kaniyang nag iisang bilin.
Mahigit limang minuto ata akong nag antay sa labas ng sasakyan dahil nakalimutan niya itong buksan nang pinabalik niya ako pero hindi pa rin siya bumabalik. Kung kaya't nakapagdesisyon na akong sundan ang kaniyang tinahak na daan.
Mediyo may kalayuan ang kaniyang tinakbo kaya minabuti ko na lamang na maglakad ng mabilis ngunit may siyempre ay may pag iingat din.
Wala akong napansin na kahit sino sa loob ng parking space. Maraming sasakyan ngunit parang walang tao.
Hanggang sa natanaw ko ang isang motor na papunta sa direksyon na aking tinatahak kaya naman, tumigil muna ako sa paglalakad para paunahin ang ito na tumawid pero tumigil din ito ng 'di kalayuan sa akin at isinenyas ng nagmamaneho ang kaniyang kamay.
Sumenyas ito na tumawid ako kaya ngumiti nalang ako dito bilang pasasalamat kahit 'di ko makita ang taong nagmamaneho dahil sa kanyang helmet na sobrang itim pero sa tingin ko ay isa itong lalake.
Malapit na 'ko sa papunta sa elevator. Kaunting lakad nalang ay mahahanap ko na ang aking asawa nang bigla na lamang humarurot ang motor papunta sa aking direksyon!
Rinig ko ang tibok ng puso ko na parang lalabas na sa aking katawan.
"AHHHHH!" Napahiyaw na lamang ako sa sakit nang matumba ako dahil nahagip ako ng motor at mukhang isinakto nito ang harurot para talagang matamaan ako.
Ramdam na ramdam ko ang pagbagsak, na nauna ang aking pang-upo. Sinubukan kong suportahan ito gamit ang aking mga kamay ngunit huli na.
Naramdaman ko agad ang sakit na umakyat papunta sa aking sinapupunan. Sobrang sakit na parang mapupunit ang aking kalamnam.
"Tulong! K-kuya, 'yung anak ko! Ang sakit!" Sobrang sakit ng aking tiyan na parang iniipit at sinusuntok. Hindi ko alam ang aking gagawin.
Humingi ako ng tulong sa taong nagmamaneho dahil tumigil ito sa aking harapan ngunit ang munting pag-asa ko ay parang bulang nawala noong dumiretso lamang paalis ang motorsiklo.
Parang sinigurado lang nito na nadali ako at nang masiguro nga ay bigla na lamang umalis.
"R-rod Tulong urgh! H-hindi ko na kaya!"
Anak parang awa mo na kumapit ka kay mama.
Nakarinig ako ng yapak papunta sa aking direksyon. Ramdam ko ang pagkahilo at pagkawala ng aking paningin. Hindi ko na kaya.
"Kristin?! Nasaan ka?! Kristin!" Iyan huling mga salita na naulingan ko mula sa aking asawa bago nandilim ang lahat.
VOTE | COMMENT | FOLLOW
BINABASA MO ANG
The Illiterate Wife ✔
Romance[R 18+] "Ginusto mo to Kristin. 'Wag na 'wag mong ipapasa sa akin ang kasalanan mo!" Maria Kristin Garcia-Bezos, The Illiterate Wife. Language Used: English/Filipino 🖋 Highest Rankings: #3 in martyr (4/2021) #1 on suffer (4/2020) #1 on abandoned (6...