TIW 30

11.1K 258 39
                                    

Kristin

"Pasensya na hindi ko napigilan kanina." 'Yan agad ang sinabi ni Aaron sa akin nang makabalik kami sa condo buti nalang ay wala pa ang mga bata dahil whole day ang klase nila ngayon.

Ako man ay nabigla sa bilis ng mga pangyayari pero kailangan na naming kumilos bago pa maibasura ang kaso tungkol kay Christina sa hukuman.

"Tama lang ang ginawa mo, Rod shouldn't have said those words." Malumanay kong saad, ayokong masaktan muli si Aaron at bumalik sa buhay niya noon bago kami magkakilala.

He's important to me. I don't want to see him broken.

"Ipagluluto na lamang kita ng pinaka-paborito mong ulam." Sa mga bagay na ganito ay gusto kong iparating sakanya na nandito lang ako na kasangga niya sa mga problema.

"Okay, thank you Maria." He smiled at me and hugged me bago ako tuluyang umalis at pumunta sa kusina para maghanda.

Habang naghahanda ako ng mga gagamitin at sangkap para sa adobong manok ay naramdaman ko ang presensiya ni Aaron sa aking tabi.

"I have the documents ready, it's time to put them where they truly belong." He said the words with a smirk on his face and victory heard in his voice.

Agad akong napatigil sa aking ginagawa at humarap sakanya nang puno ng galak sa aking mukha.

"Six long years of freedom that they never deserved and now, we can make the tables turn. Thank you Aaron." I genuinely smiled at him and continued preparing.

Naaawa man ako para kay Eric sa mga mangyayari pero sigurado akong magagawan pa namin iyon ng paraan kung matapos ang lahat ng ito.

"How about the test Aaron? Tumawag na ba sila?" I remembered about that, it's been a week since we gave the samples.

"Ah yes, pwede na raw kunin ano mang oras ngayong araw." Aaron replied while cutting potatoes and helping me prepare.

"Then, we are completely ready. Revelation of the pure truth it is." I smiled with that thought. Malapit na anak, hintayin mo lang ng kaunti si nanay.

We had our lunch with positive vibes running around the atmosphere. Sooner or later, we need to make a move again.

Hindi na ako aasa na si Rod ang gagawa ng hakbang. Baka kung kailan maisara na ang kaso tsaka lamang siya gagalaw.

Nag papahinga na lamang kami at hinihintay na lumipas ang oras para sunduin ang aming mga anak nang biglang tumawag sa telepono si Tita Grace.

"Hello po tita?" I politely answered.

"Iha, sinundo ko na ang mga bata sa kanilang paaralan." Kalmadong saad ni tita sa akin na ikinagulat ko naman dahil ang alam ko ay nasa Baguio pa siya.

"Po? Kailan pa po kayo nakarating dito? Bakit hindi po kayo nag sabi para nasundo po namin kayo." Mahabang lintaya ko sakanya.

"Kakabalik ko lang kagabi at ayos lang ako pati na rin ang magulang at kapatid mo Kristin." Saglit na tumahimik ang kabilang linya at ramdam kong may gusto pa siyang sabihin kaya nanahimik muna ako.

"Iha, kailangan niyo nang kumilos ngayon," Saad ni tita sa kabilang linya. Mahihimigan sakaniyang boses ang lungkot.

"Ibabasura na ng korte ang kaso kung wala pa kayong ebidensiyang maihaharap bukas."

Nang dahil sa sinabing iyon ni tita ay nakagawa agad ako ng desisyon. Hindi pwedeng maghintay pa.

"Gagawin na po namin ang plano mamayang gabi." Napapikit ako sa desisyong ginawa. Kailangan na namin itong isagawa.

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon