TIW 15

9.6K 205 34
                                    

Kristin

Nasa bakuran ako ngayon at nagdidilig ng mga halaman. Gustong gusto ko ang amoy ng mga rosas kaya halos dito ako namalagi. Napakapresko sa ilong at nakakakalma sa isip.

Dalawang buwan na ang nakalipas at masasabi ko ngang nagbabago na talaga ang aking asawa. Maganda na ang aming pagsasama sa ngayon.

Hindi na rin siya laging nakasigaw at wala na din ang kanyang pananakit sa akin. Pinapayagan na rin niya akong kumain, lahat ng pagkain sa bahay ay maaari kong galawin. Minsan ay binibilihan niya pa ako ng mga pagkain na gusto ko.

Ang tinutulugan ko ngayon ay ang kwarto ng aking anak na si Clark. Nakakataba ng puso dahil mukhang ito na nga ang pagbabago sa aming pagsasama. Araw araw na lumalaki ang aking kumpiyansa na baka maging masaya na rin ako ng tuluyan sa pamilyang kinabibilangan.

Apat na buwan na rin akong buntis at mediyo may kaumbukan na ang aking tiyan. Si Clark naman ay nasa lola pa rin niya at minsan ko nalang makasama at sa tawag pa pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nakakamusta ko ang aking anak.

Minsan ay naiisip kong nilalayo nila sa akin ang anak ko pero imposible iyon dahil ayos na ang relasyon namin ni Rod. Siguro ay naiisip ko lang ito dahil mababa ang emosyon ng mga buntis.

Matapos kong nagdilig ng mga rosas ay pinuntahan ko naman si Rod sa kaniyang kwarto. Huminga muna akong malalim pero bago pa man ako makakatok ng tatlong beses ay may naulingan akong boses.

"...malapit na just wait, please. latria mou, both of you are very important."

Hindi ko na ito masyadong pinansin pa at ipinagpatuloy ko na ang pagkatok.

"R-rod?" Agad namang nawala ang boses at binuksan na ni Rod ang pinto... sino kaya ang kausap niya?

"Bakit Kristin? May kailangan ka ba?" Tanong nito sa mababa at kalmadong tono, nais ko sanang itanong kung sino ang kausap niya dahil malambing ang kaniyang pananalita pero isinawalang bahala ko na lamang iyon at sinabi ang aking tunay na sasabihin.

"Ah Rod ano, ipupunta ko sana sa ospital 'yung anak natin kase halos ilang buwan na rin akong 'di nagpapatingin sa doktor. Kung papayag ka sana." Pagpapaalam ko dahil hindi pa rin ako kampante na ayos na ang aking pagbubuntis kahit na may umbok ang aking tiyan.

Mukhang natigilan pa siya at mukhang nag isip pero kalaunan ay tumango din siya.

"Sabay na tayong pumunta, hintayin kita sa baba."

Napangiti nalang ako ng lihim. Ayoko pang umasa pero hindi ko maiwasan. Nagbago na nga ata talaga siya.

Dinala ako ni Rod sa isang pribadong klinika ng isang may edad ng doktor na mediyo may kalayuan sa siyudad, ang sabi niya ay espesiyalista raw iyon para sa mga buntis at kaibigan ito ng kaniyang ina kaya tiwala ako dito.

Unang gagawin sa akin ay ang ultrasound. Sobrang saya ko naman dahil masisilayan ko ulit ang aking anak. Sana ay ganoon din si Rod.

Inayos na lahat ng doktora ang kailangan para sa ultrasound at pinahiga na rin ako sa malambot na cushion. Matapos lagyan ng gel ang aking sinapupunan ay iniharap niya sa akin ang monitor.

"Kristin, ito na ang puso ng anak mo. Tignan mo dito sa monitor, nabubuo na ang baby."

"Anak ko..." Ilang buwan nalang at makikita ka na ni nanay, kapit lang anak ha? Huwag mo kaming iiwan, mahal na mahal kita.

Pagkatingin ko naman kay Rod sa aking tabi ay halo halong emosyon ang mapapansin sa kaniyang gwapong mukha at nakita ko rin siyang ngumiti!

Nakakatuwa lang at mukhang dahil sa anghel na aking dala dala ay magkakaroon na kami sa wakas ng masayang pamilya, 'yung hindi na kailangang umarte pa na masaya.

Matapos lahat ng mga kinailangan isagawa ay pinaupo na ako nt doktor sa kaniyang malawak na opisina at kinausap ng masinsinan.

"Apat na buwan at dalawang linggo ka ng buntis Kristin." Napatango naman ako sa sinabi niya dahil tama iyon. Nasa tabi ko naman si Rod na nakikinig din sa sasabihin ng doktora.

"Hindi maganda ang iyong pagbubuntis, mababa ang fluid ng amniotic sac mo kaya nagkukulang ang nutrients ng bata." Pareho sila ng sinabi ng doktora sa pampublikong ospital kaya naintindihan ka iyon. Ibig sabihin ay tama ang unang findings sa akin.

"Pwede na po bang isagawa ngayon yung kailangan gawin para maayos po yung problema dok?" Malumanay ko na tanong, nagbabakasakali ako na maaayos na ang problema ngayon.

"Hindi siya advisable, kung seven months na ang baby ay pwede na nating isagawa dahil mas lalakas ang kapit niya, 'pag ngayon natin isinagawa ang procedure makakaapekto ito sa kalagayan ng bata." Mahabang lintaya niya.

Bumaling siya kay Rod at nagsalita.

"Magbibigay muna ako ng mga vitamins na pwedeng itake ni Kristin, Rod. Mediyo madami dami ito para sa kaniyang kalusugan at gano'n na din sa kaniyang anak."

Bakit parang hindi alam ng doktor na asawa ko si Rod? Hindi ba dapat 'inyong anak' ang tamang salita para do'n?

"Okay dra. Bibilihin namin lahat. Thank you so much, we'll keep in touch."

"Sige iho, these are the needed vitamins. Nakalagay na rin diyan kung kailan dapat inumin."

Tumango si Rod sa sinabi ng doktora at kinuha ang inabot na reseta.

"Ah Rod, if you don't mind. Kamusta na nga pala yung hulin-" Agad naputol ang sasabihin ng doktor sa biglaang pagsingit ni Rod.

"Doc, i'll give you a call later." Nakatingin ito ng diretso sa doktor na parang sinasabing 'wag ng munang magsalita. Parang may ipinapahiwatig ang kanilang tinginan pero hindi ko mawari kung ano 'yon.

"Oh sure Mr. Bezos." Saad ng doktor at ngumiti na lamang sa aming dalawa.

Bakit pakiramdam ko ay marami akong 'di nalalaman? May itinatago ba sila sa akin?

May tiwala ako sa asawa ko, ngayon pa na nagpapakita siya ng pagbabago alam kong hindi iyon magagawa ni Rod...

Hindi nga ba?

---
A/N: Thoughts anyone? Nalalapit na ang pangyayaring babago sa lahat.

Your votes, follows, and supports counts! Thank you. Paalala lang po na mag-ingat tayong lahat.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon