TIW 13

9.5K 202 45
                                    

Kristin

Natapos ang araw na masayang masaya si Rod at Clark kahit ako ay masaya rin pero nakakapagtaka pa rin ang naging reaksyon ng aking asawa.

Ngayon ay magkakasama kaming tatlo sa sofa habang nanonood ng isang pelikulang pambata. Si Clark naman ay nakatulog na sa aking tabi.

"Kristin, go sleep with- uh matulog ka muna sa kwarto ni Clark."

"Ha?"

"Doon ka muna matulog kasama si Clark sa kwarto niya."

"Rod kung n-naipilitan ka lang ayos l-lang ako-"

"Ang sabi ko dun ka sa kwarto ni Clark!" Napasigaw na siya siguro dahil sa sobrang kulit ko kaya napatango na lamang ako.

Grabe, seryoso ba talaga siya? Nagiging mabait na ba talaga ang aking asawa? Kikilalanin niya na rin ba ako biglang isang kabiyak?

Para hindi na makagalitan pa ay naligo lang ako saglit at nagbihis at tumungo sa kwarto ng anak ko.

Pagkadating ko sa kwarto ng anak namin ay nakaupo na ito habang gumuguhit. Mukhang naalimpungatan ito nang binuhat ni Rod papunta sa silid.

"Mommy! Totoo po ba na may baby brother at sister ako?" Nagtatalon na tanong sa akin ni Clark.

"Oo naman anak, pero isa lang ha." Natatawa kong sambit.

"Pero mommy akala ko dalawa po sila?" Mas lalo akong napatawa sa sagot ng anak ko.

"Tignan natin, anak."

"Excited na po ako, gusto ko po ng kalaro." Halata nga anak, mas excited ka pa kay nanay.

"Hintay lang tayo anak, dadating din ang kapatid mo kaya para mabilis siya na dumating kailangan mo mag sleep ng marami."

"Okay po, mommy. I love you so much!"

"Mahal na mahal din kita baby ko."

Naging maayos ang gabi naming tatlo at hindi ko inaasahan na pati kinabukasan ay magiging matiwasay din.

"Kristin, wala na tayong stocks sa pagkain, samahan na kitang mag grocery.

"Po? S-sir?"

"Mag ayos ka na dadating din si mama mamaya para sunduin si Clark dahil gusto niya na may bonding daw silang mag lola."

"Ah sige s-sir." Lihim akong napangiti dahil mukhang nagbabago na talaga ang pakikitungo sa akin ng aking asawa kahit pakonti konting pagbabago ay ayos na.

Maganda na itong senyales para sa aming pamilya.

Minadali kong nagayos at pinaliguan ko na rin ang anak ko. Nagsuot lamang ako ng simpleng t-shirt at pantalon na medyo kupas dahil sa tingin ko ay yun na ang pinakamaayos sa aking mga damit. Saktong natapos ko na ring ayusan si Clark nang may bumusina, ibig sabihin ay nandiyan na ang kanyang sundo.

"Nak, wag kang masyadong magkukulit kay lola." Paghahabilin ko kay Clark habang inaayos ang kaniyang nagulong polo dahil sa kakulitan.

"Opo mommy, I love you! Ingat po kayo. Sama pa ako sainyo ni daddy next time."

"Mahal ka din ni nanay anak. Oh sige, ingat kayo doon ng lola mo."

Matapos ang maikling pagpapaalam ay inihatid na namin ni Rod sa sasakyan ang aming anak. Pagkaalis ng sasakyan ay siya namang tanong sa akin ni Rod.

"Tara na?" Aya niya sa akin na ikinatango ko naman. Sabay kaming naglakad paalis. Kumapara noon ay binabagalan niya rin ang kaniyang mga hakbang para makasabay ako.

Gusto ko 'to pero nakakailang pa rin dahil hindi ako sanay sa ganitong akto niya. Dapat masaya ako. Pero paano kung isa lamang pala itong palabas? Kilala ko ang asawa ko, hindi ito magbabago ng basta basta.

Nawala lahat ng agam agam ko nang buksan niya ang pinto ng kaniyang sasakyan. Pumasok naman ako agad bago siya mainis. Kailangan ko pa rin na maging alerto dahil baka makagalitan niya ako.

Tahimik ang naging biyahe at tanging mga busina lang ng mga sasakyan ang maririnig.

Tumigil kami sa isang mamahaling mall na kung saan nabibilang sa daliri kung ilang beses akong nakapasok. Huling beses na nakapasok ako sa ganito ay noong ibinili ko ng regalo ang aking kapatid sa probinsya, limang taon na ang nakalipas.

Matapos niyang magparada ay agad naming tinungo ang naturang pamilihan para sa groceries.

Nauna siyang maglakad habang ako ay nasa bandang likuran, hindi ko maiwasang marinig ang mga komento ng ilan tungkol sa amin.

"Girl! Ang gwapo oh, napaka-desente at halatang mayaman kahit naka-shirt at khaki shorts lang."

"Manahimik ka nga, tignan mong may kasama oh."

"Hay nako, mukha ngang katulong eh."

Mas lalong bumaba ang tingin ko sa aking sarili dahil sa mga nahihimigang boses. Nakayuko nalang akong naglakad dahil tama sila. Kahit kailan hindi magtutugma ang langit at lupa.

"Hey Kristin. Nalista mo ba lahat ng kailangan bilhin?" Napatingin ako kay Rod na tumigil saglit at tumingin sa akin.

"Opo sir, maliban sa nakakandadong aparad-or." Naalala ko nanaman na itinatago niya lahat ng pagkain doon para wala akong makain.

Napangiti na lamang ako ng mapait habang nagbabalik tanaw sa kaniyang karahasan dati.

"Shit. Nakalimutan kong alisin 'yung kandado. Sige yan muna ang bilihin natin ngayon at please drop the sir, Rod na ang itawag mo sa akin ngayon."

Nagulat man ako sa biglaan niyang pagbabago ay nagbigay naman ito ng kakaibang saya sa aking puso.

Sobra akong naninibago sa aking asawa. Hindi ko lubos inakala na maaari pa palang maayos ang pakikitungo niya sa akin.

"Sige, R-rod."

Pumunta muna kami sa mga lalagyan ng mga isda, manok at karne. Alam kong hindi niya gamay ang ganito kaya ako na ang nagpresintang kumuha ng kailangan doon. Dumiretso naman siya sa mga lalagyan ng tinapay at canned goods.

Ayokong umasa na kasama ako sa mga kakain kaya ang kasya lang para sakanila ni Clark ang kinuha ko. Saktong pagbalik ko sa pwesto kanina ay naroon siya at nagaantay.

"Kristin, bakit 'yan lang?"

"Ah eh ano sir este Rod para sainyo lang ni Clark." Nakayuko na pahayag ko, hindi ko pa rin kayang salubungin ang kaniyang mga titig.

"Dagdagan mo 'yan. Kasama ka sa mga kakain, Kristin. Pasensya na kung naiparamdam ko sayo dati na hindi ka kabilang sa pamilya." Mahinahon na saad niya habang bahagyang nakangiti sa akin.

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Ito na nga ba ang sagot sa mga dalangin ko?

VOTE | COMMENT | FOLLOW

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon