Third Person's POV
Matapos ang insidente sa hapag kainan ay napagdesisyon ni Kristin na umalis dahil sa kagustuhan ng kaniyang asawa.
Nagpaalam siya sa kaniyang anak na may pupuntahan lang saglit at busog na siya dahil naparami siya ng kain. Mabuti na lamang ay naniwala si Clark sa kaniyang palusot.
Hindi man niya sinadiya ang nangyari ay wala na siyang magagawa pa. Nangyari na, tapos na at wala ng balikan.
Kahit na gutom na gutom siya ay sinunod na lamang niya ay kagustuhan ni Rod dahil ayaw niyang masaktan at mabungangaan ng mga hindi kaaya-ayang salita.
Sa kaniyang paglabas ay hindi niya namalayan na napalayo na siya habang naglalakad. Napalalim ang kaniyang pagmumuni at hindi na napansin pa ang patutunguhan.
Bakit nga ba humantong sa ganito ang lahat?
Sinubukan niya munang magliwaliw sa labas ng kanilang tirahan na minsan lang niya magawa para panandaliang makalimutan ang mga pasakit na dala dala pero kahit anong gawin niya ay ito at ito lang ang nilalaman ng kanyang puso't isipan. Lunod na lunod na siya sa mga kaganapan sa kaniyang buhay.
Ngayon ay walang buhay na bumalik at pumasok si Kristin sa bahay ng kaniyang asawa. Tila parang nahugot ang kanyang lakas. Ang gusto niya lamang gawin ngayon ay magpahinga. Wala ang kaniyang anak dahil nasa paaralan na ito, wala ang kaniyang asawa dahil nasa trabaho na rin ito.
Ngunit inakala niya lamang pala iyon, napatigil siya sa paglalakad papasok ng sala noong makita niya sila.
Ang kanyang asawa na si Rod kasama ang girlfriend nitong si Karell, ang kaniyang tunay na minamahal. Ang nauna bago dumating si Kristin sa larawan. Siya ang edukadang babaeng pinagmamalaki ng kaniyang asawa sa buong mundo. Sa kumpanya nito'y si Karell ang kinikilala ng mga empleyado na nobya ng kaniyang asawa.
Si Karell ang kinikilala nila at hindi si Kristin. Ayaw na ayaw ni Rod na may makakilala kay Kristin na hindi niya kapamilya dahil para sakaniya ay isa itong malaking kahihiyan.
Nasa kanilang sariling pamamahay si Karell ngayon at ang masaklap pa ay pababa ang dalawa mula sa kwarto ng kaniyang asawa na dapat ay kwarto niya kung hindi lamang basura ang tingin sakaniya nito.
Naiiyak man at nadudurog ang puso niya ngunit anong magagawa ng mahinang babae? Walang wala. Wala na siyang nagawa kun'di ang dalawang taong nag lalambingan.
Kitang kita niya kung gaano kasaya si Rod sa piling ng iba kaya umiwas na lamang siya ng tingin at aktong aalis muli ngunit...
"Bye hon, I'll call you later. I love you!" rinig niyang magiliw na pagpapaalam ni Karell sa kanyang asawa, sinulyapan niya ito na dapat ay hindi niya lamang ginawa.
"I love you too Karell. Please, take care honey." Binigyan ni Rod si Karell ng napakatamis na halik, punong puno ito ng pagmamahal at pag-iingat na kahit kailan hindi man niya naramdaman sa puder ng kanyang sariling asawa.
Mahahalata sa mukha nila ang pagkasabik at kitang kita ang pagmamahal na nila para sa isa't isa.
"Oh hey there, maid." Saad ni Karell sakaniya bago tuluyang umalis sa kanilang pamamahay.
Agad bumaling sakanya ng tingin si Rod pagkaalis na pagkaalis ng kanyang nobya lulan ng sasakyan nito.
Napapikit na lamang siya ng marahas siya nitong hinablot at walang pag-iingat na ibinalibag sa sahig.
"S-sir nasasaktan po ako!" Ngunit sa bawat pagsigaw niya ay ang lalong pagdiin ng mga daliri ng kanyang asawa sa kanyang balat.
"Wala akong pakialam sa'yo! Saan ka nanaman galing?! Hindi ba't malinaw kong sinabi na 'wag na 'wag kang aalis sa bahay ko?! Tangina ka talaga eh simpleng utos! Ano? Nanlalaki ka? Ilan ba sila Kristin?" Madilim nitong saad na akala mo'y isang maamong tupa na naging marahas na aso.
Parang kanina lang ay kalmado pa ito kasama si Karell ngunit agad itong nagbago nang maiwan kasama ang asawa.
"S-sir hindi po, maawa ka Rod." Nanginginig na si Kristin dahil sa lagay na ito ay alam niyang wala nanamang mag papatigil sa galit ni Rod.
Alam niyang nasa bingit ng hukay muli ang kaniyang mga paa. Kaya't sinubukan niyang kalmahin ang sarili upang hindi makagawa ng mas ikakagalit ng kaniyang asawa.
"SAAN. KA. LUMANDI?! Hindi ba't 'pag sinabi kong umalis ka, eh dapat sa labas ka lang?" Nakakabinging pag sigaw ni Rod. Kitang kita ang pag dilim ng mga mata nitong nakatingin sa kay Kristin.
Parang isang kriminal na handang lumapa ng bibiktimahin.
Buhat ng takot ay iling na lamang ang naisagot ni Kristin. Hindi na niya napigilan pang lumuha. Tagos na tagos ang mga salita nito sa puso niya. Hindi na niya kaya pang manahimik na lang.
Gusto niyang maranasang sumagot kahit ngayon lang. Isang beses lang para sa pang habang buhay na pasakit. Nais niyang lumaban para sa mga maling paratang ng kaniyang asawa.
"Rod! Ikaw lang ang lalaki na pinapasok ko sa buhay ko. Ako pa talaga ang nangaliwa? Hindi ba't ikaw ang may kabit sa ating dalawa?" Matapang na sumbat niya habang nakatingin ng diretso sa mga mga ni Rod. Pagod na pagod na siya kakaintindi sa taong sarado ang isip.
Panandaliang nagkaroon ng nakakabinging katahimikan ngunit agad din itong napawi nang bigla siyang napaluhod habang hawak hawak ang kaniyang kanang pisngi.
"Kaya mo na akong sagot sagutin ha?! Matapang ka na?!" Hawak na ngayon ni Rod ang panga ng kaniyang asawa. Makikita sa mga mata niya ang galit at pagkamuhi.
"Tutal matapang ka na, ayan isa pang sampal para mawala yang tapang mo!" Sabay sampal sa kaliwang pinsgi ni Kristin na wala nang nagawa kun'di umiyak at magmakaawa.
"T-tama na, Rod..." Ang kaninang matapang na Kristin ay bumalik sa dating mahina at walang kalaban laban. Tila isa siyang kandila na nauupos na.
"Yan ka lang Kristin. Mahina. Tandaan mo, ginusto mo 'to kaya panindigan mo." Madilim na saad ni Rod sa kanyang kaliwang tenga.
Ginusto nga ba ni Kristin na makulong sa lakakeng puro pasakit ang dinala sa kaniyang buhay?
Ginusto nga ba ni Kristin na makatanggap ng masasakit na salita muli sa kaniyang sariling asawa?
VOTE | COMMENT | FOLLOW
BINABASA MO ANG
The Illiterate Wife ✔
Romance[R 18+] "Ginusto mo to Kristin. 'Wag na 'wag mong ipapasa sa akin ang kasalanan mo!" Maria Kristin Garcia-Bezos, The Illiterate Wife. Language Used: English/Filipino 🖋 Highest Rankings: #3 in martyr (4/2021) #1 on suffer (4/2020) #1 on abandoned (6...